in

May sira o damaged ang driver’s license? Narito ang dapat gawin

Sa pagmamaneho ay maaaring makumpiska ng awtoridad kung sira o may damaged ang driver’s license. Narito ang dapat gawin kung paano magkaroon ng duplicate.

Ngunit hindi naman manganganib ng anumang multa kung sakaling gagamit ng damaged na driver’s license ngunit ito ay hindi nangangahulugan na walang ibang panganib ang nagmamaneho.

Halimbawa, kung makokontrol ng awtoridad at mapapansin na ang lisensya ay may sira ay maaaring magdesisyon itong kumpiskahin ito.

Samakatwid ay kailangang siguraduhin na ang mga datos na nilalaman ng lisensya ay nananatiling malinaw at nababasa upang makapagmaneho ng tiwasay.

Kailan nga ba masasabi na ang driver’s license ay damaged o may sira? At anu-ano ang dapat gawin upang makapag-request ng duplicate nito?

Ang driver’s license ay maituturing na damaged o may sira kung hindi na mababasa ang mga datos dito tulad ng:

  • mga datos ng ID;
  • datos ng may-ari nito;
  • expiration date;
  • larawan ng may-ari.

Sa kasong ang isa sa mga nabanggit ay hindi na mababasa, ang nagmamaneho ay kailangang humingi ng duplicate ng nasabing dokumento sa Ufficio di Motorizzazione civile.

Paano mag-aplay ng duplicate?

Narito ang mga hakbang sa paghingi ng duplicate ng driver’s license:

  1. Fill-up ang form TT 2112 na matatagpuan sa Ufficio della Motorizzazione o online sa website ng nabanggit na tanggapan;
  2. Ilakip ang resibo ng dalawang dapat bayaran: € 10,20 sa c/c 9001 at € 32,00 sa c/c 4028;
  3. Dalawang ID picture at isa nito ay authenticated;
  4. Kopya ng driver’s license at orihinal ay dapat iprisinta;
  5. Balidong ID.

Kung ang driver’s license ay expired na o nalalapit na ang expiration sa loob ng 6 na buwan ay kailangan ding iprisinta ang medical certificate na may stamp at kopya nito buhat sa authorized doctor at ang petsa ay hindi dapat bababa sa tatlong buwan.

Matapos ang nabanggit na proseso ay bibigyan ng temporary license ang aplikante na maaaring magamit hanggang sa matanggap sa pamamagitan ng koreo ang bagong dokumento na tinatayang aabot sa humigit kumulang 45 araw.

Karagdagang dokumento para sa mga dayuhan:

Kung ang hihingi ng duplicate ay mamamayang dayuhan, narito ang mga karagdagang dokumento na dapat iprisinta:

  • Kopya at orihinal ng balidong permit to stay o kopya at orihinal ng balidong carta di soggiorno;
  • Authenticated copy ng permit to stay o simpleng kopya na may dichiarazione sostitutiva di atto notorio di conformità all’originale

Kung ang aplikante ay nasa renewal o naghihintay ng first issuance ng permit to stay ay kailangang iprisinta ang:

  • Kopya ng postal receipt ng first issuance ng permit to stay mula sa post office;
  • Kopya ng cedolino o resibo ng renewal ng permit to stay mula sa post office at
  • Kopya ng permit to stay na expired.

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

EPIFF, sa ikalawang taon ng pagtatanghal sa Florence Italy

Pinoy, arestado dahil sa shabu