in

Green Pass, ang bagong regulasyon sa transportasyon simula Sept. 1

Simula September 1 ay mas pinalawak ang paggamit ng Green pass sa Italya. Ito ay ginawang mandatory din sa transportasyon, paaralan at unibersidad. Ang sinumang magbibiyahe sa eroplano, tren, bus, barko at ferry boat ay kailangang sundin ang regulasyon na nasasaad sa decreto na inaprubahan noong nakaraang August 6. Sakop din ng bagong regulasyon ang mga staff ng paaralan at mga unibersidad. Ito ay idadagdag sa ipinatutupad ng regulasyon simula August 6, kung saan ginawang mandatory ang Green pass sa pagpasok sa mga restaurants, cinema, theaters, museums at marami pang iba. 

Basahin din:

Green pass, ang bagong regulasyon simula September 1

Eroplano 

Para sa lahat ng national flights sa Italya ay mandatory ang Green pass. Para sa mga flight sa Europa ay nauna na itong ipinatupad, ngunit tandan na hindi sapat ang isang dose lamang ng bakuna upang magkaroon ng Green pass sa Europa. Sa mga non-European countries, ang regulasyon ay iba-iba. Sa Italya, upang makapagbiyahe sa pamamagitan ng eroplano ay kakailanganin ang mayroong kahit isang dose ng bakuna kontra Covid19 o gumaling sa sakit na Covid19 o mayroong negative result sa Covid test, simula Sept 1.

Barko at Ferry boats

Ang Green pass ay mandatory din sa pag-akyat sa mga nave (o barko) at traghetti (o ferry boats) na nagbibiyahe ng interregional. Kung ang ferry boat ay nagbibiyahe naman sa 2 lugar ng iisang rehiyon ay hindi kakailanganin ang Green pass. Isang exemption, tulad ng nasasaad sa decreto, ang Strait of Messina, sa kabila ng koneksyon nito sa dalawang rehiyon (Sicily at Calabria), ay hindi kinakailangan ang Green pass sa pag-akyat sa barko.

Tren

Ang bagong regulasyon ay para sa mga tren ng Intercity, Intercity Notte at Alta Velocità (Frecce at Italo). Hindi naman mandatory ang Green pass sa mga regional train, kahit pa sa koneksyon nito sa mga rehiyon.

Pullman 

Ang Green pass ay mandatory para sa mga pullman na ang serbisyo ay tuluy-tuloy o periodically, na nag-uugnay sa dalawang rehiyon. Mandatory din ito sa mga autobus na ipinare-rent with driver (hindi kasama ang mga karagdagang local at regional public transportation). 

Metro at local autobus

Hindi mandatory ang Green pass sa lahat ng local public transportation tulad ng metro, tram at autobus. 

Exemption  

Samantala, hindi mandatory ang Green pass sa eroplano, tren, barko at pullman ang mga mas bata sa 12 anyos dahil sila ay hindi pa maaaring mabakunahan. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Italian National Committee for Biosafety, sang-ayon sa pagiging mandatory ng bakuna

back to school sa italya

Green Pass, ang bagong regulasyon sa mga paaralan at unibersidad simula Sept. 1