in

Karagdagang Tulong Pinansyal Para sa mga taga Emilia-Romagna: Ang Reddito di Solidarietà (RES)

Ang Reddito di Solidarietà o RES ay isang tulong pinansyal mula sa gobyerno ng rehiyong Emilia-Romagna laban sa kahirapan at di pagkapantay-pantay na dinudulot nito.  Ito ay may kabahaging social activation at job integration scheme na ibinibigay ng gobyerno.

Ang pinansyal na suporta ay mula 80 euro hanggang 400 euro kada buwan, depende sa bilang ng miyembro ng pamilya (Table 1). 

Ang allowance ay makukuha sa pamamagitan ng isang ATM at tumatagal ng isang taon. Maari itong i-renew ulit ang pagsusumite ng RES ng isa pang karagdagang taon makatapos ang anim na buwan mula ng huling makatanggap ng allowance. 

Ano ang mga obligasyon ng mga tumatanggap ng RES?

Dahil ang tulong na pinansyan na ito ay may kalakip na social activation at job integration scheme, kailangang daluhan ng tumatanggap ng RES ang mga programang ibibigay sa kanya ng social services o sportello sociale, paniniguraduhing pumapasok sa eskuwelahan ang mga anak, at kawilihan sa pagtanggap ng trabaho.  Maaring maputol ang sustento sa paglabag sa kasunduan ukol sa mga social at job integration programs.

Sinu-sino ang mga puwedeng magsumite ng aplikasyon?

Lahat ng sambahayan mula sa may isang miyembro at pataas, na  may taunang ISEE na di lalagpas sa 3,000 euro.  Kailangan ding residente ng Emilia-Romagna ng di bababa sa dalawang taon.

Sinu-sino ang di maaaring mabigyan ng RES?

Hindi maaring mag apply ang mga taong tumatanggap ng ibang pinansyal na suporta tulad ng: SIA (Sostegno per l’inclusione Attiva), NASpI (Nuova prestazione di Assicurazione Sociale per l’Impiego), ASDI (Assegno di disoccupazione), at iba pang tulong pinansyal para sa mga nawalan ng trabaho.  Hindi rin possibleng maibigay ang RES sa mga taong tumatanggap ng welfare o social security na nagkakahalaga ng higit sa 600 euro kada buwan.

Saan maaring magsumite ng aplikasyon?

Maari kayong mag apply sa Sportello Sociale ng comune kung saan kayo naninirahan sa loob ng rehiyon ng Emilia-Romagna.

Para sa karagdagang kaalaman, maaring bisitahin ang sito na: http://www.iperbole.bologna.it/sportellosociale/servizi/672/92224/           

Elisha Gay C. Hidalgo

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ALAB Art Workshop para sa Youth for Christ Group

Pinay artist, tampok sa mga isinagawang art exhibits sa Bologna