Pagbili sa pamamagitan ng pahulugan o installments
Sa maraming kaso, ang mga shopkeepers, upang mapadali ang pagbebenta ng mga produkto sa kanilang mga customer, ay nagpapahintulot sa pagbili at magbayad ng installments (maaaring bayaran ng installments ang tulad ng isang mamahaling TV, ref, mattress, atbp ). Ang ganitong uri ng operasyon ay tinatawag na ‘credit’ (credito a consumo). Sa pamamagitan consumer credit maaaring bumili ng isang mamahaling bagay o gamit, na hindi babayaran ang buong halaga nito kaagad, at maaaring sa pamamagitan ng buwanang hulog, maliit na halaga hanggang sa mabayaran ang kabuuang utang. Ang ganitong uri ng operasyon ay pinapayagan ng mga bangko o kumpanya na nagbibigay ng financing (ang tinatawag na financing offices), o sa pamamagitan ng personal na utang (prestito personale).
Hindi kasama sa consumer credit ang halagang mas mababa sa 200 euros at mas mataas sa 75,000
Ang mga operasyon ay maaaring
– Sa pamamagitan ng installments (sa pamamagitan ng mga bollettini o pagbabayad sa mga post offices);
– Sa pamamagitan ng auto debit sa bank account o credit card (sa tinatawag RID direct interbank relation);
– Sa mga personal loans;
– Sa pamamagitan ng pagkaltas sa suweldo ng isang maliit na buwanang hulog direktang mula payroll).
Napakahalagang tandaan na kapag bumili ng isang bagay at babayaran ito ng installment, ang consumer ay nasa isang kontrata sa nagbenta ng isang bagay o serbisyo at sa kumpanya na nagbigay ng financing o loan.
Mga requirements
Ang pautang o financing, (consumer credit), ay ginagawad sa pamamagitan ng isang kasunduan kung saan ang mga financing offices ay nagbibigay ng sapat na halaga o pautang at ang mga nangungutang o consumer ay sumasang-ayon sa pagbabayad ng installment.
Lahat ng ito ay dapat na nakasulat sa pamamagitan ng isang kontrata at isang kopya ay dapat na ibigay sa mga consumer.
Ang kumpanya ay gagawa ng mga pagsusuri sa consumer, halimbawa, kung ang consumer ay may mga pagkakautang na o kung ito ay may sapat na pera upang maibalik ang nautang.
Mga impormasyon na napapaloob sa kontrata
Ang kontrata ng consumer credit ay dapat maglalaman ng mga tiyak na impormasyon. Bukod sa impormasyon ng dalawang parte (ang kumpanya na nagbibigay ng pautang o loan at ang mga consumer), ang kontrata ay dapat na naglalaman
– ng isang detalyadong paglalarawan ng produkto o serbisyo na binili,
– presyong napakasunduan ,
– ang halaga at araw ng deadline ng hulog
– kaukulang penalty sa mga late payments
– kaukulang penalty o reimbursement kung sakaling mababayaran ang buong halaga bago ang deadline ng buong payment.
Ang kontrata ay dapat na nagsasaad ng buong halaga ng utang at ang paraan ng pagbabayad, ang tubo (TAEG) at kung saan ang mga kondisyon ay maaring mabago sa paglipas ng panahon.
Hindi maaaring hingan ng karagdagang bayad ang consumer higit sa mga tinukoy sa kontrata.
Ano ang ibig sabihin ng TAEG ‘Tasso annuo effettivo globale’?
Ang posibilidad na bumili ng produkto na hindi babayaran ang buong halaga kaagad at babayaran sa maliliit at regular na hulog ay isang malaking kagaangan para sa mga mamimili (isipin ang posibilidad ng pagbili ng isang TV na nagkakahalaga ng ilang libong euros at babayaran lamang buwan buwan ng ilang daang mga euros)
Ang posibilidad na ito ay ibinibigay sa mga consumer ng mga financing offices at ito ay may halaga, ito ay ang tinatawag na TAEG o TUBO, ito ay ang karagdagang halaga sa presyong dapat bayaran ng consumer at ito ay kasamang babayaran sa pamamagitan ng pagbabayad ng installments.
Babala:
Kadalasan ang mga financial offices, para sa mas higit na seguridad ay pinapayagan ang pagpapautang kung ito ay babayaran sa pamamagitan ng pagbabayad sa mga post offices, sa pamamagitan ng auto debit o credit card o sa pamamagitan ng RID:
Sa madaling salita ay ibinibigay sa mga kumpanya ang mga detalye ng bank account sa bangko o credit card.
Kung sa pamamgitan naman ng auto debit, kung sa anumang dahilan, ay kinakailangan harangan ang pagbabayad o pagkakaltas, dapat sabihan ang Bank sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang registered mail with return cardo sa pamamagitan ng pagpunta direkta sa bangko para sa kanyang
kaukulang cancellation. Kung ang hulog naman ay sa pamamagitan ng direct debit mula sa credit card para kanselahin ang serbisyo ay dapat magpadala ng isang registered mail with return card sa kumpanya na nabigay ng pautang. Anumang kabayaran na hindi dapat bayaran na tinga o kinaltas sa bank account o credit card ay maaaring masingil.
Ang withdrwal o pag-atras sa financing
Ayon sa kamakailang batas na nagbibigay sa mga mamimili ng posibilidad na kanselahin ang kasunduan sa pautang ng walang paglalahad ng isang dahilan sa loob ng 14 araw mula ng pirmahan ang kontrata sa pamamagitan ng pagpapadala ng registered mail with return card sa kumpanya na magbibigyan ng pautang.
Kung ang loan ay na-aprobahan na, ang consumer ay dapat maibalik sa kumpanya ang kabuuan at ang kaukulang interes. Subalit, kung ang kabuuang halaga ay hindi pa nababayaran sa mga nagbenta, ang consumer ay dapat bayaran ang buong presyo diretso sa nagbebenta.
Ano ang mangyayari kung hindi mabayadran ang isa o higit pang hulog?
Ang hindi pagbabayad nghulog, kahit isang hulog lamang, ay maaaring humantong sa mga malubhang problema.
Ang mga kompanya, una, ay magpadala ng isang paalala para sa pagbabayad.
Kung sa kabila nito ay magpapatuloy sa hindi pagbabayad, ay magsisimula ang mga babala (diffida) bukod sa hindi bayad na hulog ay pati ang karagdagang interes at marahil ay mangailangan ng pagsasara ng kontrata.
Ang hindi pagbabayad ng hulog ay maaaring magresulta, ng paglalagay ng pangalan ng consumer sa database ng mga mapanganib na consumer (CRIF, atbp.), ibig sabihin, ang listahan ng blocked list o”cattivi pagatori”. May tatak na ito na mahirap na makansela at kahit na lumia ang mahabang panahon ay magiging mahirap huminging muli ng pautang o iba pang mga pahulugan mula sa bangko ofinancial offices.