in

Lavoro grigio: ano ito at sino ang nabibilang sa kategoryang ito?

Sa matinding panahon ng krisis tulad nito ay hindi nakakapagtaka ang pagkalat ng irregular job: lavoro nero o lavoro grigio. Ang irregular job ay tumutukoy sa anumang uri ng trabaho na may sahod at legal at samakatwid ay naaayon sa batas ngunit hindi deklarado sa awtoridad o hindi deklarado ang kabuuang aktibidad nito.

Ang mabigat na epekto ng hindi regular na trabaho ay may dalawang bahagi: una sa mga worker mismo at ikalawa sa buong komunidad. Ang pagtanggap sa ganitong uri ng trabaho ay pagtanggi na rin sa mga karapatan at proteksyon na nagbibigay seguridad sa sarili at nagiging mapanganib din para sa buong bansa tulad ng hindi pagbabayad ng tamang buwis at hindi pagbabayad ng kontribusyon, at pagtatanggal sa komunidad ng nakalaang budget para sa social services at infrastructure.

Samantala ang lavoro grigio, bagaman hindi pangkaraniwan katulad ng lavoro nero, ay isang uri ng trabaho na bagaman deklarado sa awtoridad ang oras at pamamaraan ay iba at hindi ang nasasaad sa CCNL.

Ano ang tinatawag na lavoro grigio?

Hindi tulad ng lavoro nero na ang worker ay hindi nakakatanggap ng busta paga at natatanggap ang sahod ng cash, ang lavoro grigio ay maituturing na isang sitwasyon na may limitasyon ang pagiging regular. Partikular, itinuturing na lavoro grigio ang mga regular na trabaho na nagtataglay naman ng irregularities.

Narito ang ilang halimbawa ng irregularities:

  • Ang oras na ipinagta-trabaho ay iba sa nasasaad sa kontrata;
  • Isang bahagi ng sahod ay ‘fuori busta’;
  • Ang antas ng trabaho na nasasaad sa kontrata ay hindi ang ginagampanang trabaho;
  • Sa pagta-trabaho ay hindi ginagampanan ang hinihingi ng batas tulad ng pagbabayad ng social security at hindi nasusunod ang nasasaad sa National Collective Labor Contract o CCNL.

Mga parusa sa mga Employer

Ang mga parusa sa employer ng irregular job ay malupit at nag-iiba ayon sa uri ng deklarasyon na hindi ginawa sa karampatang awtoridad.

Narito sa ibaba ang isang listahan ng mga pinaka-karaniwang kaso at kaugnay na mga parusa:

  • hindi pagbibigay ng pay envelope o busta paga ng may angkop na sahod: administrative penalty mula € 125 hanggang € 770;
  • hindi pagbabayad ng social security ng worker: pagkakakulong hanggang 3 taon at mulat hanggang € 1.032;
  • tax evasion ng 50% para sa omissions, kung saan manggagaling ang monthly evasion na mas mababa sa € 2582 at 50% ng kabuuang kontribusyon: pagkabilanggo ng hanggang dalawang taon;
  • hindi pagbibigay ng impormasyon sa worker ukol sa panganib sa trabaho: pagkakakulong mula 2 hanggang 4 na buwan o multa mula € 1,200 hanggang € 5,200;
  • hindi pagbibigay ng angkop na formation ukol sa seguridad ng worker at proteksyon sa panganib ng trabaho: pagkakakulong mula 2 hanggang 4 na buwan o multa mula € 1,200 hanggang € 5,200;
  • hindi pagbibigay ng personal na proteksiyon na kagamitan na kailangan upang maprotektahan ang sarili laban sa mga hindi maiiwasang panganib: multa mula € 2,000 hanggang € 4,000;
  • kawalan ng angkop na medical visit bago magsimula ng trabaho: multa mula € 2,000 hanggang € 4,000.

Paano masusuri ang sariling sitwasyon?

Kung hindi nais na direktang tanungin ang employer ukol sa mga impormasyon upang malaman ang regularities ng hiring ay may mga paraan upang masuri ang sariling sitwasyon.

Una, karapatan ng worker na magkaroon ng sariling kopya ng kontrata sa oras ng hiring. Kung ito ay hindi naganap, ay may iba pang paraan.

Mayroong ilang general rules at mainam na alam ang mga ito para masuri ang sariling sitwasyon. Una sa lahat, ay kailangan ang pagkakaroon ng kontrata o employment contract o lettera di assunzione na dapat pirmahan sa loob ng 30 araw mula sa hiring.

Upang malaman ang sahod at sitwasyon ng kontribusyon, ay maaaring suriin ang busta paga sa pamamagitan ng numero posizione Inps at Inail. Pagkatapos ay suriin ang lahat ng detalye sa Centro per l’Impiego sa pamamagitan ng pagtatanong sa kumpanya kung ginawa ang komunikasyon ng assunzione o hindi, ang number ng matricola kung kapareho ng iscrizione sa libri paga at matricola.

Ang mga mas nasa panganib ng irregularities

Sa kasamaang palad, ang irregular job ay palasak sa bansa at maraming employer, upang makatipid ay bumabagsak sa irregularities at nagbabayad ng mas mababang buwis, at hindi iginagalang ang CCNL.

Partikular, ang mas nasa panganib na kategorya ay ang mga ‘piu deboli’ o mas mahina:

  • mga imigrante: walang mga permit to stay at napipilitang tanggapin ang irregularities;
  • mga kabataan: wala pang karanasan sa trabaho at nahihirapan upang makapasok sa rabaho;
  • kababaihan: karaniwang tinatanggap ang irregular job upang hindi mawalan ng trabaho sa kabila ng pananakot ng mga employer.

Ang sektor naman na karaniwang mas mabibiktima ng irregular job ay ang sumusunod:

  • Agriculture: lalo na ang seasonal;
  • Services: mga hotel, shops, transportation;
  • Service to families: colf, caregivers at babysitters;
  • Construction: kung saan karaniwang may biktima at mga aksidente dahil sa kawalan ng seguridad.

Karapatan ng regular worker

Hindi tulad ng isang worker na nasa ilalim ng lavoro nero o lavoro grigio, ang regular worker ay may mga karapatan, kaya’t mainam na malaman at masuri ang sariling kundisyon.

Ang regular worker ay nakakatanggap ng sapat na sahod at angkop sa uri ng trabaho at kontrata at hindi mas mababa sa nasasaad sa CCNL.

Bukod sa karapatan sa pagtanggap ng tfr, na katumbas ng halaga ng sahod, ay magkakaroon din ng pensyon na proporsyon sa ibinayad na kontribusyon ng employer, insurance laban sa pagkakasakit at aksidente at unemployment benefit sa kasong mawawalan ng trabaho.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Duelo ng samurai ng dalawang Pilipino sa Padova, isa Patay!

Grand Canyao sa Italya, idinaos sa Bologna