Marami ang mga katanungan, partikular sa sektor ng domestic job, simula sa panahong mandatory na ang Green pass sa workplace. Tulad sa lahat ng mga sektor, ang sinumang walang Green pass simula noong nakaraang October 15, kahit ang mga colf at caregivers ay hindi maaaring makapag-trabaho at sa panahon ng hindi pagpasok, ang pagliban ay unjustified o ingiustificata.
Narito ang paglilinaw tungkol sa malattia o pagkakasakit at dimissioni o resignation ng mga colf at caregivers na walang Green pass.
Malattia o pagkakasakit
Kung ang colf ay magkasakit sa panahong hindi pumapasok sa trabaho dahil sa kawalan ng Green pass (asenza ingiustificata), ang mga araw na ito – na dapat sana ay sick leave – ay hindi magkakaroon ng anumang apekto sa mga araw ng pagliban.
Basahin din:
- Colf na maysakit, ilang araw ang sick leave at magkano ang matatanggap na sahod?
- Nagkasakit sa panahon ng bakasyon, ano ang dapat gawin ng colf?
Dimissioni o resignation
Sakaling magpasya ang colf na magbitiw sa trabaho o mag-resign sa panahong hindi pumapasok sa trabaho dahil sa kawalan ng Green pass (assenza ingiustificata), ang employer ay kailangang tanggalin mula sa ‘conto’ o kwenta ang halagang katumbas ng araw ng abiso.