in

Gabay sa citizenship “18 anni… in COMUNE”

Narito kung paano magiging ganap na Italyano ang mga kabataang ipinanganak at lumaki sa Italya. ANCI, Save the children at Rete G2, nag-update ng kanilang gabay.  

Roma – Marso 23, 2016 – Sa Italya ay mayroong munting bakas ang ius soli. Ang mga anak ng mga imigrante na isinilang at lumaki sa Italya ay maaaring magkaroon ng Italian citizenship sa pagsapit ng 18 taong gulang. Mag-aplay lamang sa Comune at mayroon lamang silang isang taon upang gawin ito. Paano? Lahat ay ipinapaliwanag sa “”18 anni… in COMUNE! – I tuoi passi verso la cittadinanza italiana”, isang gabay buhat sa Anci, Save the children at Rete G2 lakip ang mga pinaka huling pagbabago sa batas ukol dito.

Ang pagiging mamamayang Italyano ay nangangahulugan ng pagkilala bilang mahalagang bahagi ng sosyedad kung saan isinilang at lumaki: ang hindi pagkilala dito ay nangangahulugan ng hindi pagsasakatuparan sa tinatawag na social inclusion”, paalala ni Giorgio Pighi, ang Anci Immigration officer. “Ang ating lipunan, multicultural, multiethnic at multilinguistic ay nangangailangan ng pagkakasundo buhat sa mga institusyon at ito ay nagsisimula sa pagbabago sa batas ng pagkamamamayan, dahil na rin sa pagsasa-alang-alang sa bagong komposisyon ng komunidad. Kami ay umaasa na ang sinimulang maayos na kolaborasyon kasama ang Save the Children at Rete G2 ay magpapatuloy upang magsumikap sa naging simulain: ang mag-follow up sa mga institusyon upang maging mas makatotohanan simula sa tema ng citizenship”.

Higit sa 800,000 ang mga kabataang buhat sa foreign origin sa ating mga paaralan – ayon kay Raffaela Milano, ang Italy Europe Program director ng Save the Children Italy – at tumutukoy ito sa isang makabuluhang bilang ng mga mag-aaral na kinikilalang ‘dayuhan’ dahil sa nationality ng kanilang mga magulang, samantalang sila ay mahalangang bahagi ng ating bansa. Natuklasan namin ng Anci at Rete G2 ang mga pagsusumikap ng maraming mga Comune – malaki man o maliit, mula North hanggang South – ukol sa pagpapahalaga sa pananatili ng iba’t ibang komunidad. Inaasahan namin na ang pagsusumikap na ito ay tanggapin ng Parliyamento, na may hangaring ilunsad ang bagong batas sa citizenship na magsusulong sa tunay na integrasyon”.

Ang 18 anni in Comune, inilathala noong 2014– ayon kay Mohamed Tailmoun, ang tagapag-salita ng Rete G2 ay naglalarawan ng isang pambihirang oportunidad ng pakikipagtulungan sa dalawang reyalidad na walang ibang hangarin ay ang magsulong sa karapatan sa pagkamamamayan para sa ikalawang henerasyon. Ito ay nagtataglay ng mga  mahahalagang simplifications at lalong higit ang paglalapit sa mundo ng administrasyon at ng mga kabataang magiging ganap na Italyano. Inaasahan din ang pangunahing suporta na magbubuhat sa mga alkalde maging sa laban para sa sibilisasyon, para sa isang batas na bukas na citizenship para sa mga anak ng imigrasyon”!

18 anni… in COMUNE! – I tuoi passi verso la cittadinanza italiana’’
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Employers, padadalan ng abiso para bayaran ang kulang na kontribusyon

Filipino Community of Catania, naglunsad ng unang proyekto