Sa wakas ay pinagtibay ng Gobyerno ang pinakahihintay na “direct hiring” na pinapahintulutan ang 98,080 mga bagong papasok na manggagawa sa Italya mula ibang bansa.
Sa Italya, sa katunayan, ay maaaring kumuha ng isang dayuhan bilang trabahador kung may permit to stay lamang na naaangkop sa pagtanggap ng trabaho, tulad ng isang permit to stay para sa pamilya, permit to stay na para sa trabaho na hindi seasonal, pag aaral (hanggang sa 20 oras bawat linggo at hindi lalampas sa 1040 oras bawat taon), isang pulitikal na refugee, humanitarian, at iba pa. Sa natitirang mga kaso (tulad ng turismo at pag bisita) ang employer ay dapat hintayin ang direct hiring at mag apply, at pagkatapos magkaroon ng ‘nulla osta’ o approval, ay ang ‘hiring’ o pagtanggap ng trabaho. Ang dayuhan na inaplay ay dapat na nasa ibang bansa o legal na naninirahan sa Italya na may ibang dahilan o motibo ng pananatili.
Ang decree ay nagbibigay din ng posibilidad ng convertion ng ilang permit to stay (ng pag-aaral, internship, training, seasonal job, atbp.) sa permit to stay para sa trabaho o self-employment.
Ang mga aplikasyon ay maaaring ipadala sa mga araw na itinakda lamang. Hindi tatanggapin ang mga aplikasyon isinumite bago sa araw na iyon.
Tatanggapin ang mga aplikasyon ayon sa pagkakasunud-sunod ng dating ng mga ito, mahalaga na ipadala agad, sa takdang araw, ang mga aplikasyon upang makapasok sa quota bago ito maubos. Noong 2007, halimbawa, ang quota ay naubos 15 minuto matapos ang umpisa ng schedule na oras ng pagsumite ng mga aplikasyon (8.00).
Deadline para sa pagsusumite ng mga aplikasyon
Ang mga employer na nagnanais na kumuha ng mga manggagawa mula sa mga bansa na may kasunduan sa Italya mula 08:00, simula 31 Enero 2011.
Ang mga employer na nagnanais na kumuha ng domestic workers mula sa mga bansa na walang kasunduan sa Italya ay maaaring magsumite ng aplikasyon mula 08:00, simula 2 Pebrero 2011.
Ang mga employer na nagnanais na kumuha ng mga manggagawa sa ibang mga sektor, mula sa mga bansa na walang kasunduan sa Italya , ay maaaring magsumite ng aplikasyon mula 08:00, simula 3 Pebrero2011.
Hindi malinaw kung kailan ang click day sa mga maga apply ng conversion ng isang residence permit para sa isang working permit. Ayon sa dekreto ay dapat isumite ang mga aplikasyon sa Enero 31, 2011 kung sila ay mula sa bansa na nakalista sa Decree, o 2 Pebrero 2011 sa isang kaso. Lalong lohikal, gayunpaman, na ipadala ang application mula 08:00 simula 3 Pebrero 2011.
Hintayin ang mga paglilinaw mula sa Ministry.
Tanggap ang mga aplikasyon na isinumite sa loob ng anim na buwan mula sa petsa ng paglalathala ng batas sa Official Gazette.
MGA NILALAMAN NG DIRECT HIRING 2011
QUOTA para sa subordinate jobs at domestic jobs ng mga bansang may kasunduan sa Italya
Ayon sa dekreto, may quota na 52,080 para sa subordinate jobs, na riserbado lamang sa mga sumusunod na bansa:
4500 Albania, 1000 Algeria, 2400 Bangladesh, 8000 Egypt, 4000 Pilipinas, 2000 Ghana, 4500 Morocco, 5200 Moldova, 1500 Nigeria, 1000 Pakistan, 2000 Senegal, 80 Somalia, 3500 Sri Lanka, 4000 Tunisia, 1800 Indya, 1800 Peru, 1800 Ukraine, 1000 Niger, 1000 Gambia, 1000 iba pang bansang di kasama sa EC (European Community) na pasok sa kasunduan sa Italya.
Babala: sa sandaling maubos na ang quota na nakalaan para sa bawat bansa ng mga nakalistang bansa sa dekreto, hindi maaaring gamitin ang quota para sa iabng bansa.
Para sa mga domestic jobs (bansang walang kasunduan sa Italya)
Nakalaan ang quota ng 30,000 para sa mga dayuhan mula sa mga bansang wala sa listahan (tulad ng Russia) para sa mga trabahong tulad ng domestic helpers, care givers at baby sitters.
