in

Mga Dapat malaman tungkol sa Chikungunya Virus

Paano ba tayo makakaiwas sa Chikungunya? Ano ang mga sintomas nito at plano ito maiiwasan? 

 

Pagpasok ng Setyembre, idineklara ang suspensyon ng blood donation sa Roma at Anzio dahil sa iniulat na 17 kaso nang pinagsususpetsahang sakit na ito sa mga lugar na nabanggit. 

Ang Lazio region, na responsable sa pangangalagang pangkalusugan, at ang mga ASL o local health system ay nagpalabas ng mga aksyon at 

mga panukala upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa mga mamamayan. Isa na dito ang pansamantalang paghinto ng blood donation partikular sa South-East Rome kung saan namumuhay ang 1,2 milyon residente. 

 Ano ang Chikungunya at sanhi nito: 

Ang Chikungunya fever ay isang uri ng sakit na dala ng mga infected na lamok. Maaari itong makuha mula sa kagat ng infected na Aedes Aegypti at Aedes Albopictus. Ang mga lamok na ito ay kakikitaan ng white stripes sa kanilang itim na katawan at mga binti. Ang ibig sabihin ng chikungunya ay “namimilipit” dahil namimilipit ang pasyente sa sakit. At kahit gumaling na ang pasyente, ang pananakit ng kasu-kasuan ay puwedeng tumagal ng ilang buwan hanggang taon. 

Ang mga pangunahing sintomas ay ang: 

  1. Mataas na lagnat na maaarig umabot ng 40 degrees C; 
  2. Pananakit ng kasukasuan lalo sa mga braso at mga binti;
  3. Rashes na tulad din ng dengue;

Bukod dito, narito pa ang ibang sintomas:

  1. Sakit ng ulo;
  2. Hilo at pagsusuka; 
  3. Pamamaga ng mga mata na parang sore eyes;
  4. Kawalan ng panlasa;
  5. Hirap sa pagtulog;
  6. Panghihina

Ang pagitan sa pagkakakuha ng virus sa pamamagitan ng pagkakakagat sa lamok at ang pagkakaron ng sintomas ay tinatawag na incubation period. Kalimitan, ito’y tumatagal ng 2 araw hanggang isang linggo.

Ang mga sintomas gaya ng lagnat ay biglaang nawawala makaraan ang 2 hanggang 4 na araw. Subalit may mga slang sintomas na maaaring magpatuloy hanggang isang linggo. Ang pananakit ng kasukasuan naman ay maaaring tumagal ng ilang buwan o taon, palo na sa mga matatanda. Ngunit para sa marami ito’y nawawala na sa loob ng ilang linggo.

PAG-IWAS: 

  1. Magsuot ng long-sleeved na damit at mahabang pantalon;
  2. Gumamit ng mosquito repellent na may DEET, picaridin, IR3535 at oil of lemon eucalyptus;
  3. Siguraduhin na ang mga screen ng bintana at pinto;
  4. Gumamit ng Aircon, kung maaari, upang mas maiwasan ang mga lamok;
  5. Magsuot ng damit na permethrin-treated na maaaring makapagtaboy o makapatay ng mga lamok; 
  6. Panatilihing malinis ang kapaligiran. Iwasang magtambak ng mga gamit na maaaring mag-imbak ng tubig na maaaring pangitlugan ng lamok tulad ng gulong, paso, lata at iba pang bukas na lalagyan;
  7. Sa panahon ng outbreaks, gumamit ng insecticide upang mapatay ang mga lamok;
  8. Gumamit ng kulambo;
  9. Magpahid ng off lotion. 

PARAAN NG PAGGAMOT:

Sa kasalukyan, walang gamot o lunas sa Chikungunya maliban sa antayin na mawala ang virus sa katawan at suportahan ang pasyente (supportive treatment)sa pamamagitan ng pahinga, pagkakaron ng sapat na nutrisyon at tubig, dextrose sa suero at pagbibigay ng Paracetamol (at HINDI Aspirin) para sa lagnat at sakit ng ulo. Hindi tulad ng dengue, walang pagdurugo ng katawan ang makikita sa chikungunya fever. Hindi babagsak ang platelet count sa dugo at karamihan ng pasyente ay makakarecover sa chikungunya. Mas malala ang dengue dahil puwede itong makamatay. Ayon sa pagsusuri, isang beses lang puwedeng magkasakit ng chikungunya ang pasyente. Pagkatapos ay magiging “immune” o ligtas na. Hindi ito tulad ng dengue na puwedeng umulit ng apat na beses.

 

Payo mula kay: Mona Liza Dadis

Sources: Wikihealth Med Online Plus

Ritemed

 

 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

Pagtaas ng kontribusyon ng mga colf, magkakahalaga hanggang 1000 euros

2,681 mga nasawi sa Mediterranean ngayong 2017: Ismu