in

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA SORE THROAT

Masakit ba o makati ang iyong lalamunan? Nahihirapan ka bang lumunok? Maaaring may sore throat ka. Ang sore throat o pamamaga ng lalamunan ay hindi isang sakit. Isa lamang itong senyales ng iba pang sakit na nagdudulot nito.

 

Ang pamamaga ng lalamunan ay nagdudulot ng sakit, iritasyon, o pangangati ng lalamunan. Maaari ka ring magkaroon ng tuyong lalamunan, pamamaga ng mga glandula sa leeg, puting tagpi sa mga tonsils, at pagkapaos.

Ang namamagang lalamunan ay maaaring makaapekto sa mga tao na nasa lahat ng edad, gayunpaman, ang panganib nito ay mas mataas sa ilang tao. Kabilang dito ang mga bata, smokers, allergy sufferers, at mga tao na may nakompromisong immune system o  mahina ang resistensya, at mga taong madalas mapagod..

Mga sanhi ng namamagang lalamunan: i) viral na impeksiyon. Ito ang mga impeksiyon na dulot ng virus, tulad ng sipon at trangkaso, mononucleosis, tigdas, chicken pox o krup; ii)bacterial na impeksiyon. Ang mga uri ng impeksiyong ito ay kinabibilangan ng strep throat, diphtheria, at whooping cough; iii) mga kadahilanan mula sa kapaligiran. Hindi lahat ng sore throats ay viral o bacterial. Kung ikaw ay may allergy sa amag, pet dander, pollen, o iba pang mga irritants, maaari kang magkaroon ng post-nasal drip. Nagdudulot ito ng pagdami ng plema sa likod ng iyong lalamunan. Ang akumulasyong ito ay maaaring makairita sa iyong lalamunan at maging sanhi ng sakit o pamamaga. Pwede ring magdulot ng sore throat ang tuyong hangin. Ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng pamamaga ng lalamunan, pati na rin ang pagsingaw at matagal na pagsasalita; iv) GERD. Ang GERD o gastro-esophageal reflux disease ay maaari ring magdulot ng pamamaga ng lalamunan. Ito ay dahil sa asido na pumupunta sa lalamunan mula sa tiyan. Nagdudulot din ito ng pagsusuka at pananakit ng tiyan; at v) maaari ring nagmumula sa HIV o kanser sa lalamunan ang sore throat.

Karamihan sa mga sore throat ay hindi nangangailangan ng medical na atensiyon. Gayunpaman, magpakonsulta sa doctor kapag tumagal pa sa isang linggo ang iyong sore throat at kung nakakaranas ka ng: kahirapan sa paghinga, kahirapan sa paglunok, masakit na tainga, may nakakapang kulani sa leeg, may nana sa lalamunan, mga pantal, lagnat na higit pa sa 38°C, pananakit ng kasu-kasuan, plema o uhog na may dugo, pagbabara ng lalamunan, at pagkapaos na nagtatagal ng higit pa sa 2 linggo.

Ang iyong doktor ay magsasagawa ng eksaminasyong pisikal at suriin ang iyong lalamunan gamit ang maliwanag na instrumento. Titingnan niya ang mga palatandaan ng pamamaga o mga puting  tagpi, na maaaring magpahiwatig ng strep throat. Suriin din ang iyong leeg para sa mga namamaga ng mga glandula at ang iyong paghinga.

Dahil ang strep throat ay karaniwang sanhi ng sore throat, ang iyong doctor ay maaaring mag-swab sa iyong lalamunan at suriin ang sample para sa Streptococcal na bakterya. Maaari rin siyang magrequest ng pagsubok sa dugo upang matukoy kung mayroon kang viral o bacterial infection. Kung hindi ma-diagnose ng iyong doctor ang iyong sore throat, irerefer ka niya sa isang allergist o EENT specialist. Kung virus ang impeksiyon, nawawala ito sa isang lingo. Maaaring resetahan ka ng iyong doctor ng decongestants o pain reliever para mabawasan ang iyong sintomas. Kung bacteria, maaari itong tumagal at lumala at malulunasan lamang ng antibiotics. Tandaan: may ilang sore throat na nagkakaroon ng komplikasyon sa puso at bato.

Lunas para sa namamagang lalamunan:i) magpahinga at uminom ng maraming fluids (juice,tubig, hindi masyadong matapang na tsaa na may honey at lemon o kalamansi), ii) kumain ng sopas o malalambot na pagkain at iwasan ang maaalat, iii) madalas na magmugmog ng tubig na nilagyan ng asin (1 kutsarita ng asin sa 2 cups na tubig), iv) itigil ang paninigarilyo at iwasan ang usok ng sigarilyo galing sa ibang tao, v) kung kailangan sa sakit at paglalagnat, uminom ng Aspirin o Acetaminophen. Huwag bigyan o painumin ng Aspirin kung mas bata sa 20 taong gulang, vi) pwedeng makatulong ang ‘throat lozenges’ tulad ng Strepsils. Huwag bigyan ang mga mas bata pa sa 5 taong gulang, vii) ipahinga ang boses para maiwasan ang pagkairita ng lalamunan, at viii) iwasan ang mga allergens at irritants tulad ng usok at mga kemikal.

Pag-iwas:

Maraming mga sanhi ng sore throat ang nakakahawa, at may ilang mga hakbang na maaaring makatulong sa iyo na maiwasan ang impeksiyon sa hinaharap:i) ugaliing maghugas ng kamay lalo na kung may kasambahay na maysakit. Ito ang pinakamabuting paraan ng pag-iwas. Gumamit ng Sanitizer kung walang sabon at tubig. ii) uminom ng maraming tubig o fluids para maiwasan ang dehydration. iii) huwag manigarilyo at umiwas sa usok ng sigarilyo. iv) iwasan ang mga taong maysakit (hal: sipon o sore throat). Magtakip ng bibig kapag nakikipag-usap kung ikaw o ang kausap ay may sore throat. v) iwasan ang paggamit ng kubyertos, baso, tuwalya at iba pang personal na gamit ng iba. vi) umubo at suminga sa tissue at itapon pagkatapos. Iwasang gumamit ng panyo. vii) panatiliing malusog at malakas ang pangangatawan sa pagkain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina, mineral at protina. viii) bawasan ang exposure sa mga allergens, tulad ng mga pollen, dust, at magkaroon ng amag. ix) gumamit ng humidifier sa inyong bahay upang magdagdag ng moisture sa hangin. x) kumain ng cold treats tulad ng ice cream o ice drops. Ang malamig ay nakakatulong maibsan ang sakit o pamamaga ng lalamunan. at xi) mag-inhale ng cool-mist humidifier upang maibsan ang plema na namumuo sa lalamunan.

GABAY KALUSUGAN HANDOG NG FNA-ROME

ni : Loralaine R. – FNA Rome

Sources: www.kalusugan.ph,

www.phildigest.ipcdigital.com,

www.buhayofw.com,

www.healthwikipedia.org         

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Destinazione Italia para sa mga researchers, highly qualified workers at universitarians

Dekreto sa seasonal job, madaliin