in

Mga dapat gawin sa pagpapauwi ng bangkay sa sariling bansa

altAng aking kamag anak ay sumakabilang buhay sa Italya. Nais kong malaman kung ano ang pamamaraan upang maipauwi ng kanyang bangkay pabalik sa aming bansa.

Roma – Marso 20, 2012 – Kapag nagpasyang ipauwi sa sariling bansa ang bangkay, ay mahaharap sa isang prosesong hindi madali at simple.

Sangguniang mga Batas/alituntunin

Sa kasalukuyan, ay walang batas sa pagpapabalik ng bangkay sa sariling bansa. Sa Italya ay maaaring sumangguni sa regulasyon ng National Mortuary Police, sa circular ng Ministry of Health n. 24 ng 1993, at ukol sa mga pahintulot sa DPCM ng  Mayo 26, 2000 at pagpapatupad n. 112 ng 1998.

Kung internasyunal na antas ang pag-uusapan ay maaaring sumangguni sa Berlin Convention ng 1937 ukol sa transportasyon ng mga bangkay, ngunit ito ay para lamang sa mga bansang kabilang ng convention.

Sa proseso, ang Munisipyo kung saan namatay ang dayuhan (Comune) ang pangunahing tanggapan na pupuntahan sa pagbibigay ng kaukulang mga pahintulot,

Kailangan ding alamin kung ang bansang pinagmulan ng dayuhan ay sakop ng Berlin Convention (Italya, Alemanya, Austria, Belgium, Denmark, Holland, France, Switzerland, Portugal, Romania, Czech Republic, Slovakia, Turkey, Egypt, Congo Republic, Chile, Mexico) o hindi.

Pagpapabalik ng bangkay ng mga bansang hindi sakop ng Berlin Convention tulad ng Pilipinas

Sa kaso ng pagpapabalik sa Pilipinas ng mga labi ng namatay, ay dapat magsumite ng aplikasyon sa munisipyo (Office of Civil Status) na pirmado ng isang kapamilya kung saan hihilingin ang awtorisasyon sa paglilibing at transportasyon sa labas ng munisipalidad (kung mayroong punerarya na magsasaayos ng request, ay hindi na kakailanganin ang pirma ng kapamilya sa halip ay ang ahensya na ang piprima) na naglalaman ng mga personal information ng namatay.

Ang application ay naglalayong makakuha ng awtorisasyon sa transportasyon.

Dapat na ilakip sa application ang death certificate, na ibinibigay ng tanggapan ng Munisipyo. Dapat ding ilakip ang “Consular Mortuary Certificate” o nulla osta all’introduzione na ibinibigay ng Embahada o Konsulado. Ang nulla osta ay dapat na legalisado sa tanggapan ng Prefecture.

Kakailanganin din ang nulla osta o awtorisasyon sa transportasyon sa labas ng bansa buhat sa hukuman kung sa pagkamatay ay nagkaroon ng interbensyon ang hukuman.

Kailangan din ang sertipiko buhat sa Local Health Unit (Azienda Sanitaria Locale – ASL) na nagpapatunay ng mga kondisyon ng kalinisan at mga medikal at legal na kundisyon maging ng kabaong nito.

Maaaring kailanganin, para sa kalinisan, ang karagdagang seripiko at awtorisasyon buhat sa Minitsry of Health. Ang aplikasyon sa munisipyo ay mayroong kalakip na tax stamp na halagang 14.62.

Sa kaso ng pagpapabalik sa sariling bayan ng abo o ashes, ang ilang mga certifications ay hindi kinakailangan.

Ang awtorisasyon ay nasa wikang Italyano, ang bayarin sa translation at legalization sa sariling wika ay babayaran ng kapamilya (Para sa legalisasyon ng awtorisasyon, sa kawalan ng kasunduang internasyonal, dapat na sumangguni sa kunsulado o embahada para sa karagdagang impormasyon).

Matapos makuha ang pahintulot sa transportasyon, ay ipagbibigay alam ito sa Prefecture kung saan manggagaling ang bangkay.

Pagpapabalik ng mga bangkay sa mga bansang kasapi ng Berlin Convention

Kung ang namatay ay mamamayan ng bansa kabilang sa Berlin convention, ay kakailangan ang “mortuary passport” na ibinibigay ng tanggapan ng munisipyo kung saan namatay ang dayuhan.

Ang mga dokumentong isinusumite sa Munisipyo ay pareho ng mga bansang di-kasapi sa convention, gayunpaman, ay hindi kailangan ang  “Consular Mortuary Certificate” o nulla osta mula sa Embahada o kunsulado.

Ang mortuary passport ay ibinibigay sa wikang Italyano, at mga gastusin para sa translation at legalization sa sariling wika ay binabayaran ng mga naulila.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Libo-libong Tunisians naniwala sa isang regularization

Pangunahing katanungan ng mga naulila ng isang ofw sa Italya