Ang permesso di soggiorno per calamità naturale ay nasasaad sa artikulo 20 bis ng TU Immigrazione (D.lgs. no. 286/98). Ito ay isang permesso di soggiorno na hatid ng Decreto Legge 113/2018, pagkatapos ay binago at pinalawak sa Decreto Legge 130/2020.
Anu-ano ang mga kondisyon na nagpapahintulot magkaroon ng permesso di soggiorno per calamità naturale?
Ang permesso di soggiorno per calamità naturali ay isang uri ng permesso di soggiorno na ibinibigay sa dayuhan na nasa Italya na at hindi makabalik sa country of origin dahil sa isang malubhang kalamidad na hindi nagpapahintulot sa pag-uwi at pananatili dito dahil na rin sa seguridad.
Ang bagong artikulo 20-bis ay tumutukoy sa isang general reference ng malalang pangyayari na kumakatawan bilang dahilan ng hindi pagnanais na pagbalik sa apektadong bansa.
Saan maaaring mag-aplay ng permesso per calamità naturale?
Ang permesso per calamità naturale ay nire-request sa Immigration Office ng Questura. Hindi kinakailangan ang pagkakaroon na ng permesso di soggiorno. Batay sa circular ng Ministry of Interior ng January 18, 2019, ang questore matapos tanggapin ang aplikasyon, ay maaaring humingi ng mga impormasyon mula sa mga karampatang awtoridad ng Embassy/Consulate, upang matiyak ang pagkakaroon ng “state of calamity” sa bansa kung saan nanggaling ang dayuhan. Ang permesso di soggiorno ay maaaring ibigay, hindi lamang sa pagkakaroon ng hindi pangkaraniwang sakuna sa country of origin ng dayuhan tulad sa nakaraan, kundi pati na rin sa kaso ng isang simple at kahit hindi masyadong malubhang sitwasyon (civ. Cassation , seksyon I, ordinansa ng 4 Pebrero 2020, n. 2563).
Gaano katagal ang pag-iisyu ng permesso di soggiorno per calamità naturale?
Ang releasing ng nabanggit na permesso ay inaasahan sa loob ng 60 araw mula sa araw ng aplikasyon (artikulo 5, talata 9, ng TU per Immigrazione), dahil hindi ito nangangailangan ng mahaba at malalim na pagsusuri dahil ito ay tumutukoy sa natural calamities at ang mga epekto nito ay madaling matiyak. Ang paghingi ng mga impormasyon mula sa Embahada/Konsulado ng country of origin ay hindi mandatory at ang mga Questura ay malaya kung nais na magpatuloy sa pagsusuri.
Gaano katagal ang validity ng permesso di soggiorno per calamità naturali?
Ang permesso di soggiorno per calamità naturale ay balido ng anim (6) na buwan at ito ay renewable kung mananatili ang mga kundisyon ng malalang sakuna. Ito ay balido lamang sa loob ng bansang Italya.
Posible bang magtrabaho ang may permesso per calamità naturali? Maari bang i-convert ito sa isang permesso per lavoro?
Oo, ang ganitong uri ng permesso di soggiorno ito ay nagpapahintulot sa pagtatrabaho at maaaring ma-convert sa isang permesso per motivi di lavoro. (Integrazionemigranti.it)