in

Mga katotohanan sa mga naipundar na property sa ikalawang kasal

Ang share sa napundar na property sa ikalawang kasal o sa live-in na hindi pa annuled sa uang kasal ay forfeited in favor sa conjugal property ng unang kasal.

Ang napundar na property at mga sweldo ng isang babae at lalaki na parehong single na naglive-in o nagsama sa iisang bubong na hindi kasal o kinasal under a void marriage, ay pag mamay-ari nila in equal share. Kung ang isa sa kanila ay kasal pa sa unang kasal at nagpakasal muli o nakisama/live-in, ang share niya sa napundar na property sa kinakasama niya ay forfeited in favor sa conjugal property ng unang kasal.

Kung walang ebidensiya na ang property ay napundar ng isa lamang, ang property ay considered na napundar bunga ng pagpapagod at pagtutulungan ng dalawa at ito ay pagmamay-ari nilang dalawa in equal share. Kung ang isa sa kanila ay nangalaga at nag-alaga sa pamilya at sa bahay, kinukunsidera ng batas na siya ay tumulong at nagkapagod sa pagpupundar ng property kahit wala siyang ibinigay na pera. Hindi maibebenta o maisasangla ang napundar na property kung walang consent ang kinakasama. Kung ang isa ay in bad faith sa void marriage, ang share niya ay forfeited sa napundar na property in favor sa kanilang mga anak (Art 147-148, Family Code).

 

alt

 

 

 

(Atty. Marlon Valderama – www.e-lawyersonline.com)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

‘Entablado’, ang musical play ng mga kabataang Filipino sa Roma.

Hanggang kailan ako maaaring manatili sa aking bansa ng hindi manganganib ang aking permit to stay?