in

Mga dapat malaman ukol sa Reddito di Inclusion 2018

Ang REI 2018 ay ang Reddito di Inclusione, isang tulong pinansyal na nakalaan sa mga pamilya na nasa kahirapan. Narito kung paano mag-aplay nito at ang mga kwalipikado dito.

 

Ang Reddito di Inclusione ay ganap ng inaprubahan ilang buwan na ang nakakalipas at opisyal na ipatutupad simula Enero 1, 2018

Ito ay isang tulong pinansyal sa mga pamilya na nasa kahirapan at samakatwid ay isang aksyon ng pamahalaan na naglalayong bahagyang mapabuti ang kundisyon sa pamamagitan ng tulong pinansyal at personalized project para muling magkaroon ng trabaho. 

Ang tulong pinansyal ay tumutukoy sa monthly allowance mula 187 euros para sa mga pamliyang may isang miyembro lamang (single) hanggang 485 euros para sa mga pamilyang mayroong limang miyembro pataas. 

Ang makakatanggap ng mothly allowance ay obligadong lumahok sa mga natatanging proyekto para sa labor insertion at social inclusion kung saan sa pamamagitan ng mga pagsusuri ay isasaalang-alang ang mga available resources at mga pangangailangan ng pamilya. Ito ay tumutukoy sa mga internship, courses, language courses, intensive work research.

Sino ang makakatanggap ng REI 2018?

Upang maging kwalipikado at matanggap ang benepisyo ay kailangang magkaroon ng kabuuang taunang kita o sahod, sa pamamagitan ng ISEE,  ng halagang mas mababa sa 6,000 euros, hindi lalampas sa 20,000 euros na value ng real estate (hindi kasama ang unang bahay kung saan residente) at hindi lalampas sa 10,000 euros movable assets (current account, deposits) at ang halaga ay bababa sa 8,000 kung ang pamilya ay mayroong 2 miymebro at 6,000 naman para sa mga single. 

Mayroong priyoridad ang mga pamliya na mayroong menor de edad na anak hanggang 18 anyos, menor na mayroong disabilities, kapisang nagdadalang-tao at walang trabaho na 55 anyos. 

Ang sinumang tatanggap ng Rei ay hindi maaaring makatanggap ng ibang benepisyo tulad ng Naspi o ibang unemployment benefit. Hindi rin makakatanggap ang sinumang mayroong sasakyang nairehistro sa loob ng dalawang taon makalipas ang aplikasyon at ang sinumang mayroong bangka o barko.  

Ang Rei ay matatanggap hanggang 18 buwan at kung sakalling mag-aaplay ulit ay kailangang lumipas muna ang 6 na buwan sa susunod na aplikasyon.  

Paano ang mag-aplay ng Rei 2018? 

Ang aplikasyon ay dapat isumite sa munisipyo kung saan naninirahan. Ang mga ito, bago pa man sumapit ang Enero 2018 ay magbubukas ng mga itinalagang tanggapan o window na magsisilbing access point kung saan tatanggapin ang mga aplikasyon, susuriin ang mga requirement ng citizenship at residency at magpapadala ng mga ito sa Inps sa loob ng 10 araw susuri naman sa loob naman ng limang araw ng mga requirements sa sahod at assets. 

Matatanggap lamang ang tulong pinansyal matapos pirmahan ang personalized project na magsisimula naman sa susunod na buwan mula sa aplikasyon. 

Paano matatanggap ang Rei 2018?

Ang Rei ay matatanggap sa isang electronic card (carta Rei). Ito ay isang tila atm card na magagamit sa pamimili o pagwi-withdraw ng cash, hanggang sa kalahati ng kabuuang halaga nito. 

Halimbawa, kung ang aplikante ay makakatanggap ng 187 euros dahil isang single, ang maximum amount na maaaring ma-withdraw ay hanggang 93.50 euros lamang at ang kalahati nito ay magagamit naman sa ibang shop o grocery store gamit ang atm, pati na rin sa pagbabayad ng house bills tulad ng gas at kuryente (ngunit hindi maaaring gamitin sa pagbili ng gamot at pagbabayad ng anumang ticket para sa medical check-up). 

Isang mahalagang pagbabago nito ay ang pagkakaroon din ng special discount, 5% sa iba’t ibang authorized shops. 

Matatanggap ba ang Rei 2018 ng mga dayuhan?

Bukod sa mga mamamayang Italians at Europeans, ang reddito di inclusion ay nakalaan rin sa mga dayuhang mayroong EC long term residence permit o carta di soggiorno, mayroong asylum status o international protection na naninirahan na sa Italya ng hindi bababa sa 24 na buwan. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinoy, ibinalik ang kalinisan sa villetta Quasimodo sa Messina

Schengen area border control ng 3 taon, nais pahintulutan ng EU