Ang mga colf, baby sitter at caregivers ay may karapatan sa lunch break. Sa Italya, hindi lamang ito nakalaan para sa mga conviventi o naka-lived in kundi pati ang mga nagta-trabaho ng lungo orario mula anim na oras araw-araw.
Ito ang nasasaad sa artikulo 14 ng Contrato Collettivo Nazionale del Lavoro Domestico kung saan tinalakay ang oras ng trabaho.
Nililinaw kung paano magta-trabaho ng walong oras na hindi tuluy-tuloy (o ‘non consecutive’) kada araw ang mga hindi lived- in sa employer. Sa kabuuang 40 oras kada linggo ng lima o anim na araw.
Hindi tuluy-tuloy o non consecutive kapag ang oras ng trabaho ng colf ay mula o higit anim na oras, halimbawa walong oras. Dahil ang colf, caregiver o babysitter ay may karapatan sa lunch break at ang tagal o haba nito ay dapat pagkasunduan ng dalawang partes.
Ang break ay kinakailangan ng worker upang makapananghalian at makapag-pahinga ngunit ang oras na ito ay hindi babayaran ng employer.
Ang tanging napapaloob sa Contratto Nazionale ay ang meal o ang vitto. At ang employer ay maaari ring bayaran ito, bilang kahalili ng meal, na nagkakahalaga ng € 1,96 kada araw batay sa CCNL. (PGA)