in

Iwasan ang sakit na Meningitis, narito kung paano

Malaki ang pag-asa sa paggaling mula sa meningitis kung ito ay maagang malalapatan ng lunas.

 

Malaki ang pag-asa sa paggaling mula sa meningitis kung ito ay maagang malalapatan ng lunas. Subalit may 10% ng pasyente ay maaaring mamatay sa sakit na ito. Para maiwasan mayroon mga bakunang panlaban sa meningitis. Ang mga bakunang ito ay ligtas at mabisa. Ang bakuna laban sa meningitis ay hindi nagpo-protekta sa atin sa lahat ng klase ng meningitis, kaya naman dapat mong obserbahan ang mga sintomas.

Ang meningitis ay karaniwang tinatawag na ‘Neisseria meningitis bacteria’. Mayroon iba’t-iba pang ‘strains’ ang bakteryang ito tulad ng A,B,C,W135 at Y strains. Ang bakuna para sa meningitis ay nagpoprotekta lamang laban sa C strains, at hindi sa pinakakaraniwang klase tulad ng B. Kung ang iyong anak ay nakakuha ng B strain na impeksiyon, maaari pa rin siyang magkameningitis.

Ang bakuna para sa meningitis ay malaki ang naitutulong sa pagpapababa ng dami ng taong nagkakaroon ng bacterial meningitis. Subalit may ibang mga taong nagkakaroon talaga ng side-effects matapos mabakunahan. Ang pinakakaraniwang side-effects ay ang masakit hawakan o pamumula sa parte na binakunahan; pagtatae at hindi magandang pakiramdam; pagiging iritable; pagkakaroon ng problema sa pagtulog; sakit ng ulo; pagkahilo; pananakit ng mga kalamnan; pagkawala ng ganang kumain; at lagnat. Maaari ring ikaw ay magkaroon ng mild allergic reaction, tulad ng pagkakaroon ng pantal. Hindi ito malimit mangyari ngunit kung minsan ang bakuna ay nagdudulot ng napakataas na lagnat, at pangingisay ng mga sanggol at mga bata. Maaari ring magkaroon ng seryosong allergic reaction na tinatawag na anaphylaxis. Sumangguni sa ospital o sa iyong doctor upang maagapan at malapatan ng karampatang lunas. Maaaring uminom ng Paracetamol at Ibuprofen para sa sakit at kaunting lagnat pagkatapos magpabakuna. Basahin ang patient information leaflets na nakapaloob kasama ng iyong bakuna at magtanong sa pharmacist kung mayroon kayong pagdududa.

Sinasabing kapag may na-engkwentro kang may meningitis ay maaaring tumungo agad sa iyong doctor upang makapagtanong kung anong kailangang gawin upang maiwasan ang transmission nito. Kung babalikan natin, ang meningitis ay nakukuha mula sa infected na person na umubo, humatsing, humalik, nakipag-share ng gamit sa pagkain, toothbrush o sigarilyo sa taong hindi infected. Kung kaya naman dapat palaging maghugas ng kamay, practice good hygiene ika nga. Palaging malusog at malayo sa sakit at uminom ng vitamins. Takpan ang bibig kung uubo at hahatsing.

Ano ang Meningitis? 

 

GABAY KALUSUGAN HANDOG NG FNA-ROME

Loralaine R.

Sources: www.sanit.org,

www.upm.edu.ph, www.buhayofw.com,

www.wikipedia.org

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang MENINGITIS?

Deklarasyon ng ibinigay na sahod, kailangang ibigay sa mga colf