Upang magkapagmaneho ng sasakyan sa Italya ay kinakailangan ang kumuha ng lisensya sa pagmamaneho at, kung kinakailangan, ang kwalipikasyong propesyonal.
Gayunpaman, maaaring gamitin ng mga dayuhang mamamayan ang driver’s license na inisyu sa ibang bansa, EU o non-EU, ngunit may ilang pagkakaiba sa regulasyon kung paano.
Sa katunayan, habang ang mga driver’s license na inisyu ng isang bansa ng European Union (samakatuwid kabilang ang Italya) ay nananatiling balido sa ibang bansa hanggang sa petsa ng expiration nito, ang mga dayuhan na mayroong driver’s license na inisyu sa bansang hindi kabilang sa EU, ay kailangang sa loob ng isang taon mula sa pagpaparehistro ng pagiging residente sa Italya, ay i-convert ang dokumentong ito sa Italian driver’s license.
Para magkaroon ng driver’s license sa Italya ay mayroong partikular na requirements at proseso
Moral at technical requirements
Ang driver’s license ay ibinibigay sa mga indibidwal na nakakatugon sa mga sumusunod na requirements:
- Physical and psychological requirement o ang kawalan ng sakit o kundisyon na hindi magpapahintulot sa ligtas na pagmamaneho ng mga sasakyan;
- Moral requirement na sinusuri ng Prefecture, na maaaring tumangging magbigay ng pahintulot sa mga sumusuway sa batas at sumailalim sa mgasecurity measures;
- Technical requirement na nangangailangan ng pagpasa sa teoretikal at praktikal na pagsusulit;
Narito naman ang mga hakbang na dapat sundin upang makakuha ng driver’s license:
- Iscrizione o pagpapatala para sa pagsusulit sa Motorizzazione;
- Sa loob ng 6 na buwan mula sa pagpapatala ay kailangang maipasa ang theoretical exam;
- Matapos maipasa ang nabanggit na pagsusulit ay maaaring magsanay sa pagmamaneho sa pamamagitan ng angkop na awtorisasyon, ang tinatawag na foglio rosa na balido ng 12 buwan, sa tulong ng isang taong may lisensya na hindi bababa sa 10 taon at wala pang 65 taong gulang. Maaari ring makipag-ugnayan sa mga “autoscuole”.
- Pagpasa sa praktikal na pagsusulit sa pagmamaneho: posibleng kumuha ng praktikal na pagsusulit ng maximum na tatlong beses at sa kasong hindi makapasa ay kakailanganing ulitin ang pagsusulit sa teorya at kumuha ng bagong fgolio rosa para sa driving lesson;
- Matapos pumasa sa practical exam ay iisyuhan ng Direzione Generale della Motorizzazione ng driver’s license.
Ang batas 156/2021 ay nagbibigay ng dalawang mahahalagang pagbabago sa regulasyon sa pagkuha ng driver’s license. Sa katunayan, mula 6 na buwan ay nadagdagan hanggang 12 buwan ang validity ng ‘foglio rosa’. Nadagdagan din ang posibilidad na sumailalim hanggang tatlong beses sa halip na dalawa lamang ang practical exam.
Kaugnay nito, nilinaw ng Ministry of Infrastructures sa pamamagitan ng isang Circular. Ang pagbabagong ito ay para sa mga:
- Nagkaroon ng foglio rosa makalipas ang Nov 10, 2021;
- Nag-request ng revision ng driver’s license makalipas ag nabanggit na petsa.
Ang exam o pagsusulit
Ang theoretical exam para sa driver’s license na pinaka pangkaraniwan, ang A at B, ay sa pamamagitan computerized exam ay multiple choice.
Ang practical exam naman ay pagsusuri sa kapasidad ng aplikante na magmaneho.
Patente a punti: ano ang mangyayari kung mayroong foreign driving license
Kapag naibigay na ang converted driver’s license, ay 20 puntos ang ibinibigay sa mga nakatalang lisensyadong driver.
Ang mga puntos na ito ay mababawasan sa kaso ng paglabag sa highway code (halimbawa, pagmamaneho ng nakainom ng alkohol, lampas sa speed limit at iba pa), ngunit madadagdagan ang mga puntos sa hindi o kawalan ng paglabag tuwing dalawang taon – hanggang sa magkaroon ng maximum points na 30 points.
Maaaring suriin ang punti o points sa driver’s license sa pamamagitanng website na: https://www.ilportaledellautomobilista.it/web/portale-automobilista/home
(ni: Atty. Federica Merlo)