in

Mahahalagang Impormasyon ukol sa MERS-CoV

Ano ang MERS-CoV o Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus?
Ito ay isang sakit sanhi ng corona virus. Ang unang kaso ay naitala sa Saudi Arabia noong Abril 2012. Kaiba ito sa virus na sanhi ng SARS na natagpuan sa paniki noong 2003 kahit pa halos magkahawig na corona virus sila. Natagpuan sa kamelyo at ang isang kamelyong apektado ay naiugnay sa pagkakaroon ng kaso sa tao (ayon sa pag-aaral).
 
 
Anu-ano ang mga sintomas ng MERS-CoV?
Ang mga sintomas ay ang sumusunod: ubo, hirap ng paghinga, mataas na lagnat, pagtatae, sakit sa bato. Kung mababa ang resistensya, maaaring magpakita ng iba pang kakaibang sintomas. 
 
Naisasalin ba ang MERS-CoV sa ibang tao mula sa taong apektado nito?
Oo, sa mga taong nagkaroon ng “close contact” sa positibong pasyente tulad ng mga health workers, kamag-anak at iba pa. Ipinapayo na palaging isaalang-alang lalo na ng mga health workers ang paggamit ng mga kaukulang proteksyon sa pag-aalaga s apasyente.
 
Paano ito maiiwasan?
Madalas na maghugas ng kamay sa tamang paraan: 
Basain ang mga kamay at sabunin ito. 
Kuskusin ang mga kamay, palad sa palad, pagitan ng mga daliri at likod ng kamay.
Halinhinang kuskusin din ang mga daliri ng bawat kamay
Banlawan ng malinis na tubig.
Takpan ang bibig sa pagbahing at pag-ubo gamit ang panyo o tissue at ilagay ang gamit na tissue sa basurahan
Palakasin ang resistensya:
Matulog ng hanggang 8 oras
Uminom ng maraming tubig
Mag-ehersisyo
Kumain ng masustansyang pagkain
 
Paano malalaman kung apektado ng sakit na ito ang isang tao?
Sa pamamagitan ng laboratory test (polymerase chain reaction or PCR). Mayroon ito sa mga apektadong bansa maging sa Research Institute for Tropical Medicine sa Pilipinas. 
 
May gamot o bakuna ba laban sa MERS-CoV?
Wala pang gamut o bakuna laban sa MERS-CoV. Kailangan lang komunsulta agad sa duktor para mabigyang lunas ang mga sintomas dulot ng virus na ito.
 
Ilang bansa na ang naitalang nagkakaso ng MERS-CoV?
12 bansa na ang naitalang nagkaroon ng MERS-Cov sa tao. Karamihan ng kaso ay nagmula sa Middle East.
 
May travel ban na ba sa mga bansang apektado ng MERS-CoV?
Sa ngayon ay wala pang travel health warnings mula sa World Health Organization sa mga bansang apektado ng MERS-CoV kung kaya wala ring travel ban sa mga bansang ito.
 
Ano ang mga dapat gawin ng mga taong naninirahan sa mga apektadong bansa o kaya ay galing sa mga bansang ito at nagkasakit?
Kung may sintomas tulad ng ubo at hirap sa paghinga at nagkaroon ng close contact sa pasyente sa loob ng 14 na araw agad na komunsulta sa duktor. Kung bumiyahe na at nakauwi na sa sariling bansa, agad na komunsulta sa duktor at sabihin kung saan bansa nanggaling. (Department of Health)
 
 
 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Unang kaso ng MERS-CoV sa Italya, kinumprima ng ECDC

Gaano kalaki ang ‘angkop na tirahan’ para sa ricongiungimento familiare?