Ang na-clone na ATM card o bancomat ay isa sa mga pangkaraniwang panlilinlan sa panahon ngayon. Ano ang dapat gawin kung matutuklasang ang inyong atm ay na-clone? Narito ang ilang kasagutan at mga kapaki-pakinabang na tips
Ang pag-clone ng isang ATM ay hindi isang bihirang pangyayari at lalong dumadami ang mga nagiging biktima ng panlilinlang na ito sa kasalukuyan. Ang pamamaraan upang ma-clone ang atm card ay hindi sa iisang paraan lamang: ang ilan ay sa pamamagitan ng pagtatago ng mga espesyal na micro chip sa mga atm machine o sa mga itinagong videocamera sa mga strategic position kung saan naroroon ang mga atm machines upang makopya mismo ang card at manakaw ang pin code na dinigit ng may-ari upang makapag-withdraw; ang iba naman ay mayroong angkop na microchip na ikinakabit mismo sa machine na nagpapahintulot makopya ang pin o/at magnetic code upang magamit ang card sa mga pagbabayad. Ito ay maaaring mangyari, halimbawa, sa mga restaurant o stores.
Mga mahahalagang tips
Upang maiwasan ang mga mapapait na pagkakataong tulad nito, ay ipinapayong maging maingat sa pagwi-withdraw sa mga atm machine: ipinapayong simpleng takpan ng isang kamay habang dinidigit ang pin code. Ipinapaalalang sundin ang simpleng paalalang ito na makakahadlang sa anumang videocamera na nakatago na magpapahintulot sa pagkopya ng atm card at makita ang pin code.
Bigyang-pansin ang mga tao na nasa paligid. Ipinapayo, kung maaari na mag-withdraw sa atm machine kung saan maraming tao o anumang lugar kung saan madaling makahingi ng tulong, sa kaso ng pagnanakaw.
Ngunit upang maiwasan ang makopya o ma-clone ang bancomat, ay tiyaking under control ang inyong mga paggamit at mga pagbabayad: iwasan ang makalimutan ang mga binili upang madaling matunton kung mayroong nadagdag sa mga ito, itabi rin ang mga resibo at isulat ang inyong monthly expenses gamit ang atm, upang madaling maikumpara ang mga ito sa listahang magbubuhat sa inyong mga bangko. Sa ganitong paraan ay madali ang mga pagsusuring dapat gawin.
Sa pagkakataong ang mga pagsusuri ay mapapatunayan ang pagkopya o pag-clone sa atm card, ay huwag mag-atubiling i-report sa awtoridad ang mga pangyayari; una sa pulis at matapos gawin ang report ay dalhin ito sa sariling bangko at ipa-block sa lalong madaling panahon ang inyong atm card.
Pagbabalik sa naging pinsala
Matapos tiyakin ang pagkakaroon ng mga pinsalang pinansyal dahil sa naganap na pagkaka-kopya ng card ay posibleng hingin ang pagbabalik ng halagang nawala buhat sa sariling bangko. Bawat bangko at atm o credit card issuer ay mayroong insurance na kikilos sa panahong mayroong pinsala tulad nito. Ngunit kinakailangan pa rin ang mapatunayan sa sariling bangko na wastong ginamit ang card gayun din ang mga pinsalang natanggap matapos matuklasan ang pagkaka-clone ng card, ang katibayan na ang pagwi-withdraw o pagbabayad ay hindi owner ng atm card ang gumawa ay isang mabigat na dahilan upang maiwasan ang anumang hadlang upang mabawi ang halaga. Sa pagtangging ibigay ang nawalang halaga ng sariling bangko ay ipinapayo ang lumapit sa isang abugado.