Itinalaga ng kasalukuyang gobyerno na ang buwis sa pagkakaroon ng telebisyon, kilala sa tawag na canone Rai, ay babayaran kasama ng electric bill upang maiwasan ang hindi pagbabayad nito.
Roma, Agosto 11, 2015 – Simula taong ito, 2016 ay nagkakahalaga ito ng 100 euros, mas mababa ng 13 euros kumpara noong 2015. Nitong buwan ng Hulyo, maraming pamilya ang nakita ang buwis na nabanggit sa kanilang electric bills bilang advance payment ng canone Rai na nagkakahalaga ng 70 euros at ang balanseng 30 euros ay makikita naman sa electric bill sa susunod na Nobyembre.
Kailangang magbayad ng canone Rai ang sinumang mayroong telebisyon sa tahanan. Ayon sa pinakahuling depinisyon ng Ministry of Development, ay sinumang mayroong apparatus na receiver, may decoder at may satellite signal ay kailangang magbayad nito. Ang canone Rai ay tumutukoy sa buwis ng pagmamay-ari at binabayaran ng isang beses lamang ilan man ang telebisyon sa tahanan at ilan man ang tahanan ng iisang mag-anak.
Ang sinumang walang TV ay exempted sa buwis na nabanggit. Gayunpaman, kung mayroong electric bill ay kailangang gumawa ng isang deklarasyon na walang telebisyon sa bahay o dichiarazione di non detenzione, gamit ang Quadro A ng dichiarazione sostitutiva hanggang noong nakaraang June 30, 2016. Ang deklarasyon ay balido ng isang taon at ang kawalan ng deklarasyon ay nangangahulugan na awtomatikong kasama sa electric bill ang buwis.
Nilinaw naman ng Ministry of Development, na ang pagkakaroon ng computer, cellular phones at tablet ay hindi nangangailangang magbayad ng canone rai.
Bukod sa mga walang telebisyon, ay nasasaad ang ilang kategoryang exempted sa pagbabayad ng nabangit na buwis. Kabilang sa hindi kailangang magbayad nito ang mga may edad mula 75 pataas at ang mga may declared family annual income na hindi tataas sa 516,46 € kada buwan, na may kabuuang halaga na 6.713,98 € sa isang taon.
Ang sinumang hindi gumawa ng nabanggit na deklarasyon ay kailangang bayaran ang canone rai sa bill ng July 2016.
Sa pagkakataong nakapagsumite ng deklarasyon ngunit lakip pa rin sa electric bill ang canone rai ay obligadong bayaran ang 70 euros na unang bahagi ng payment at humingi ng rimborso o refund nito.
Sa pagre-request ng refund ay kailangang gamitin ang form na na matatagpuan sa www.agenziaentrate.gov.it at www.rai.it Maaaring isumite ang aplikasyon sa pamamagitan ng mga sumusnod na paraan:
– Sa pamamagitan ng angkop na app na aktibo simula Sept 15
– Online sa pamamagitan ng website ng Entrate
– Registered mail with return card sa address ng Agenzia dell’Entrate – Direzione Provinciale 1 di Torino – Sportello abbonamenti TV – casella Postale 22 – 10121 Torino lakip ang balidong ID.
Ang refund ay maaaring hilingin ng mga sumusunod:
– Ang aplikante ng refund ay may edad mula 75 pataas at may annual income na hindi lalampas sa 6713.98 euros at nakapagsumite ng dichiarazione sostitutiva (codice 1)
– Ang aplikante ay kabilang sa international convention tulad ng mga diplomats at military (codice 2)
– Ang aplikante ay nabayaran ang canone rai dahil lakip sa electric bill habang ang ibang miyembro ng pamilya o ang aplikante mismo ay binayaran ito sa pamamagitan ng ibang paraan (codice 3)
– Ang aplikante ay nabayaran ang canone rai dahil lakip sa electric bill at nabayaran muli ito sa ibang electril bill ng ibang miyembro ng pamilya na nasa iisang address o tahanan (codice 4)
– Ang aplikante ay nagsumite ng dichiarazione sostitutiva di non detenzione di apparecchi televisivi (codice 5)
PGA