Gabay simula sa pagpaparehistro hanggang sa pagpapadala ng aplikasyon online ng italian citizenship.
Narito ang online system ng pagsusumite ng aplikasyon ng italian citizenship. Ang sinumang kwalipikado o nagtataglay ng mga requirements para sa italian citizenship (residency at marriage), sa pamamagitan ng website na inilaan ng Ministry of Interior: https://cittadinanza.dlci.interno.it., matapos ang magparehistro ay magkakaroon ng access sa e-form.
Una sa lahat ay siguraduhin ang pagkakaroon ng dokumento ng pagkakakilanlan, dokumentasyong buhat sa sariling bansa, tulad ng birth certificate at police clearance at ang resibo ng pinagbayarang kontribusyon ng postal bill ng 250 euros na hinihingi ng batas sa bawat aplikasyon. Ang mga ito ay kailangang i-scan at ilakip sa e-form.
Narito ang bawat hakbang ng online process ng pagpapadala ng aplikasyon upang maging ganap na Italyano. Narito rin ang tagubilin buhat sa Ministry of Interior.
1) Una sa lahat, magtungo sa website ng Ministry of Interior, i-click ang area dedicata alle domande online at mag-rehistro:
2) Ilagay ang personal na datos, pumili ng password at ilagay sa nakalaang kahon ang caratteri di controllo, at i-cick ang ‘invia’:
3) Makakatanggap ng isang email na may tagubilin upang makumpleto ang pagpaparehistro:
4) Bumalik muli sa website ng Ministry of Interior, ilagay ang email at password na ginamit sa pagrerehistro at i-click ang invia:
5) Matapos makapasok sa sistema,i-click ang “Cittadinanza”:
6) Magbubukas ang bagong menu. I-click lamang ang “Gestione domanda”:
7) Piliin ang form na kailangan batay sa uri ng aplikasyon: matrimonio o residenza? Naninirahan sa Italya o sa ibang bansa?
8) Piliin ang angkop na form batay sa sariling pangangailangan at simulang punan ang mga form
9) Maaaring i-download ang mga tagubilin sa pagsagot sa mga form para sa bawat uri ng aplikasyon, na inilathala ng Ministry of Interior:
Modello B – Cittadini Stranieri residenti in Italia – Art.9 e/o Art.16 – Richiesta per Residenza
Modello BE – Cittadini Stranieri residenti all’Estero – Art.9 lett. c