in

ISEE online 2017/2018: maikling gabay paano gawin

Narito ang iba’t ibang hakbang sa paggawa ng Isee online.

 

Para sa kalkulasyon ng ISEE 2017 online at DSU ay kakailanganin, bukod sa pagkakaroon ng lahat ng mga requirements, ang pagkakaroon ng Pin code ng Inps at Spid Identity. Sa pagkakaroon lamang ng mga nabanggit ay maaaring gawin ang Isee online. 

Samakatiwd, para magkaroon ng access sa Isee Online (sa website ng Inps) ay kailangan munang magpadala ng request sa Inps na magpapadala ng Pin code sa loob ng 7 araw. Maaari ring magtungo ng personal sa pinakamalapit na tanggapan ng Inps para mag-request ng personal Pin o ng Spid identity. 

Pagkatapos ay mag-log in sa angkop na page ng Inps at sundin ang gabay.

Narito ang iba’t ibang hakbang sa paggawa ng Isee online:

  • Online Acquisition ng Dichiarazione Sostitutiva Unica o DSU: Piliiin ang angkop na form sa pagitan ng DSU Mini o Integrale para sa mga kinakailangang datos sa kalkulasyon;
  • Lagda sa DSU: Kailangang pirmahan ang DSU para maipadala ito sa Inps at magpatuloy ang nabanggit sa kalkulasyon;
  • Paghihintay: Sa oras na pirmahan ang DSU ay magsisimula ang paghihintay kung saan ang Inps ay tinatanggap naman ang mga datos na buhat sa aplikante at mga datos na taglay ng Agenzia delll’Entrate na kinakailangan sa kalkulasyon ng Isee. 

Sa loob ng 15 araw mula ng pirmahan ang DSU, ang Inps ay magpapatuloy sa kalkulasyon ng Isee 2017. Samantala, kung mayroong kulang na impormasyon ay kailangang kumpletuhin muna ang mga datos na ito. 

Tandaan rin na kung ang ISEE 2017 online ay gagawin para sa anumang social benefit na nalalapit na ang deadline, ay maaaring gamitin at isumite ang DSU at ang tanggapan na lamang ang maga-access sa database ng Inps. 

Narito ang mga requirements para sa kalkulasyon ng ISEE 2017 online:

Mga dokumentasyong ukol sa pamilya:

  • stato di famiglia;
  • codice fiscale;
  • balidong dokumento;
  • huling income tax return (730 o Unico);
  • Certificazione dei redditi (Unica, ex-CUD);
  • Contratto d’affitto at huling resibo ng bayad sa upa;
  • Saldo contabile ng bank account o postal account;
  • Estratto conto con giacenza media hanggang Dec 31, 2016;
  • Life insurance;
  • Patrimonio immobiliare o real estate at movable assets;
  • Medical expenses;
  • Investment;

Para sa mga exempted naman gumawa ng income tax return ay kakailanganin ang Certificazione Unica 2016 o dating CUD.

Kakailangan din ang mga sumusunod para sa kalkulasyon ng ISEE 2017 at DSU: 

  • disability certificate;
  • anumang patunay ng pagtanggap ng anumang social benefit;

Paalala: Ang mga nabanggit ay ang basic requirements. Halimbawa: Para sa mga mayroong anak na nag-aaral at fiscally dependent sa magulang ay mayroong karagdagang dokumentasyon na dapat ihanda. 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

BALIK SA BASIK 2017, isang tagumpay para sa komunidad ng mga Pilipino

Online survey, inilunsad ng Embahada ng Pilipinas sa Italya