Ano ang debit at credit formations
Ang school year ay nahahati sa 2 semesters. Sa Enero at Hunyo, ang mga guro ay gumagawa ng academic evaluation ng mag-aaral sa pamamagitan ng evaluation form (scheda di valutazione) na ibinibigay sa magulang, na tinatawag ding report card. Sa katapusan ng taon, ang mag-aaral na nagtataglay ng 1 hanggang sa pinakamarami ng 3 gradong bagsak, ngunit pinaniniwalaan ng paaralan na malalampasan ito, ay ipapasa ang mag-aaral sa kundisyong babayaran ang debit formation nito. Ang debit formation ay mapagtatagumpayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagpasok sa mga catch-up course at sa pamamagitan ng isang pagsusulit sa susunod na school year. Tinatawag naman na credit formation ang partesipasyon ng mag-aaral sa mga proyekto o sa mga karagdagang aktibidad ng paaralan. Ang mga puntos ay susuriin at idadagdag sa final grade, sa pagsailalim sa eksamen na ibinibigay ng estado, ang maturità.
Paano ang proseso para sa mga banyagang menor de edad
Ang mga banyagang menor de edad na nasa bansang Italya, anuman ang kalagayan, documented man o hindi ang mga magulang (sa kundisyong patunayan ang pagiging magulang) ay mayroong karapatan sa edukasyon at matanggap sa lahat ng mga paaralan (gayun din ang pangangalaga ng kalusugan) na may parehong kundisyon tulad ng mga mamamayang Italyano.
Sa katunayan, ang karapatan sa edukasyon ay ipinagkakaloob sa pamamagitan ng art. 34 ng Saligang-Batas na nagsasaad na ang "paaralan ay bukas para sa lahat." Bukod dito, ang ilang mga internasyonal na kasunduan, kabilang ang New York Convention sa Mga Karapatan ng mga Bata at ang European Convention on Human Rights at ang Immigration Act (Batas Pambansa b. 286/98) at sa Implementing rules and regulations (Batas Pambansa b. 394/99), ay ipinagtitibay din ang karapatang ito.
Ang ugnayan sa pagitan ng bata at ng mga magulang, ay dapat na patunayan sa pamamagitan ng isang translated document na nagpapatunay tulad ng isang sertipiko ng pamilya, kapanganakan o pagpapatala ng menor sa pasaporte ng magulang. Sa kawalan ng patunay, gayunpaman, ang bata ay maaari pa ring itala, ngunit kung hindi mapapatunayan ang pagiging magulang sa loob ng 6 na buwan, ang paaralan ay maaaring mag-ulat sa awtoridad ng Juvinile court.
Ang pagpasok sa paaralan sa Italya ay hindi lamang karapatan ng isang menor, kundi isang tungkulin din ng mga magulang na pagkalooban ng edukasyon ang kanilang mga anak. Ang obligasyong ito ay ayon sa artikulo 38 ng batas Pambansa 286/98 na nagsasaad na ang mga dayuhang menor de edad na nasa bansa ay mayroong obligasyong pumasok sa paaralan, at ipatutupad ang lahat ng mga umiiral na probisyon ukol sa karapatan sa edukasyon, ang makatanggap ng mga serbisyo sa pag-aaral at ang partesipasyon sa komunidad sa paaralan.
Bilang karagdagan, ang sinumang dumating sa bansa matapos ang pagpapatupad sa Integration Agreement, ang pag-pirma ng dayuhan ay pangangako, kabilang sa maraming puntos, ang matiyak ang katuparan ng obligadong edukasyon ng kanilang mga menor de edad na anak na nasa bansang Italya. Ang kakulangan sa puntos na ito, maliban na lamang kung mapatunayan ang pagsusumikap na maibigay ang nasabing karapatan sa menor, ay magtatanggal ng lahat ng mga credit points na ipinagkaloob sa pagpirma ng Integration Agreement at ang mga puntos na natanggap pagkatapos, bukod sa nakalaang pagwawakas ng Kasunduan dahil sa paglabag.
