Kailangang i-renew ang ISEE sa pagsisimula ng taong 2025? Narito kung paano gamit ang Smartphone.
Ang ISEE o Indicatore della Situazione Economica Equivalente ay ang indicator ng sitwasyong pinansyal ng isang household. Ito ay isang mahalagang dokumento para ma-access ang iba’t ibang benepisyo at bonus mula sa gobyerno ng Italya.
At ang malaking pagbabago ngayong taon ay ang pagkakataong makapag-submit ng Dichiarazione Sostitutiva Unica (DSU) – na kinakailangan para makalkula ang ISEE – direkta mula sa smartphone. Narito kung paano.
ISEE 2025: Paano mag-submit ng DSU gamit ang Smartphone
Madali at user-friendly ang INPS Mobile App para sa pagsa-submit ng DSU. Narito ang mga hakbang:
- I-download ang INPS Mobile App, na available sa Android at iOS.
- Mag-log in gamit ang isa sa mga sumusunod na credentials:
- Spid (Level 2)
- CIE 3.0 (Electronic Identity Card)
- CNS (National Service Card)
- Mula sa home page ng app, piliin ang “Servizi” at pagkatapos ay ang “ISEE”.
- I-click ang “Acquisisci dichiarazione” at i-fill out ang pre-filled na DSU batay sa mga guide questions.
- Kapag nai-submit na, ang ISEE ay ipoproseso sa loob ng humigit-kumulang 10 working days.
Iba pang Serbisyo ng INPS Mobile App
Hindi lamang limitado ang INPS Mobile App sa pag-rerenew ng ISEE. Kabilang sa mga serbisyo nito ang:
- Makita ang mga personal documents tulad ng pension slip at Certification Unica.
- Aplikasyon ng mga bonus tulad ng assegno unico, bonus nido, at premio alla nascita.
Mga Pagbabago sa Updated INPS Mobile App
Ang updated na bersyon ng INPS Mobile App, tinawag na 4.0, ay bahagi ng mga innovative initiative na isinusulong ng PNRR.
“Ang bagong serbisyo para pagsa-submit ng DSU, na ginagamit para ma-access ang iba’t ibang benepisyo sa welfare, ay isang mahalagang pagbabago para mapadali ang proseso nito,” ayon kay Gabriele Fava, Pangulo ng Inps.
Layunin ng digital process na ito na bawasan ang trabaho at pila sa mga Caf at pabilisin ang pagkuha ng mga sertipikasyon para sa mga users.
Matapos ang tagumpay ng “mini precompilata” DSU noong 2024, na ginamit ng humigit-kumulang 5 milyong pamilya, target ng Inps ang mas malawakang paggamit ng serbisyo sa pamamagitan ng mobile app.
Basahin din:
- ISEE, bakit mahalaga at paano magkaroon nito?
- Ano ang parusa sa paggawa ng false declaration sa ISEE?