Ang sinumang biktima ng isang pagkilos o aksyon ng diskriminasyon mula sa isang pribado o publikong tanggapan ay maaaring magsampa ng reklamo sa korte upang hingin nito ang pagpapatigil ng nakapipinsalang pag-uugali at samakatwid, ang kabayaran sa mga epekto nito.
Civil Action
Ang mga biktima ng diskriminasyon ay maaaring na magsampa ng reklamo ng personal o sa pamamagitan ng abogado o isang asosasyon, sa Registry ng Civil Court ng lungsod kung saan naninirahan, dala ang mga katibayang batayan ng hindi tamang pagtrato o aksyon. Maaari ding ibigay ang mga statistical datas na sanhi ng diskriminasyon halimbawa sa hiring, social insurance, pagtatalaga ng mga tungkulin at mga kwalipikasyon, layoffs, atbp.
Nakasalalay sa inireklamong indibidwal o ang taong gumawa ng diskriminasyon ang patunayan ang kawalan o ang tanggihan ang diskriminasyon.
Ang hukom, matapos mapatunayan ang maling pagtrato at ang pagkakaroon ng diskriminasyon ay tatanggapin ang reklamo sa pamamagitan ng pag-uutos na tapusin ang maling aksyon at pagbayaran ang mga naging epekto nito. Maaari ring ipag-utos ang pagbabayad ng anumang danyos na pinagdusahan ng biktima, kahit na walang kinalaman sa salapi.
Ang hukuman ay maaari ring mag-utos ng publikasyon ng sentensya kahit isang beses lamang at ang pinsala ay nararapat na pagbayaran ng inakusahan maging sa pamamagitan ng isang pahayagang nasyunal.
Sa kasong ang reklamo ay laban sa employer na tumatanggap kahit maliit na benepisyo o subsidy mula sa pamahalaan o may kontrata sa pagpapatupad ng anumang gawaing-bayan (appalti) o serbisyo, ang hukom ay magtatalaga ng mga aksyon ukol sa pagpapahinto sa pagtanggap ng benepisyo o ng kontrata buhat sa administrasyon.
Ang benepisyo ay maaaring iurong, at sa kaso ng matinding diskriminasyon, ay maaaring tanggalin sa dalawang taon ang anumang karagdagang insentibo (pananalapi o credit) o anumang iba pang mga pagpapatupad ng gawaing-bayan (appalti).
Criminal Action
Kasabay ng karapatang pahintuin o ipatigil ang pag-uugali ng diskriminasyon, ay posibleng magsampa ng kaso sa Criminal Court kung saan naganap ang krimen at maaaring hingin ang pag-aresto sa sinumang nagsagawa ng diskriminasyon.
Sa kasong ito, ang hukuman, matapos mapatunayan ang responsibilidad ng mga taong gumawa ng krimen, ay maaaring humingi ng kabayaran ng danyos para sa materyal at moral na pinsalang natanggap ng biktima bilang bahagi ng sibil na proseso.
Dagdag pa dito, ang hukom ay maaaring maghayag ng karagdagang parusa (sanzioni accessorie), na magbibigay ng karagdagang obligasyon para sa nagkasala.
Ang nagkasala ay maaaring maggawad ng serbisyong walang bayad para sa public utility, ang suspensyon ng driver’s license, pasaporte at bisa para sa paglalakbay sa ibang bansa ng hindi hihigit sa isang taon, at maaaring ipagbawal ang pakikilahok sa kampanya para sa mga gawaing pampulitika o halalang lokal.