Sa Circular No.2 ng Ministri ng Edukasyon, Universidad at Pananaliksik noong Enero 8, 2010, ay itinalaga ang pinakamataas na porsyento ng mga banyagang mag-aaral sa bawat klase katumbas ng 30% (tinatawag na tetto sa italyano). Ang nasabing Circular ay tumutukoy sa artikulo 45 ng Batas Pambansa 394/99 kung saan nasasaad na ang bilang ng mga dayuhang mag-aaral sa bawat klase ay hindi dapat lumampas kaysa sa bilang ng mga mag-aaral na italyano. Ang limitasyon sa bilang ng mga mag-aaral na dayuhan ay katumbas ng 30% sa kabuuang bilang ng mag-aaral bawat klase. Ang itinalagang limitasyon, gayunpaman, ay isang kriteryo para sa layunin ng organisasyon na maaaring itaas, sa pamamagitan ng isang kahilingan buhat sa General Director ng Regional Educational School, kung ang mga nakatalang mag-aaral, ipinanganak sa Italya o hindi, ay mayroong kakayahan at kaalaman sa wika. Ngunit ang limitasyon ay maaari ring mabawasan sa kasong ang mga dayuhang mag-aaral ay kulang sa kaalaman at kakayahan sa wikang italyano upang makasunod sa leksyon o kung mayroong dokumentadong kumplikasyon.
Ang klase kung saan itinatalaga ang mga dayuhang mag-aaral na dumadating sa Italya sa edad ng obligadong edukasyon, ay batay sa edad ng mag-aaral. Ngunit matapos ang masusing pagsusuri ng faculty members, ang menor ay maaaring ilagay sa ibang klase batay sa mga ginawang pagsusuri, antas ng preparasyon at kaukulang kwalipikasyon ng mag-aaral na tinanggap sa sariling bansa. Ang kundisyong ito ay matatagpuan sa Circular no. 2/2010 ng MIUR at artikulo 45 ng Batas Pambansa 394/99.
Ang cultural mediators
Ito ay isang propesyon na tumatayong tulay sa pagitan ng mga banyagang mag-aaral at sa mundo ng paaralan sa Italya. Paalala, ang mediator o tagapamagitan ay hindi tumatayong guro sa pagtuturo ng wikang italyano ngunit tumatayo bilang isang tulong upang maabot ang nasabing layunin. Ang kahalagahan ng katauhang ito ay ang kaalaman sa wika at kulturang pinagmulan ng mag-aaral, na tumutulong sa komunikasyon at integrasyon ng menor sa kultura at sa sitwasyon sa loob ng paaralan. Bukod dito, ang promosyon sa dialogo at pagkaka-unawaan sa pagitan ng mga banyagang magulang at staff ng paaralan.
Kailan magpapatala sa paaralan
Ang pagpapatala ng dayuhang mag-aaral sa paaralan ay may angkop na kundisyon tulad ng mga menor de edad na Italyano, na maaaring gawin sa anumang panahon ng taon sa bawat paaralan. Ang pinagaang na paraang ito ay nagpapahintulot sa mga menor na dayuhan na dumating sa Italya sa pamamagitan ng family reunification ang magpatuloy sa pag-aaral na sinimulan sa sariling bansa, ng hindi hihinto sa pagpasok sa eskwela. Maaaring sumailalim sa mga karagdagang pagsubok upang alamin ang antas ng kaalaman sa wikang italyano at ang antas ng preparasyon ng mag-aaral at upang makapag-desisyon kung saang klase itatala ang mag-aaral.
Ayon sa Batas 95/2012, ang pagpapatala sa paaralang publiko sa primarya at sekundaryo, first at second degree ay gagawin lamang online, habang ang enrollment naman sa nursery ay nananatiling sa pamamagitan ng lumang pamamaraan sa napiling eskwelahan. Para sa mga anak ng mga undocumented ay maaaring magpatala, gamit ang mga lumang forms sa mismong paaralan dahil sa kawalan ng ilang dokumento tulad ng fiscal code na kakailanganin sa pagpapatala online.
Matapos piliin ang paaralan, ay maaaring magpasya kung:
• Papasok sa religion class o papalitan ito ng iba pang mga uri ng mga gawain.
