in

Mga dapat malaman ukol sa Assegno Unico Universale

Ang Assegno Unico Universale ay isang tulong pinansyal mula sa gobyerno ng Italya para sa mga pamilya, partikular sa mayroong mga dependent na anak, o ang tinatawag na ‘a carico’ – mula ika-pitong buwan ng pagbubuntis hanggang sa pagsapit ng ika-21 taong gulang ng bawat anak. 

Ito ay opisyal na magsisimula sa March 1, 2022, ngunit simula January 1, 2022 ay nagsimula na ang pagsusumite ng aplikasyon. 

Ito ay tinatawag na Assegno Unico Universale dahil papalitan nito at magiging iisa na lamang ang matatanggap na benepisyo para sa mga dependent na anak batay sa ISEE, tulad ng: 

  • Premio alla nascita 800 euro;
  • Bonus Bebè;
  • Fondo prestiti ai neo genitori;
  • Assegni al nucleo familiare;
  • detrazioni sui i figli a carico.

Assegno Unico Universale, sino ang makakatanggap

Ang Assegno Unico Universale ay matatanggap ng mga sumusunod:

  • bawat dependent na menor de edad na anak, mula ikapitong buwan ng pagbubuntis;
  • mga dependent na anak mula 18 hanggang 21 anyos na makatutugon sa mga sumusunod na kundisyon: a) Nag-aaral ng isang kurso o vocational course o isang degree; b) Nagsasagawa ng internship o nagta-trabaho at tumatanggap ng kabuuang taunang kita na mas mababa sa € 8,000; k) Nakarehistro bilang disoccupato o unemployed at naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng Centro per l’Impiego; d) Nasa Servizio Civile Universale.

Sa pagkakaroon ng anak na may kapansanan, ang benepisyo ay matatanggap nang walang limitasyon sa edad.

Assegno Unico Universale, ang mga requirements

Upang matanggap ang assegno unico universale per i figli a carico ay kailangang matugunan ang ilang mga requirements. Partikular, ang pagkakaroon ng citizenship, residente sa Italya at pagiging regular sa permesso di soggiorno. 

Ang halaga ng Assegno unico universale per i figli a carico ay batay sa halaga ng ISEE ng buong pamilya. 

Ang aplikasyon ay gagawin sa pamamagitan ng website ng Inps (www.inps.it), gamit ang SPID o Carta identita elettronica o Carta Nazionale dei servizi. Sa website ay matatagpuan ang mga mahahalagang impormasyong kakailanganin. Gayunpaman, maaari ring tumawag sa sa Contact Center Integrato sa numero 800 163 o 06 164164. Tandaan na maaari ring magpunta sa mga authorized na Patronato para sa libreng serbisyo.

Para sa mga aplikasyon na isinumite simula January 1 hanggang June 30, 2022, magsisimiulang matanggap ang assegno sa buwan ng March. Kung ito ay isusumite mula July 1, ang benepisyo ay matatanggap sa susunod na buwan matapos ang aplikasyon. 

Kapag inaprubahan ang aplikasyon, ang benepisyo ay matatanggap ng aplikanteng magulang at kung tinukoy sa aplikasyon, ang benepisyo ay ay maaaring paghatian ng parehong magulang. 

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 4]

Italy, very high risk zone sa updated map ng ECDC

Ano ang Permesso Unico di Lavoro para sa aplikasyon ng Assegno Unico?