in

Magbabakasyon ngayong Summer? Silipin muna ang permit to stay!

Ang sinumang magbi-biyahe ngayong Summer ay maraming dapat asikasuhin: schedule ng bakasyon, pagpili ng murang airline ticket at paghahanda ng mga pasalubong. Ngunit higit sa lahat, ang mga imigrante ay kailangan munang alamin ang sitwasyon ng permit to stay. 

Walang problema ang sinumang balido ang permit to stay (o carta di soggiorno). Dalhin lamang ang orihinal nito kasama ang pasaporte at maaaring malayang mag-biyahe mula Italya at sariling bansa, pati na rin sa ibang bansa sa Europa kung saan mayroong free circulation ang Schengen, maliban lamang kung mananatili dito ng higit sa tatlong buwan.

Bahagi ng Schengen ang sumusunod na mga bansa: Belgium; France; Germany; Luxembourg; Netherlands; Portugal; Spain; Austria; Greece; Denmark; Finland; Sweden; Iceland; Norway; Slovenia; Estonia; Latvia; Lithuania; Poland; Czech Republic; Slovakia; Hungary; Malta; Switzerland; Liechtenstein.

Ngunit isang paalala sa mga nagnanais bisitahin ang mga bansang hindi sakop ng Schengen tulad ng Great Britain, ay kakailanganin ng entry visa o transit visa.

Samantala, pinahihintulutan naman ang mga nasa renewal ang permit to stay na magbiyahe mula Italya at Pilipinas lamang dahil hindi maaaring mag-stop over sa anumang bansa ng Schengen, maliban na lamang kung mayroong entry/transit visa.

Gayunpaman, sanhi ng paghihigpit sa dalawang bansa, Pilipinas at Italya, ay ipinapayo ang sumusunod:

  1. Siguraduhing kumpleto ang mga hinihinging dokumentasyon para sa renewal at bilang pagsisigurado, dalhin at ingatan ang mga ito;
  2. Kung hindi rin lamang emergency ang dahilan ay ipagpaliban muna ang pag-uwi sa Pilipinas. Hintayin na lamang ang paglabas ng bagong permit to stay;
  3. Huwag magtagal sa labas ng bansang Italya at rispetuhin ang panahong itinakda ng batas;
  4. Kung emergency ang dahilan ng pag-uwi sa Pilipinas ay magdala ng anumang patunay nitro halimbawa death certificate kung may pumanaw sa pamilya at medica certificate naman sa pagkaksakit ng magulang, anak o asawa.
  5. Huwag kalimutang dalhin ang resibo o ‘cedolino’ na kailangang sa Immigration o frontier police  kasama ang pasaporte at ilang hihinging dokumento.

Sa sinumang naghihintay ng first issuance ng permit to stay para sa trabaho o para sa pamilya ay maaari ring mag-biyahe mula sa Italya patungong Pilipinas, dala ang resibo o ‘cedolino’, pasaporte at entry visa na ginamit sa pagpasok sa Italya.

Kung ang visa ay isang “Schengen uniforme” at ito ay balido pa rin ay maaaring mag-biyahe sa Schengen countries ngunit hindi kung ito ay paso na o hindi na balido.

 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Trio Match sa ika-7 anibersaryo ng Knights Bowlers sa Roma

Population decline sa Italya, bumabagal dahil sa mga dayuhan