Ang Rehiyon, tulad ng hatol ng hukuman, ay nagtakda ng ‘fix amount’ upang matiyak ang pangangalaga sa kalusugan ng mga over 65 na dumating sa Italya sa pamamagitan ng family reunification. Ngunit ang kasunduan sa pamahalaan ay nagtataglay ng maraming mga bagong balita.
Roma – Pebrero 27, 2013 – Ang mga senior citizen na dumating sa Lombardy sa pamamagitan ng family reunification ay maaari nang magpatala at magbayad ng health service.
Ang karapatang ito ay kinumpirma ng hukom ng Milan noong nakaraang Disyembre, matapos ang apila buhat sa mga asosasyong Anolf, Asgi, Avvocati per Niente at Naga. Katapusan lamang ng Enero, gayunpaman, nang ang Lumbardy Region ay kumilos: sa pamamagitan ng isang Circular mula sa tanggapan ng Director-General sa Kalusugan, "sa paghihintay ng angkop na batas”, ay itinatakda ang halaga ng kontribusyon katumbas ng € 387.34.
Nagsimula ang lahat noong 2008, sa paglabas ng isang bagong batas ukol sa family reunification ng mga over 65 na dapat magbayad ng health services, sa pamamagitan ng bolontaryong pagpapatala sa SSN o sa pamamagitan ng isang insurance policy. Ngunit dahil tila ayaw ng mga insurance company na bigyan ng ‘coverage’ ang mga senior citizens, kung hindi rin lamang sa mataas na halaga at kahit ang gobyerno ay hindi kaylanman nagtalaga ng halaga ng SSN.
Iilang rehiyon lamang sa kasalukuyan ang kusang kumilos at nagtalaga ng halaga at ang Lombardy Region ay hindi kabilang dito. Ang mga senior citizen, samakatwid, ay nanatiling walang ‘health coverage’. Ang hatol lamang noong Disyembre ang nagtulak sa administrasyon upang kumilos.
Ito ay ang unang hakbang lamang, dahil ang Lombardy kasama ang lahat ng iba pang mga rehiyon ay dapat na pagbutihin ang antas ng pangangalaga sa kalusugan ng mga dayuhan at tumulad sa mga mahuhusay na simulain sa bansa. Ito ay nasasaad sa kasunduan noong Disyembre sa pamahalaan, at bukod sa boluntaryong pagpapatala ng over 65 ay nasasaad din maging ang obligadong pagpapatala ng mga anak ng mga undocumented (samakatwid, ang pagkakaroon ng pediatrician) gayun din ng mga naghihintay ng first issuance ng permit to stay o ng Regularization.