• Magpapatala sa pre-school at post-school, o isang uri ng serbisyo para sa mga magulang na mayroong oras ng trabaho na hindi tumutugma sa oras ng pagpasok at paglabas ng mag-aaral mula sa paaralan. Karaniwang ang serbisyong ito ay nakalaan sa elementarya.
• Paggamit ng school bus ng paaralan, kung ibinigay ng paaralan, at ito ay isang binabayarang serbisyo. Ang serbisyong ito ay karaniwang nakalaan sa elementary at First degree High school
• Canteen o lunch (kung ibinibigay ng paaralan) at ipapaalam ang anumang partikular na diyeta para sa kalusugang dahilan o panrelihiyon man. Ang serbisyo ay ibinibigay matapos bayaran ang isang fee, ngunit maaaring hilingin ang isang reduction o exemption sa kaukulang fee sa pamamagitan ng ISEE kung mayroong mababang kita. Ang nasabing form ay karaniwang ginagamit sa nursery, kindergarten at elementarya.
Upang makumpleto ang pagpapatala o enrollment, ay kinakailangang ipakita sa paaralan ang mahahalagang dokumento (birth certificate at / o pagkakakilanlang dokumento), dokumentasyon sa paaralan (sa sariling bansa, kailangan ang translation, legalization ng mga angkop na dokumento tulad ng class card o diploma), dokumentasyon sa kalusugan (tulad ng bakuna. Sa Italya ay mayroong mga obligatory vaccination ayon sa batas na dapat isagawa sa lahat ng mga bata. Kung ang bakuna ay hindi nagawa, ang principal ng paaralan ay makikipag-ugnay sa mga lokal na awtoridad sa kalusugan).
Sa kawalan ng dokumentasyon, na nabanggit sa itaas, ang bata ay itatala pa rin sa paaralan, ngunit sa loob ng 6 na buwan at wala pa rin ang mga dokumentayson na magpapatunay ng pagiging magulang, ang paaralan ay maaaring mag-ulat sa awtoridad ng Juvenile court.
Sa kaso ng negatibong resulta ukol sa pagkakakilanlan ng mag-aaral na inulat, ang natapos na pinag-aralan ay ipagkakaloob taglay ang mga datos ng pagkakakilanlan sa panahon ng pagpapatala.
Ang permit to stay
Karaniwang ang menor de edad ay nakatala sa permit to stay ng mga magulang, kung saan nasasaad ang pananatili sa bansang Italya para sa pang-pamilyang dahilan, nang hindi isasa-alang-alang kung ipinanganak sa Italya o sa ibang bansa.
Ang mga EU nationals na naninirahan ng higit sa 3 buwan sa bansa ay dapat hilingin ang pagpapatala sa registry office at ang releasing ng isang sertipiko ng pananatili bilang dokumento na nagpapakita ng pagtupad sa Batas Pambansa b. 30/2007.
Ang permit to stay para sa pampamilyang dahilan, na ibinibigay sa mga non-EU nationals, ay nare-renew para sa mga anak na may edad higit sa 18 anyos na nagpapatuloy sa pag-aaral tulad ng nasasaad sa directive no. 17272/7 ng Ministry of Interior noong Marso 28, 2008, sa kondisyon na ang isa sa mga magulang ay nakakatugon sa mga kondisyong pinansyal at kinakailangang angkop na tirahan para sa paga-aplay sa family reunification.
Sa pagkakataong tulad nang pagsapit sa hustong edad, ang dayuhan ay magpasyang maging malaya mula mga magulang at mag-aplay ng permit to stay para sa pag-aaral o sa trabaho ay dapat na matugunan ang mga kinakailangan para sa kaukulang dahilan. Ipinapaalala rin, na ang sinumang nagmamay-ari ng permit to stay sa pag-aaral ay maaaring magsagawa ng anumang trabaho, subordinate o self-employed, sa kabuuan ng 20 oras bawat linggo, para sa 52 linggong pinagsama, na may taunang limitasyon na 1040 na oras, sa panahon ng validity ng permit to stay (Artikulo 14, talata 4 ng Batas Pambansa 394/99).
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]