Alamin muna ang mahalagang tungkulin ng Utak ng buto o Bone marrow bilang isa sa mahalagang parte ng katawan at mga nagiging sanhi ng pagkakaroon ng sakit na Limpoma o kalimitang tinatawag din na Hodgkin disease.
Ang Bone marrow o Utak ng buto ay isa sa mahalaga at magaspang na parte sa loob ng ating buto na matatagpuan sa hita, bandang parte ng ating tuhod at balakang. Ang utak rin ng ating buto ang nagpro-produce ng Pulang dugo or Red Blood cells, Puting dugo o White blood cells at Immature na selula na Stem cells sa pamamagitan ng prosesong Hematopoiesis. Ito ay nagpo-produce ng 500 bilyong selula ng dugo kada araw na kakailanganin sa sistema ng Sirkulasyon ng Dugo sa ating katawan ito ay parte rin ng Sistemang Lymphatic.
Ano ang Stem cells?
Ang katawan ng tao ay puno ng daang-daang uri ng selula, bawat isa’y importante sa pang araw-araw na gawain. Ang mga selulang ito ay responsable sa iba’t ibang mahahalagang proseso nang ating pangangatawan tulad nang pagtibok ng ating puso, pag-iisip, paglilinis nang ating dugo, pagpapalit ng selula ng ating balat, at iba pa.
Bakit mahalaga ang mga stem cells sa kalusugan?
Kapag tayo ay nagkasakit o nasaktan, nasisira din at namamatay ang ating mga selula. Sa ganitong pangyayari, nagiging-aktibo ang ating mga stem cells na siyang pumapalit sa mga nasira at patay na selula. Dahil dito, tayo ay nananatiling malusog at maiwasan ang mabilisang pagtanda. Ang mga stem cells ay maaari nating maihalintulad na maliliit na doktor ng ating sariling pangangatawan.
Sakit na LIMPOMA, ano ito?
Ang limpoma o Hodgkin Disease ay Bukol na sa pangkalahatan ay glandulang limpo. Normal na mabagal ito sa simula kasabay ng sakit na pagkalat ng mga malaking glandulang limpo, kalimitan sa leeg.
Sa karamihan ng kaso, ang sanhi ng lymphoma ay hindi pa alam.
ANG SANHI NG LIMPOMA ay ang mga pagbabago sa mga gene ng isang lymphocyte (isang uri ng white blood cell). Ang mga pagbabagong ito ay kayang baguhin kung paano ang mga cell ay lumalaki at magdivide o namamatay ang mga selula na nagiging abnormal ang pagpopoproduce.
Ang mahalagang bagay na dapat malaman ay ang mga:
- Lymphoma ay hindi namamana.
- Hindi rin ito nakakahawa at maaaring dulot ng Impeksyon
Nakakamatay na Limpoma Non Lymphoma Hodgkin
Ito ay isang malubhang nakakapinsalang mga selula ng limpo na nakalabas sa utak ng buto. Ang Limpoma ay makikita sa glandulang limpo o sa alinmang malambot na tisyu ng katawan. Ang mga limpoma ay karaniwang nakikta sa young adults, Mayroong tatlong uri ng nakakamatay na limpoma
Mga Uri at Paraan ng Paggagamot
Ang paraan ng paggamot Limpoma ay depende kung ano ang grado ng Limpoma ang pasyente.
1. Mababang Grado o Low Grade – Kung ang Limpomang ito ay hindi pa nakakalat, maaari pa itong gamutin sa pamamagitan ng operasyon o lokal na irradyesyon. Ngunit karaniwan sa limpomang ito ay kumakalat na agad. Ito ay maaaring hindi na mangailangan ng gamutan. Ang panibagong gamutan na maaaring makadagdag ng buhay ng pasyente ay ang tinatawag na “MONOCLONAL ANTIBODIES” na gaya ng MabThera at Stem Cell Transplatation
2. Intermedyang grado o Intermediate Grade – Ang uri na ito ay mabilis lumaki kesa sa mababang grado ng limpoma.Kung sa isang bahagi lamang, tulad ng mga bukol,ay nangangailangan ng Radiation therapy. Kahit na nakakalat na ito ay magagamot sa pamamagitan ng kombinasyon ng Chemotherapy and Stem cell Transplantation.
3. Mataas na grado o High Grade – Ang uri na ito ay kumikilos tulad ng malubhang lukemya at ginagamot sa parehong paraan sa pamamagitan ng kombinasyon ng Chemotherapy at Propilaksis ng utak o Sistemang nerbiyo. Kung sakit na ito ay masyadong malala ito ay mangangailangan ng Stem cell transplantation, maging ito man ay mangggaling sa pasyente o kamag-anak.
Kemoterapiya o Chemo
Ang paraan ng Paggamot na ito ay gumagamit ng mga gamot na pumapatay sa kanser cells at bawasan ang laki ng kanser tumors.Ang gamot ay maaari ring makaapekto saNormal na mga cell at maging sanhi ng epekto tulad ng pagkawala ng buhok o singaw sa bibig. mga uri ng Maraming mga gamot ay madalas na ginagamit sama-sama para Kemoterapiya.
Radiation Therapy
Ang Paggamot na ito ay gumagamit ng radiation (mataas na enerhiya x-ray) upang patayin ang cancer cells. Ang paggamot ay madalas lamang tumatagal sa lugar ng bahagi ng iyong katawan kung saan ang lymphoma ay matatagpuan.
Stem cell or Bone Marrow Transplantation
Ito ay ginagamitan ng mataas na dosis ng chemotherapy upang sirain ang mga selula ng lymphoma at ang utak ng buto, na kung saan ay ang “factory” para sa mga cell ng dugo. Upang matulungan ang iyong utak ng buto magkaroon ng mga bagong malusog na mga cell ng dugo, ang ilang mga stem cells (immature cell ay lalaki para maging pulang selula ng dugo, puti dugo cell, at platelets) Ito ay maaaring gamitan ng isang espesyal na makina bago ibigay ang chemotherapy, pagkatapos ng transplantasyon ito ay ibabalik sa katawan.
ni: Mona Liza G. Dadis – FNA-Rome
Mahalagang Mungkahi from FNA-Rome sa bawat sintomas o anumang masamang pagbabago sa ating katawan agad sumangguni sa Doktor. Hindi sapat ang kadahilanang walang panahon o may trabaho at walang perang panggamot, mahalaga ang mga ito ay maagapan o maiwasan. May kasabihan nga sa Ingles “Prevention is better than Cure” at ang ating kalusugan ay ating kayamanan upang tayo ay makaiwas sa mas malaking gastos at patuloy pa rin ang pagtatrabaho.
SOURCES
Medical Surgical Nursing- Josie Quiambao – Udan RN. MAN
MAYO CLINIC
Lymphoma Foundation- Missin to cure, Mission to care