Para sa mga manggagawang dumaan sa isang formation sa sariling bansa
Bilang huli ay nakalaan ang quota na 4,000 para sa mga manggagawang dumaan sa isang formation sa sariling bayan at 500 para sa mga manggagawa at self employed mula sa lahing Italyano (magulang at mga ninuno ay Italians) tulad ng Argentina, Uruguay, Venezuela o Brazil at sa mga nasa listahan ng mga manggagawa ng mga Italian Embassy.
CONVERSION NG MGA PERMIT TO STAY
Liban sa mga papasok na manggagawa, nasasaad din sa dekreto ang conversion ng 11.500 na mga permit to stay para sa trabaho ng ganito:
Maaaring i convert sa subordinate jobs:
– 3.000 permit to stay para sa pag aaral
– 3.000 permit to stay para sa formation o internship
– 4.000 permit to stay para sa seasonal job
– 1.000 residence permit EC long term (carta di soggiorno) na inisyu sa ibang bansa ng EC
Maaaring i convert sa self employment:
– 500 residence permit EC long term na inisyu sa ibang bansa ng EC sa mga dayuhang non EC nationals.
Mga kinakailangan sa pag aaply
Ang employer, Italyano man o migranteng regular na naninirahan sa Italya ay maaaring mag apply para sa dayuhang nasa ibang bansa, o sa dayuhang nasa Italya na, na hindi makakuha ng trabaho dahil walang permit to stay, o maaatrng mayroong permit to stay na hindi maaaring i convert para sa dahilan o motibo ng trabaho.
Ang employer ay nararapat na may sapat na kakayahang ekonomikal na iba’t iba ayon sa tipo ng trabaho; bilang domestic o hindi, bilang employee at iba pa.
Salaries Required
Para sa domestic jobs (colf, care givers at baby sitters)
Ang employer ay dapat na magpakita ng taunang kita na mas malaki o doble ng halaga na kailangan sa pagbabayad ng taunang suweldo ng manggagawa na kinukuha kasama ang mga kaugnay na mga kontribusyon.
Halimbawa, sa pag kuha ng isang domestic worker ng 25 oras bawat linggo na may buwanang suweldo ng 600 €, ang kontribusyon sa INPS quarterly ay € 318.50.
Ang pagkalkula ay ang sumusunod: taunang kita, kasama ang bonus, ay aabot ng 7800 €, na kung saan ay idinagdag ang gastos ng mga kontribusyon sa Inps ng (318.50 x 4 ) na mga halaga sa 1274 €. Ang buong gastos ay 9074 €.
Kaya ang employer na nagnanais na isumite ang aplikasyon para sa trabahor ay dapat na may dobleng yearly salary ng 18,150 €.
Sa mga kukuha naman ng caregiver para sa sarili o sa isang miyembro ng pamilya dahil may malubhang kapansanan ay hindi na kailangan ng patunayan ang pagkakaroon ng kitang kinakailangan.
Kinakailangan lamang ang isang sertipikasyon na inisyu ng isang public health facilities na nagpapatunay ng karamdaman.
Dapat tandaan na ang batas ay nagbibigay ng pagkakataon, kung ang employer ay walang kita o pagkakaroon ng hindi sapat na kinikita upang kumuha ng care giver, na pagsama samahin ang kinikita ng mga kapamilyang kapisan o hindi (hanggang first degree).
Para sa hindi domestic jobs
Para sa pagkuha ng isang empleyado, ang batas gayunpaman, ay hindi nagtatag ng kaukulang basihan at ang pagsiyasat sa ekonomikal na sitwasyong ng kumpanya ay nasa desisyon ng opisinang susuri ng application.
Sa imbestigasyon, sa katunayan,ay isasaalang-alang: ang bilang ng mgaaolikasyon, ang pagsunod sa kaukulang kolektibong kasunduan para sa isang ganap na trabaho, mga gastusin, ang suweldo at mma obligatory insurance sa ilalim ng umiiral na batas, ang pangangailangan ng kumpanya at ang mga operating expenses/taxes at ang pagbalik puhunan, ang bilang ng mga empleyado atbp. Kung ang kumpanya ay kabubukas lamang kamakailan at samakatuwid ay hindi pa na isinusumite ang isang income tax return, ng budget, at iba pang mga valutation ang sinusuri, tulad ng mga umano’y benta o mga accounting ng mga pinansiyal na yaman ng kumpanya.
Mga requirements para sa trabahador
Ang manggagawa, upang makapasok sa Italya matapos matanggap ang awtorisasyon,ay hindi dapat napa deport bago ang pagsusumite ng aplikasyon o hindi dapat ay nahatulan ng mga paglabag sa batas ng immigration. Kasama dito ang lahat ng pakikipag sabwatan sa pagpasok ng bansa ng iligal, prostitusyon, pagpupuslit ng bawal na gamot, pagbebenta ng mga pekeng kalakal, pagnanakaw at pananakit.
