Magandang araw, nais kong malaman kung ano ang mga sanctions sa isang dayuhan na naghayag ng hindi katotohanan sa paggawa ng self-certification o autocertificazione.
Pebrero 17, 2017 – Ang self-certification o autocertificazione ay isang deklarasyon o paghahayag, na ginagawa ng isang mamamayan sa pamamagitan ng pagsusulat, sa harapan ng isang pampublikong kinatawan, sa halip ng isang sertipiko.
Ang batas na ito ay naaayon sa D.P.R. 445 ng 2000 na nagsasaad ng mga sitwasyon kung kailan maaaring gamitin ng isang pribado ang self-certification (Artikulo 46 at 47 ng batas). Para sa mga dayuhan, ang mga EU at non-EU nationals ay mayroong mga pagkakaiba sa paggawa ng nasabing deklarasyon.
Ang mga EU nationals ay maaaring gumawa ng self-certification sa lahat ng mga sitwasyon na nasasakop ng batas tulad ng malinaw na nasasaad sa batas.
Ang mga non-EU nationals sa halip ay maaaring gamitin ng limitado ang self-certification bilang sertipiko, sa mga personal at sa mga pagkakataong ang mga inihahayag ay mapapatunayan lamang sa pamamagitan ng pampublikong endidad ng Italya (halimbawa, ang residence certificate, family composition certificate, police clearance at iba pa) at sa mga kasong ang self-certification ay naaayon sa mga kasunduan sa pagitan ng Italya at ng bansang pinagmulan ng pribadong gagawa nito.
Ang mga sitwasyon na ang awtoridad ng Italya ay hindi masusuri ang mga inihayag ng pribado ay ang mga sumusunod: kapanganakan sa sariling bansa, kasal sa ibang bansa, o pending cases sa sariling bansa. Ang mga ito ay kailangang sertipikado sa pamamagitan ng mga orihinal na dokumento buhat sa sariling bansa ng dayuhan at hindi maaaring gamitan ng self-certification. Sa ganitong mga kaso, kahit ang Minitries of Interior and Public Administration sa isang circular n. 3 ng 2012 ay sinabing “kung ang mga datos at sertipiko na hindi rehistrado sa Italya o anumang konsulado ng Italya sa ibang bansa ay dapat na magmula sa sariling bansa ng dayuhan, legalized at translated ng alinsunod sa batas”.
False declaration
Ang deklarasyon sa pamamagitan ng self-certification ay naglalayon ng pagpapatunay ng katotohanan ng mga ginawang paghahayag.
Nangangahulugan na ang paghahayag ay itinuturing na totoo at hindi kathang isip lamang. Ngunit mahalagang tandaan, na ang Public Administrations na tumanggap ng self-certification ay kailangang magsagawa ng kaukulang control para patunayan ang mga naging pahayag. Kung ang mga kontrol ay para sa replacement declaration ng mga certificates, ang Administration ay maaaring humingi sa concerned public office ng true copy certificate, angkop sa mga idineklara ng dayuhan na matatagpuan sa database ng tanggapan. Kung ang deklarasyon ay hindi angkop sa katotohanan, ay tiyak na sasailalim sa kaso ng false declaration (ang sinuman na gagawa ng maling paghahayag o gagamit ng mga pekeng dokumento na tinutukoy sa teksto ay maaaring parusahan ayon sa Penal Code at mga batas ukol dito –
“chiunque rilascia dichiarazioni mendaci, forma atti falsi o ne fa uso nei casi previsti dal presente testo unico è punito ai sensi del codice penale e delle leggi speciali in materia.”)
Ang krimen ayon sa Penal Code
Ang Penal Code ay nagsasaad ng mga mabibigat na parusa sa sinumang gagawa ng false declaration o statement.
Ang Artikulo 483 c.p. ay nagsasaad na sinuman ang gumawa ng fase declaration sa public official, sa isang public act, ng mga pangyayari na kailangang patunayan ang katotohanan, ay paparusahan ng pagkakabilanggo hanggang dalawang taon. Kung ito ay false statement ayon sa civil status, ang pagkakabilanggo ay mas mababa sa tatlong buwan.
Paparusahan ng pagkabilanggo mula isa hanggang anim na taon ang false declaration o statement sa public official ng sariling identity o ng status at maging ng ibang tao (Artikulo 495 ng Penal Code).
Malinaw na nasasaad na paparusahan maging ang pagpapanggap. Ang batas, sa katunayan, ay nagsasaad na maging ang pagpapanggap ay katumbas ng false declaration.
Sa mga ganitong kaso, ay maituturing na krimen kung sinasadya at alam na ang hinahayag o ginagawa ay hindi angkop sa katotohanan.