Ako ay isang dayuhang legal na residente sa Italya at nais kong umuwi sa aking bansa. Gaano katagal ako puwedeng manatili doon ng hindi manganganib ang aking permit to stay?
Enero 27, 2012 – Ang mga non-EU nationals na mayroong balidong permit to stay, ay maaaring pansamantalang lisanin ang Italya, ngunit gaano katagal o hanggang kalian? Ang batas ay nagtalaga ng mga kundisyon.
Una sa lahat ay kailangang alamin ang validity ng permit to stay.
Ayon sa Art. 13 ng D.P.R. 394/99, sa pagpapatupad ng batas ng Immigration law ay nasasaad, sa katunayan, na ang permit to stay ay hindi maaaring i-renew kung ang pananatili ng dayuhan sa bansa ay natigil ng anim na buwang tuluy-tuloy. Ito ay para sa mga permit to stay na mayroong one year validity.
Kung ang permit to stay naman ay may dalawang taong validity, ang pinakamahabang panahon ng
pansamantalang paglisan sa Italya ay katumbas ng kalahati ng panahon ng validity ng permit to stay, samakatwid, ay isang taon.
Ngunit kung ang dayuhan ay ‘dapat’ manatili sa labas ng bansa higit sa panahong itinalaga ng batas, dahil sa malubhang kadahilanan tulad ng admission sa ospital o rehabilitation, o upang gampanan ang obligasyong militar, ay mayroong karapatan sa renewal ng nasabing dokumento. Ipinagkakaloob din ng batas ang karapatan ng renewal kung ang paglisan ay dahil sa karamdaman ng asawa o ng kapamilya ng first degree. Mahalaga, gayunpaman, na itago ang lahat ng dokumento na nagpapatunay ng mga dahilan ng pananatili sa ibang bansa at maaaring hingin ang translation at authentication ng mga dokumentasyon sa Italian Embassy.
Kung nag-expire ang permit to stay habang ang dayuhan ay nasa ibang bansa pa, maaaring bumalik sa Italya sa pamamagitan ng pag-aaplay ng re-entry visa sa Italian Embassy. Ang permit to stay ay hindi dapat expired ng higit sa animnapung araw. Ang term na ito ay hindi ina-aplay sa mga tumupad ng obligasyong militar. Para naman sa mga nagkasakit, ang permit to stay ay hindi dapat expired ng higit sa isang taon.
Para sa re-entry visa application ay kailangang ipakita ang expired na permit to stay at ang Italian Embassy ay ang hihiling ng pahintulot sa Questura kung saan inisyu ang permit to stay.