in

Mga dapat malaman ukol sa Aggiornamento ng Carta di Soggiorno

Ang dating carta di soggiorno o EC long term residence permit ay isang residence permit na permanente o walang expiration ngunit mayroong mga kaso kung saan ang holder nito ay obligadong ipagbigay alam ang anumang pagbabago sa mga datos na nilalaman nito.

Ang sinumang mayroong Permesso di Soggiorno di Lungo Periodo CE ay hindi kailangang mag-aplay ng renewal nito dahil ito ay permanente o walang expiration. Gayunpaman, ang holder nito ay obligadong ideklara ang bawat pagbabago sa mga datos na nilalaman nito sa mga susunod na taon matapos itong iisyu tulad ng pagpalit ng address (cambio domicilio o residenza), civil status, paglalagay ng anak na menor de edad o anak na mas bata sa 14 anyos na dumating mula sa sariling bansa sa pamamagitan ng family reunification process, renewal ng pasaporte, updated ID picture o sa kasong mawawala o mananakaw ang dokumento.

Ang aggiornamento ay ginagawa sa pamamagitan ng kit mula sa anumang post office na may Sportello Amico o sa anumang tanggapan ng labor union o sindicati, patronati at mga authorized office na mayroong kit online.

Matapos isumite ang kit ay magbibigay ang post office ng resibo o cedolino. Ibibigay din ng post office ang petsa ng appointment o convocazione sa Ufficio Immigrazione ng Questura Centrale para sa finger printing. Makalipas ang humigit kumulang 40 araw (o hanggang 2 buwan) ay ibibigay ang ikalawang petsa ng appointment para sa issuance ng updated carta di soggiorno.

Ano ang mga dapat ilagay sa loob ng kit?

Ang kit ay dapat na naglalaman ng:

  • Modulo 1
  • Kopya ng carta di soggiorno
  • Marca da bollo 16,00
  • Kopya ng pasaporte o ng travel document
  • Atto di nascita at kopya ng pasaporte ng menor de edad na anak na isasama sa carta di soggiorno.
  • Denuncia di furto o smarrimento at deklarasyon mula sa Embahada/Konsulado bilang kumpirmasyon ukol sa personal datas ng aplikante

Ang Modulo 1 ng kit postale ay sapat na at katumbas ng self certification para sa:

  • Cambio di domicilio/residenza;
  • Paglalagay ng anak na menor de edad na ipinangank sa Italya;
  • Pag-update ng datos ng pasaporte o travel document, lakip ang bagong kopya nito;
  • Paglalagay ng anak na menor de edad matapos magkaroon ng entry visa for family reunification, lakip ang kopya ng pasaporte o travel document ng menor na dumating sa Italya. Sa finger printing ay kailangan ang personal appearance ng menor;
  • Kopya ng carta di soggiorno sa kaso ng pagkawala nito;
  • Pag-update ng picture tuwing ika-5 taon.

Ayon sa ipinatutupad na regulasyon, hindi na dapat ilakip pa ang ibang requirements na inilakip sa pag-aaplay ng nasabing dokumento. Ngunit maging maingat dahil ang dokumentong ito ay maaring pawalang bisa sa mga partikular na kaso.

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto Flussi 2019, tinugon ni Salvini sa Parliament

Nagbayad ng € 200,00 bilang kontribusyon sa aplikasyon ng italian citizenship. Paano babayaran ang karagdagang € 50,00 hatid ng decreto Salvini?