in

Holiday sa domestic job, narito ang nasasaad sa National Domestic Work Contract

ako-ay-pilipino

Ang 2020, tulad na ng alam nating lahat, ay isang partikular na taon: ang pandemya na sanhi ng Covid-19 ay tuluyan ng minarkahan ang buong taon at malamang na makaapekto rin sa mga darating na pista opisyal at marahil ang paglabas ng bahay ay maaaring maging kumplikado. 

Narito ang mga pista opisyal batay sa probisyon ng National Domestic Work Contract. 

December 7 *Lunes Sant’Ambrogio
December 8MartesImmaculate Conception
December 25Biyernes Christmas
December 26Sabato Santo Stefano
Jan 1Biyernes Bagong taon
Jan 6Miyerkules Epiphany 

(* sa Comune di Milan lamang at mga kalapit na lugar)

Ang lahat ng mga nabanggit ay mga non-working holidays at dapat bayaran ng employer na parang isang araw ng trabaho

Pinapaalalahanan ang lahat na sa domestic job ay walang pre-holiday, kung kaya’t ang December 24 at December 30 ay mga working days o giorni lavorativi

Kung sa mga araw ng pista opisyal ay hilingin ng employer na magtrabaho ang colf, babysitter o caregiver, bukod sa bayad bilang holiday, ay babayaran din ang mga oras na ipinagtrabaho at may karagdagang 60%. 

Samantala, kung naka live-in ang colf at ang pamilya na pinaglilingkura ay magpa-pasko sa ibang lugar, ang colf ay kailangang sumama sa pamilya. Kung ito ay nasasaad sa lettera di assunzione, ang colf ay walang karagdagang sahod na matatanggap. Kung ito ay hindi nasasaad sa lettera di assunzione, ang colf ay babayaran ng daily basis (katumbas ng 20% ​​ng minimum wage). 

Kung ang colf ay naman ay hindi naka live in ay maaaring tumangging sumama. Kung sakali namang pumayag sumama ang colf ay babayaran ng daily basis (katumbas ng 20% ​​ng minimum wage).

Bukod dito, ipinapaalala sa mga naka live in na ang kanilang serbisyo ay magtatapos ng gabi ng Huwebes, December 24 at magbabalik serbisyo ng Lunes ng umaga, December 28 (o kung caregive ay babalik ng gabi ng December 27, kung napag-usapan. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

traze Ako Ay Pilipino

TRAZE Contact Tracing App, dapat i-download ng mga returning Ofws

Ako Ay Pilipino

UK, inaprubahan na ang bakuna Pfizer-BionNTech