in

Maternity allowance buhat sa Comune at Estado, narito ang pagkakaiba

Ang assegno di maternità 2019 ay benepisyong ibinibigay ng Inps. Ito ay may dalawang uri: ang una ay mula sa Comune at ang ikalawa ay buhat sa Estado, at nakalaan batay sa sitwasyon, sa mga biological o adoptive mothers. 

Ang assegno di maternità 2019 ay benepisyong ibinibigay ng Inps na maaaring mula sa Comune at sa Estado.

Mayroong pagkakaiba ang dalawa: Ang buhat sa Comune ay tulong pinansyal na ibinibigay ng Inps para sa mga unemployed mothers, biological o adoptive man, habang ang buhat sa Estado naman ay para sa mga employed biological o adoptive mothers.

Ang pagtanggap sa parehong nabanggit ay nagaganap matapos ang pagsusumite ng aplikasyon.

Assegno maternità 2019 Comune:

Ang maternity allowance ay isang benepisyo buhat sa local administration o Comune kung saan naninirahan, na ibinibigay naman ng Inps matapos magsumite ng aplikasyon at masuri ang mga requirements sa pagtanggap nito.

Sino ang maaaring mag-aplay sa INPS?

Ang tulong pinansyal ay nakalaan sa mga unemployed mothers, na hindi nag-tatrabaho o hindi maaaring  i-claim ang hanggang 3 buwan na kontribusyon sa huling 18 buwan, na nanganak o nag-ampon ng bata.

Maaaring mag-aplay ang mga Nanay na residente sa Comune: Italians, Europeans at non-Europeans na mayroong carta di soggiorno, sa loob ng anim na buwan mula sa petsa ng panganganak o pagkakaroon ng status rifugiato politico.

Magkano ang matatanggap? 

Ang halaga ng allowance ay napapalitan taun-taon batay sa cost of living sa bansa. Para sa taong 2019 ay itinakda ang halagang € 346,00 sa loob ng 6 na buwan. Ang halagang ISEE ay kailangang hanggang € 17.330,01

Upang matanggap ang benepisyo, ay mahalaga ring walang anumang maternity insurance coverage o kung mayroon man, ang halaga nito ay dapat na mas mababa sa itinakdang halaga ng benepisyo.

Saan, kailan at paano mag-apply?

Ang aplikasyon para sa mga unemployed mothers ay ginagawa sa Comune sa pamamagitan ng mga Patronati.

Ang application form ay ipinapadala online sa Inps. Ang mga aplikante ay maaaring lumapit sa mga patronati o caf sa pagsusumite ng aplikasyon o maaaring sa pamamagitan ng pin code. Ang aplikasyon ay kailangang isumite sa loob ng anim na buwan mula sa kapanganakan o pag-aampon o pagtanggap sa legal custudy ng bata.

Assegno maternità 2019 Stato: 

Ang aplikasyon ng assegno maternità Stato ay nakalaan sa mga employed mothers, kahit na mga ‘precarie’, gamit ang isang form na ipinapadala online sa Inps sa pamamagitan ng mga Caf o patronati o gamit ang sariling pin code sa pagkakaroon ng mga kundisyong itinalaga ng batas tulad ng:

  • Para sa mga working mothers ay hinihingi rin ang pagkakaroon ng tatlong buwang bayad na kontribusyon sa huling 18 buwan at 9 na buwan bago ang panganganak o ang opisyal na pagiging bahagi ng bata sa pamilya;
  • Mga Ina na tumatanggap ng unemployment benefit, ang NASPI o nasa cassa integrazione: Kung ang working Mom ay nawalan ng trabaho ngunit nag-trabaho ng hindi bababa sa 3 buwan at may karapatang matanggap ang benepisyo, ang pinaka mahabang panahon sa pagitan ng pagkawala ng trabaho at ng inaasahang petsa ng panganganak ay hindi dapat lalampas sa 9 na buwan. Samakatwid, sa pagitan ng huling ibibigay na benepisyo ng Inps at ang petsa  panganganak ay hindi maaaring lumampas ang 9 na buwan;
  • Mga Nanay na tinanggal o nag-resigned sa trabaho: Kung ang isang Nanay, sa pagbubuntis ay boluntrayong nagbitiw sa trabaho, upang matanggap ang assegno di maternità ng Stato, ay kailangang pabigyang-bisa ang 3 buwang kontribusyon sa panahon  mula 18 hanggang 9 na buwan bago ang panganganak;

Samantala, para sa mga Ama, na humaliling gampanan sa pag-aalaga ang Ina, dahil sa iba’t ibang dahilan (abbandonement o custody) ang required contribution ay katulad ng sa working Moms o hindi bababa sa 3 kontribusyon.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Domestic workers sa Italya, 2 milyon: 60% ay irregulars

Decreto Salvini bis, inanunsyo na ni Salvini