Ano ang Gastro Esophageal Disease (GErD)?
Ang Gastroesophageal Reflux Disease o GERD ay isang sakit na nakaaapekto sa daluyan ng pagkain (digestive tract) kung saan ang asido mula sa tiyan, o kaya ang mismong pagkain na tinutunaw sa tiyan ay umaagos pabalik (reflux) sa esophagus at nagdudulot ng iritasyon, implamasyon o pamamaga sa mga gilid na patong (lining) nito. Dahil dito, maaaring makaranas ng heartburn o ang paghapdi ng sikmura na umaabot hanggang dibdib, o kaya ay impatso (indigestion) o hirap matunawan
Ano ang sanhi o dahilan ng pagkakaroon ng GERD?
Ang pangunahing dahilan nito ay ang hindi pag-function ng maayos ng sphincter dahil sa pagkawala ng digestive enzymes o panunaw sa ating mga kinain. Isa na dito ang pepsin (ang pepsinogen ay kino-convert ng hydrochloric acid sa pepsin) sa tumutunaw ng protina, ang protina ay tinutunaw sa ating sikmura, kapag ito ay hindi natunaw ito ay maaaring mailabas lang sa maliit at malaking bahagi ng ating bituka, ilalabas lang at hindi magagamit ng ating katawan ang protinang ating kinain. Ang mahirap nito ay kung ang protinang hindi natunaw ay naimbak lamang sa ating sikmura at sa bituka at ito ay pagpi-pyestahan ng mga bad bacteria, parasites at ibat-ibang masasamang organismo na nasa ating tiyan at bituka na magiging dahilan ng pagdami ng hangin (gas) na siyang magpapamaga sa sphincter at makakaramdam ng paglaki ng tiyan, bloated o parang hindi natutunawan, dighay ng dighay, na palatandaan na walang gastric juice na tumutunaw at mga digestive enzymes na mula sa atay (bile), pancreas (pancreatic enzymes at sikmura (Gastric Juice).
Kapag paulit- ulit itong nangyayari, dito na mag-uumpisang magkaroon ng mga sakit o ng problema sa ating digestive system. Isa na dito ang pagkakaroon ng GERD kapag dumadami na ang gas sa ating sikmura at sa ating bituka dahil sa kawalan ng mga panunaw (digestive enzymes). Ang pagdami ng hangin o gas na mula sa nabubulok o ‘di natunaw na kinain natin ay siyang magtutulak o magbibigay ng pressure sa ating sikmura upang ito ay mawala sa kanyang posisyon at ito ay hindi makapaglabas ng gastic juice na kailangan sa digestion at maaari ng mamaga ang esophageal at pyloric sphincter, kapag laging nakasara ang esophageal sphincter ay mahihirapan ng nakapasok ang kinain sa sikmura o mahihirapan ng lumunok, kapag ito ay nakabukang palagi ay aakyat na ang acid at alkaline sa nasa sikmura natin at bituka o magkakaroon na ng reflux na tinatawag.
SINTOMAS
Madalas na pagkakaron ng heartburn o pakiramdam na mahapdi ang gitnang parte ng tiyan papunta sa gitna ng dibdib papuntang lalamunan. Pwede rin makaranas ng GERD kahit walang heartburn.
Iba pang sintomas na nauugnay sa sakit na ito ay ang asthma, nahihirapang paglunok, tuyong ubo o dry cough at masakit na lalamunan.
Sino ang maaaring magkasakit ng GERD?
Ang posibilidad ng pagkakaroon ng kondisyon GERD ay higit na mataas sa mga taong:
- Sobrang timbang o obesity
- Nagbubuntis
- Naninigarilyo
- Nanunuyo ang bibig
- May hika
- May diabetes
- May problema sa mga connective tissue, gaya ng scleroderma
PAG IWAS
- Itigil ang paninigarilyo.
- Iwasan ang mga pagkain at inumin na nakapagpapalala ng sintomas.
- Kumain lang maliit na porsyon ng pagkain lalo na bago matulog.
- Iwasan ang humiga dalawa hanggang tatlong oras pagkatapos kumain
LUNAS
- Antacids – Upang mabalanse ang asido sa sikmura.
- Calcium carbonate antacids – Supplement ng calcium
- Foaming agents – Pinoprotektahan ang tiyan para maiwasan ang pag-akyat ng asido papuntang dib dib o lalamuan
- H2 blockers – Para mabawasan ang pagproduce ng acids
- Proton pump inhibitors – Para maiwasan ang sintomas at gumaling ang lining ng esophagus na dinadaanan ng asido
- Prokinetics – Nakakatulong sa mabilisang pagkawala ng laman ng tiyan at pagpapalakas ng Sphincter.
OPERASYON
FUNDOPLICATION – Sa operasyong ito, sa itaas na paliko ng sikmura (ang fundus) ay nakakapitan ng esopago at pinagdidikit sa mababang bahagi ng esopago na syang kumokonekta sa maliit na lagos kalamnan ng sikmura . ang operasyon ay nagpapalakas sa balbula ng esopago at ng sikmura (mababang esophageal sphincter), na pumipigil sa asido na bumalik sa esopago at paraan rin ito ng pagpapagaling ng esopago .
TEKNIKONG ENDOSKOPIYA – Para malaman kung ano ang problema kung bakit nagkakaroon ng ACID REFLUX at ang kaugnayan ng sanhi nito.
ni: Mona Liza G. Dadis
SOURCES: Study of Human Health & Disease Barbara & Cohen, Mayo Clinic
Medical Surgical-Udan, Wikihealth
Medical Surgical Nursing – Brunner, Suddarth
Iminumungkahi ng FNA- ROME ang agad na sumangguni sa Doktor sa bawat sintomas o pagbabagong mapupuna sa ating katawan upang anuman ito ay maiwasan o maagapan. “Prevention is better than Cure”, ika nga. Hindi sapat ang dahilang walang panahon, may trabaho at walang perang panggamot. Ang ating kalusugan ay ating kayamanan.