Kaming mag-asawa ay walang permit to stay at ang aking asawa ay nagdadalang tao. Maaari ba kaming magkaroon ng permit to stay? Kapag isinilang ang aming anak maaari ba naming syang ipa-rehistro?
Pagbabawal ng pagpapatalsik sa mga nagdadalang-tao
Una sa lahat, ay dapat tandaan na ang mga non-EU nationals na nagdadalang-tao ay hindi maaaring bigyan ng order of expulsion at maaaring magkaroon ng permit to stay hanggang anim na buwan matapos manganak para maipagpatuloy ang pagpapagamot. Bukod dito, ang hatol ng Korte bilang 376 ng taong 2000 ay nagbibigay karapatan din maging sa asawa ng nagdadalang-tao ng isang permit to stay. Ang nasabing permit to stay, gayunpaman, ay hindi renewable o convertible sa ibang uri ng permit to stay at samakatwid, matapos ang validity nito ay dapat umalis ng Italya ang mag-asawa.
Ang deklarasyon ng kapanganakan o report of birth ay maaaring gawin dahil hindi kailangang ipakita ang permit to stay
Tulad ng ipinaliwanag sa Ministry of Interior sa Circular n. 19 noong Agosto7, 2009 “Upang isagawa ang proseso kaugnay sa paghahayag ng kapanganakan at pagkilala sa anak bilang anak (registro di nascita – dello stato civile) ay hindi kailangang ipakita ang permit to stay sa paghahayag bilang proteksyon sa bata at sa kapakanan ng publiko sa katiyakan ng tunay na kalagayan”.
Ito ay nangangahulugan na ang mga dayuhan na walang mga dokumento na magpapatunay ng legal na pananatili sa bansa ay maaaring gawin ang deklarasyon ng kapanganakan sa ospital sa loob ng 3 araw mula ng kapanganakan (hindi kabilang ang araw ng kapanganakan), o sa loob ng 10 araw sa tanggapan ng civil status sa Munisipyo kung saan ipinanganak ang sanggol.
Ang pahayag o deklarasyon na ito ay hindi magbibigay ng anumang rekomendasyon sa awtoridad . Ito ay isang paghahayag ng civil status kung saan hindi kailangan ang pagpapakita ng permit to stay, ngunit sumasaklaw sa paghahayag bilang proteksyon sa sanggol at sa kapakanan ng publiko sa katiyakan ng tunay na sitwasyon.
Ang pahayag ng kapanganakan ay hindi nangangahulugan ng awtomatikong pagrerehistro sa sanggol sa Registry office ng mga residente ngunit nagbibigay-daan upang magkaroon ng birth certificate. Ang bawat magulang ay parehong gagawa ng pahayag dala ang pasaporte o iba pang balidong dokumento.
Nulla osta buhat sa Embahada o Konsulado para sa pagkilala sa mga biological child
Sa ilalim ng Artikulo 35 ng Batas 218 ng 1995, na sumasaklaw sa pagkilala sa mga biological child (o ang illegitimate child na may legal na katayuan sa Italya) “Ang kakayahan ng magulang na gumawa ng pagkilala ay pinamamahalaan ng batas ng sariling bansa.”
Ito ay nagpapahiwatig na sa pagsasagawa ng pagkilala, ang mga dayuhang magulang na kinikilala ang pagiging magulang, sa pamamagitan ng isang deklarasyon sa Embahada o Konsulado, na isinalin at legalisado sa Prefecture, ng nulla osta sa pagkilala sa ilalim ng batas ng sariling bansa.
Para naman sa pananatilisa Italya ng mga minors, ay depende sa kalagayan ng mga magulang. Kahit na sa katunayan, ang artikulo19ngT.U.ay nagsasaad ng pagbabawal ng pagpapaalis para sa mga dayuhan sa edad na 18 pababa, ito ay hindi magliligtas sa magulang upang mapatalsik sa bansa.
Kaya kung ang magulang ay hindi matutugunan ang mga kinakailangan para sa pagkakaroon ng permit to stay, ang menor de edad ay maaari ring magkaroonng order of expulsion, matapos magkaroon ng mga magulang nito .
Sa expiration ng permit to stay para sa medikal na dahilan ng magulang, na ibinigay sa pagbubuntis para sa 6 na buwan matapos ang panganganak, maliban na lamang sa ilang mga natatanging pangyayari at kaso, ang mga dayuhang magulang ay dapat umalis sa Italya kasama ang kanilang anak.