Kasunduan
Ang kontrata ay dapat na 20 oras lingguhan at nag-gagarantiya ng buwanang minimum wage na itinatag ng pambansang kolektibong kasunduan na nag-iiba ayon sa uri ng trabaho ng empleyado.
Ang employer ay obligado siguraduhin ang pagkakaroon ng angkop na tirahan(kasama sa bahay), sa pamamagitan ng sertipiko ng tirahan (certificato d’alloggio) na inisyu ng city hall office.
Mangyaring tandaan na ang application ay maaaring gawin din para sa mga
kapamilya. Halimbawa, ang employer ay maaaring mag sumite ng aplikasyon èara sa asawa o mga kapatid.
PROCEDURES
Para sa subordinate jobs
Ang employer ay dapat magsumite ng isang application sa Sportello Unico para sa Immigration sa prefecture na sumasakop ng tinitirahan o, kung isang Company, ang address ng kumpanya o kung saan ang lugar ng trabaho.
Ang aplikasyon ay isusumite on line ngunit kailangang maghintay ng mga instructions mula sa Ministry of Interior.
Ito ay magpadala ng isang espesyal na form, ipi fill-up ito online, na naglalaman ng proposed contract to stay (contratto di soggiorno) kung saan nakasaad ang mga detalye ng trabaho (kita, suweldo, mga naaangkop na kolektibong kasunduan, tirahan at iba pa).
Kasunod ng pagtanggap ng application, ang Sportello unico ay magpapadala ng request sa Police department (Questura) upang beripikahin ang pagpapatunay ng anumang deportation o anumang kundana ng manggagawa.
Sa kasong positibo ang resulta, ay ipadadala ang aplikasyon sa lokal na Labour Office para masiguro ang availability ng quota, ang economical capacity ng employer at ang pagsunod sa minimum na kondisyon ng trabaho. Pagkatapos ay maaaring hiniling ang karagdagang documentations.
Kapag matagumpay na natapos ang paunang imbestigasyon, ang employer ay tatawagin na para sa pagpirma sa kontrata at bibigyan na ng isang ‘work permit’ (nulla osta), balido sa 6 na buwan mula sa petsa ng isyu. Ang employer ay dapat ayusin ang pagpadala ng awtorisasyon sa banyagang manggagawa na dapat pumunta, dala ang ‘working permit’ at ang orihinal na pasaporte sa Italian Embassy sa sariling bansa upang mag-aplay para sa working visa.
Matapos lamang ang pagkuha ng visa, ang non-EC nationals ay maaaring pumasok ng Italya at sa loob ng 8 araw matapos na dumating, ay dapat na mag report sa Immigration Office para primahan ang kontrata upang maipadala ang request ng first issuance ng permit to stay sa Questura sa pamamagitan ng paggamit ng Postal kit.
Conversion of permit to stay
Ang mga mayroong permit to stay para sa pag-aaral, internship/formation at EC long term residence permit na inisyu sa ibang bansa ng EC ay maaaring humiling sa conversion sa isang permit para sa trabaho. Kahit ang mga may hawak ng permit to stay for seasonal job ay maaaring humiling sa conversion ngunit mula lamang sa pangalawang araw ng pananatili bilang seasonal worker.
Para sa conversion ay kinakailangan una sa lahat na ang permit to stay ay hindi pa pasò at dapat na magsumite ng aplikasyon. Ang application ay isusumite on line at dapat na gamitin ang angkop na Form.
Sa aplikasyon ay dapat isulat ang detalye ng permit to stay, ang data ng aplikante at ng employer.
Kapag naisumite na ang application, ang lokal Labour Office ay aalamin ang availability ng quota, at kungpositibo, ang ayuhan ay tatawagin sa Sportello Unico para pirmahan ang kontrata at ang kasunod ay ang pagpapadala ng request para sa first issuance ng permit to stay sa pamamagitan ng mga Post Office.
Mahalaga: Ang mga mag-aaral na non-EC nationals na humahawak ng permit to stay sa pag-aaral ng isang degree sa Italya, maikli at specialized ay exempted sa quota at hindi dapat mag-aplay.
Upang mai convert ang permit to stay ng pag-aaral sa permit to stay ng trabaho ay dapat i-fill up ang ibang form kung saan isusulat ang parehong mga data.
Ang dekreto ay malinaw nagbibigay lamang ng pagkakataong mai convert sa self employmant ang CE long term residence permit na inisyu sa ibang bansa ng EC sa mga non-EC nationals.