Ang bawat non-EU nationals na mayroong EU long term residence permit o permesso di soggiorno di lungo periodo, ay malayang makakapunta sa ibang bansa ng European Union, kahit pa higit sa 90 araw.
Gayunpaman, kung nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa na kabilang sa European Union, kailangan munang alamin kung ano ang mga regulasyon ng bansang napili. Upang malaman ang mga operating procedure para sa pananatili sa ibang Member State, ipinapayong makipag-ugnayan sa karampatang Foreigners Office, konsulado o bisitahin ang mga institusyonal website ng bansang patutunguhan.
Bilang regulasyon, nag-iisyu ang napiling bansa, batay sa pamamaraan at kundisyon dito, ng permesso di soggiorno per lavoro, nang hindi kukunin ang hawak na permesso di soggiorno per lungo periodo na nananatiling may bisa.
Narito ang ilang FAQ ukol sa pagta-trabaho sa ibang Member State ng EU
Maaari bang magtrabaho sa Italya ang may hawak na permesso di soggiorno per lungo periodo na inisyu sa ibang bansa ng EU?
Sa Italy, ang mga non-EU citizens na may hawak na EU long term residence permit na inisyu ng ibang Member State, ay maaring mag-trabaho sa panahong higit sa 90 araw sa pagkakaroon ng nulla osta mula sa Sportello Unico. Ang nabanggit na nulla osta o clearance ay napapailalim sa limitasyon sa bilang ng decreto flussi. Taun-taon ang decreto flussi ay nagtatalaga ng maximum na bilang ng mga permesso di soggiorno per lavoro na ibibigay sa mga may hawak na ng EU long term reisdence permit. Sa pagkakaroon ng nulla osta mula sa Sportello Unico, ang dayuhan ay maaaring mag-request ng permesso di soggiorno per lavoro.
Sa pagkakaroon ng bagong permesso di soggiorno per lavoro, ay kukunin ba ang EU long term residence permit na inisyu ng ibang member State?
Hindi, hindi kukunin ng Questura ang EU long term residence permit na inisyu ng ibang Member State na hawak ng dayuhan. Mapapanatili din ng dayuhan ang kanyang status sa unang Member State ngunit ito ay maaaring bawiin o pawalang bisa sa mga sumusunod na dahilan:
- Isang taon o 12 buwang tuluy-tuloy na wala sa Europa;
- Anim na taon na wala sa bansang nag-isyu ng dokumento;
- Sa pagkakaroon ng EU long term residence permit sa ibang Member State.
Basahin din:
- Permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti, mga dapat malaman sa pag-aaplay
- Decreto Flussi, aaprubahan bago mag-Pasko