in

Hindi pagkaka-unawaan ng employer at colf ukol sa ferie? Narito ang isang gabay

Ang hindi pagkaka-unawaan ng employer at colf ukol sa ferie ay bagay na hindi naman sinasadya ng pareho ngunit makakabuting ito ay maiwasan. Narito ang gabay.

May pagkakataong umaabot sa hindi pagkakasunduan ang employer at colf sa pagsapit ng summer season dahil sa simpleng dahilan ng pagpili at pagkakaroon ng magkaibang buwan ng bakasyon o ferie. Mga bagay na marahil ay hindi naman sinasadya ng pareho ngunit makakabuting ito ay pag-usapan sa simula pa lamang.

Paano? Sa panahon pa lamang ng hiring ay mabuting italaga na rin ang panahon ng bakasyon. Sa panahong pinag-uusapan at pinagkakasuduan ang araw at oras ng trabaho, ay mahalagang kasama na rin ang kasunduan ukol sa buwan ng bakasyon upang maiwasan ang anumang hindi pagkaka-unawaan.

Samakatwid, sa dalawang kopya ng lettera di asunzione na pinipirmahan ng pareho, ay tukuyin na rin ang panahon ng bakasyon na napagkasunduan ng pareho.

Narito ang isang gabay para sa mga colf na mahalagang tandaan ukol sa ferie o bakasyon:

  1. Ang araw ng bakasyon ay may kabuuang bilang ng 26, live in o part time man. Hindi mahalaga kung ilang oras na nag-trabaho: part time o full time, kada taon ng serbisyo ng paglilingkod sa employer, ay mayroong karapatan sa 26 working days bilang bakasyon ang mga colf, kasama ang araw ng Sabado (at hindi kabilang ang araw ng Linggo at ang mga pista opisyal sa working days).
  2. Ang mga bagong hired naman na wala pang isang taon sa trabaho ay hindi maaaring magkaroon ng 26 na araw, bagkus ay batay lamang sa panahong ipinag-trabaho nito. Gayunpaman, ang employer ay maaaring mag desisyong magbigay ng anticipated vacation o extra vacation ngunit hindi bayad.
  3. Ang panahon ng ferie o bakasyon ay hindi dapat tuluy-tuloy. Ito ay upang matugunan ang pangangailangan ng pareho. Karaniwang ang bakasyon ay ibinibigay sa pagitan ng buwan ng Hunyo at Setyembre, ngunit hindi maaaring kunin sa ibang buwan maliban na lamang kung napag kasunduan.
  4. Ang bakasyon ng colf ay maaaring kunin ng 2 linggo sa parehong taon at ang nananatiling 2 linggo pa ay sa loob naman ng ika-18 buwan. Gayunpaman, pinahihintulutan ng CCNL ang anumang pagbabago batay sa kasunduan ng employer at worker.
  5. Ang halaga ng sahod ay nagbabago batay sa uri ng trabaho. Sa mga naka-live in ay kailangang ibigay kada araw ang halagang katumbas ng 1/26 ng buwanang sahod at sa halagang ito ay idadagdag ang para sa board and logging (halagang itinalaga ng Ministry of Labor at ina-update taun-taon). Gayunpaman, ang halagang ito ay hindi ibinibigay sa naka-live in na colf kung sa panahon ng bakasyon, sa awtorisasyon ng employer, ay piniling tumuloy sa bahay ng employer sa panahon ng kanyang bakasyon.
  6. Sa panahon ng ferie o bakasyon ay patuloy pa rin ang bilang para sa maturity ng 13th month pay o tredicesima, panahon ng serbisyon o anzianità di servizio at separation pay o tfr.
  7. Ang bakasyon ay napuputol sa kasong ang colf ay ma-aksidente o mag-kasakit.

Para sa kalkulasyon ng araw ng bakasyon o ferie, basahin rin ang link na ito.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permesso per attesa occupazione, ibibigay lamang kung ang pagpapatala sa Centro per l’Impiego ay nasa validity period ng permit to stay

Turista, maaari bang mag-aplay ng permesso di soggiorno per lavoro?