Ano ang sintomas Diabetes? Sino ang maaaring magkasakit nito? Ano ang hatid nitong kumplikasyon? Paano ito maiiwasan at ano ang lunas nito? Narito ang mga dapat malaman ukol sa sakit na Diabetes – Ikalawang Bahagi
SINTOMAS
– Pagkakaroon ng napakataas na lebel, dami o konsentrasyon ng glucose sa dugo(hyperglycemia),
– fasting blood sugar (FBS) na ang basa ay mahigit sa 120 mg/100 ml ng dugo,
– Sobra-sobrang pag-ihi (polyuria),
– Malabis na pagkauhaw (polydipsia),
– Sobrang pagkagana sa pakain (polyphagia),
– Panunuyo ng katawan,
– Panghihina,
– Pagbaba ng timbang,
– Pagbaba ng resistensiya sa impeksyon,
– Mabagal na paghihilom ng sugat,
– Pamamaga ng mga ugat,atherosclerosis
Sino ang maaaring magkasakit nito?
Unang Salik o Factor
– Mga taong may namanang ganitong klase ng sakit o hereditary
– Labis na katabaan
– Impeksyon
– Stress( ang pagbubuntis ay maaring porma o pagmumulan ng stress)
– Pagod ng isip
– Pag-aalala o pagkabahala (ang may edad 40 pataas ang higit na nakararanas ng ganito
Ikalawang Salik o Factor
– Pagbabago sa hormones
– Pagkakasakit sa lapay (impeksyon na galing sa mikrobyo na nagdadala ng sakit na pancreatitis,malignanteng tumor sa lapay at TB sa lapay
– Pagkakasakit sa apdo,thyroid,pituitary at sakit sa atay
– Pagkakaroon ng hindi matukoy na pinagmumulan ng insulin inhibitor
– May kinalaman sa nutrisyon(mga taong aktibo na naging mataba dahil huminto sa pag-eehersisyo at lumakas sa pagkain.
KOMPLIKASYON NG DIABETES:
Ang parehong nabanggit na uri ng diyabetis ay ganap na mataas sa asukal sa dugo, kalagayan ng tinatawag na hyperglycemia. Gayunpaman, masama rin pag biglang baba ng dugo o Hypoglycemia.
Sa loob ng mahabang panahon ng pagkakaroon ng gamutan ng diyabetes nakakapinsala ito sa retina ng mata, bato, nerbyo at mga daluyan ng dugo.
Pinsala sa retina mula sa diyabetis (diabetic retinopathy) ay isang nangungunang sanhi ng pagkabulag.
Pinsala sa bato mula sa diyabetis (diabetic nephropathy) ay pinsala sa nerbiyos mula sa diyabetis (diabetic neuropasiya) ay isang nangungunang sanhi ng paa sugat at ulcers, na madalas humantong sa mga paa at binti na nangangailangan ng amputation o pagputol ng parte na apektado.
Nagkakaroon ng operasyon na amputation pag oras na nagkaroon ng sugat na hindi gumagaling dahilan sa dindi maayos na pagdaloy ng dugo dahil ito ay lumapot dahil sa sobrang taas ng sugar at tuluyang nabubulok kaya ang magiging lunas ay pagputol ng bahagi na apektado bago pa ito lumala.
Ang Pinsala sa sistemang nerbiyos (Nervous system ) ay maaaring humantong sa paralisis ng tiyan (gastroparesis), pagtatae, at kawalan ng kakayahan upang kontrolin ang tibok ng puso at presyon ng dugo na malaking pagbabago sa katawan. Ang Diabetic atherosclerosis, o pamumuo ng taba o plaques sa loob ng artery ng puso at sakit sa baga na maaaring humantong sa pagbara ng namuong (thrombus), na maaaring humantong sa atake sa puso o stroke at pagkahina ng sirkulasyon ng mga braso at binti (sakit na vascular ). Ang Diabetes ay ang dahilan Kung bakit nagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo at mataas na kolesterol at triglycerid . Kasama rin ang panganib ng sakit sa puso, sakit sa bato, at iba pang mga komplikasyon sa daluyan ng dugo.
PAG IWAS
Anumang uri ng paggamot ay kinakailangang may patnubay ng doktor..Ang maingat na paggamot at pagkokontrol ay maaaring hadlangan ang mga kumplikasyong gaya ng pagkabulag, pagkaputol ng mga galamay gaya ng mga paa, pagkakasakit sa puso at sa mga ugat na daluyan ng dugo at pagkakasakit sa bato. Ipinapayo ang mga sumusunod:
– Balanseng pagkain
– Pag-eehersisyo
– Mga gamot na iniinom (kung kinakailangan)
– Pagpapanatili ng tamang timbang
– Positibong pananaw sa buhay
– Pagkain na may sapat na sukat o dami, partikular ang pagkain na mababa ang taba o mantika na may katamtamang protina gaya ng gulay.
LUNAS:
Mas mainam pa rin ang natural na paggamot ng diyabetes kaysa sa paggamit ng sintetikong gamot na maaaring makasira ng atay o liver, kidney o bato na sya ring sumasala ng toxin sa ating katawan.
Isang Pinoy na Doktor ang nakadiskubre ng umanoy epektibong gamot sa diabetes.
Si Dr. Jaime Dy-Liacco, 82 anyos ay isang Doctor of Metabolic Medicine ang nakadiskubre ng isang epektibong paraan sa paglunas ng sakit na diabetes na eepekto sa loob ng 5minuto.
Ayon sa kanya, base sa kanyang findings, hindi umano ang sweets ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng diabetes ang isang indibidwal. Dahil umano ito sa kakulangan o deficiency sa katawan natin ng 6 specific minerals. Pero kung sakto at husto ang pagkain na mayaman sa mga minerals na ito ay kahit umubos ka pa ng sandamakmak na chocolates at sweets sa buong mundo ay hindi na raw umano tataas ang iyong blood sugar.
Paano ang paghahanda?
1. Kumuha ng 12 na pirasong maliliit o “native” na pulang siling labuyo.
2.Gayatin at tadtarin ng pino.
3.Ihalo ang sili sa baso na may 2 hilaw na itlog. Haluing mabuti.
4.Lagyan ng 1/2 teaspoon Sea Salt.
5. Diretsong inumin, Gawin ito ng may laman ang sikmura upang pangontra sa sakit ng tyan dahil sa anghang na dulot ng sili.
Apat na halamang gamot para sa Diyabetes: Ampalaya, Cinnamon, sambong at Banaba
Basahin din:
Mga Dapat Malaman Tungkol sa Sakit na DIABETES – Unang bahagi