in

Handbook on home care for the elderly, buhat sa Ministry of Health

Paano malalaman kung nasa panganib ang matandang inaalagaan, paano maiiwasan ang komplikasyon at paano kikilos sa kaso ng emergency. Narito ang handbook para sa mga caregivers sa iba’t ibang wika mula sa Ministry of Health.

altRoma – Hunyo 19, 2012 – Ang mga araw ng matinding init ay nararamdaman sa Italya, ito ang tinatawag na”Scipione d’Africano”.

Ito ay partikular na mapanganib para sa mga matatanda, kung kaya’t ang Ministry of Health ay naglaan ng isang gabay sa anim na wika, kasama ang ilang mga rekomendasyon para sa mga caregivers. Ito ay magtuturong kilalanin ang mga nasa panganib, malaman ang mga sintomas na dulot ng matinding init, kung paano ang mga ito ay maiiwasan at kung ano ang dapat gawin sa mga pagkakataon ng emergency.

Samakatuwid ay ipinapayo halimbawa, na panatilihing presko ang tahanan, sa pamamagitan ng pagsasara ng mga blinds at shutters, paggamit ng air conditions o bentilador, at maging ang pagsusuot ng maninipis na damit sa mga matatandang inaalagaan. Dapat ding bigyan ng isang diet na mayaman sa prutas, gulay at inumin at iwasan ang mga nakalalasing, yelo, mga matatamis at ang sparkling water. Iwasang lumabas ng bahay sa oras sa matindi ang sikat ng araw at ipinapayong magtungo ng park o garden o mga lugar kung saan mahangin.

At kung sakaling hindi sapat ang mga pag-iingat at ang inaalagaan ay nahihirapan sa sobrang init, tumawag lamang sa toll free number 118. Sa paghihintay ng pagdating ng mga duktor, ang Ministry ay ipinapayong kunin ang body temperature ng inaalagaan at painumin ng maraming tubig at iwasan ang magbigay ng anumang gamut tulad ng aspirin at paracetamol upang bumama ang body temperature.

Handbook on home care for the elderly

Raccomandazioni per il personale che assiste gli anziani a casa

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Para Kay Tatay…

Summer Health Tips