Bago mapagkalooban ng Italian citizenship, kinakailangang may sapat na kaalaman sa wika, kultura at sa mga regulasyon o alituntunin ng bansang Italya.
Sa mga dayuhang nagnanais na magpalit ng pagkamamamayan o citizenship ay kailangang isaisip na hindi lamang ito isang burukratikong hakbang sa kadahilanang ito ay nangangahulugan din ng pagyakap at pag-aari sa isang bagong wika, kultura, at pagtanggap sa isang bagong lipunan, sa isang bagong teritoryo at sa isang bagong mga alituntunin at regulasyon.
Sa ganitong paraan ng pag-iisip ng isang dayuhan, siya ay kinakailangang sumailalim sa isang mahabang proseso ng integrasyon. Sa pangkalahatan, masasabi natin na ang pagkamamamayan ay nahahati sa dalawang yugto: administratibo at ang isa naman ay tinatawag na pagkamamamayang kultural.
Mahalagang mapagtuunan ng pansin na sa bansang Italya, hindi katulad ng ilang bansa, ang pagkamamayan ay ipagkakaloob ng direkta sa pamamagitan ng tinatawag na karapatan sa dugo (
jus sanguinis ) at hindi sa lugar (jus solis). Sa madaling salita, kung ikaw ay anak ng isang mamamayang Italyano, maipagkakaloob din maging sa iyo ang Italian citizenship. Ang mga anak at apo (descendant) ng isang Italian citizen hanggang sa ikalawang antas ay maaari ding mag-apply ng Italian citizenship. Kinakailangan lamang na sila ay ipinanganak sa Italya at permanenteng naninirahan sa bansa sa loob ng 18 taon. Sa kabilang dako naman, ang mga dayuhang matagal ng naninirahan sa Italya, sa loob ng hindi bababa sa 10 taon ay may karapatan ng mag-apply ng Italian citizenship sa pamamagitan ng paraang “naturalization”. Bukod sa itinakdang bilang ng taon ng pamamalagi at paninirahan sa Italya,Ang isang Pilipinong may sapat ng gulang at inampon ng isang Italian citizen ay maaari ding mag-apply ng citizenship ngunit siya ay kinakailangang nanirahan sa Italya ng hindi bababa ng 5 taon.
Ang mga dayuhan sa bansang Italya ay maaaring mapagkalooban ng Italian citizenship sa pamamagitan ng mga sumusunod: ipinanganak sa Italya at legal na naninirahan sa bansa sa loob ng 18 taon at idineklara na nais makakuha ng Italian citizenship; ikinasal sa isang mamamayang Italyano; nag-apply ang citizenship sa pamamagitan ng naturalization, na kung saan ang pangunahing kondisyon ay ang legal na paninirahan sa bansang Italya sa loob ng 10 taon, may sapat na kita at hindi kailanman nasangkot sa anumang krimen sa bansang Italya. Ang pagbibigay ng Italian citizenship sa paraang naturalization ay dumadaan sa isang masusing pag-aaral ng mga kinauukulan dahil kinakailangang ang aplikante ay may sapat na pang-ekonomiyang katayuan sa pagbabayad ng buwis at iba pang pisikal na responsibilidad bilang Italyano.
Ang mga anak ng dayuhang migrante na ipinanganak at nanirahan sa Italya mula ng kanilang mga kapanganakan ay maaaring magdeklara na ninanais nilang magkaron ng Italian citizenship kung ang kahilingang ito ay naisagawa bago sumapit ang ika-18 taong gulang nito. Para sa aplikasyon, ang Anagrafe Centrale ng kinasasakupang siyudad ang may katungkulang makapagbigay ng lahat ng kinakailangang impormasyon sa buong proseseso nito. Ang mga kinakailangang dokumento sa pagsusumite ng aplikasyon ay naayon sa uri ng sitwasyon ng aplikante.
Sa paraang naturalization naman, ang mga sumusunod na dokumento ang inaasahang isumite sa mga kinauukulan: Bukod sa mga nabanggit sa itaas, ang isang aplikante ay inaasahan din na mag-sumite ng isang katunayan na walang kriminal na record sa bansang Italya at kopya ng deklarasyon ng taunang kita sa loob ng tatlong huling taon(Mod.Unico, 730, 740, at iba pa). Kinakailangan din ng mga kopya ng deklarasyon ng pagpapalit ng tirahan at kopya ng mga balidong dokumento katulad ng Carta D’Identità (identity card), Patente di Guida (Driver’s License, Pasaporto (Passport), Permesso di Soggiorno (Permit to Stay), Soggiornante di Lungo Periodo CE (ex-carta di soggiorno) at iba pa.
Ang mga application forms at modulo ng self-certification ay maaring makuha sa www.interno.it. Para sa mga anak ng mga imigrante na nakatira sa Roma, simula noong nakaraang June 18, ang tanggapan sa Piazza Tommaso De Cristoforis 3 ay nalipat saVia Ostiense 131/L at bukas lamang sa publiko by appointment.
Ang pagkuha ng appointment ay maaaring gawin sa pamamagitan ng website na ito. Samantala, sa mga nagsumite na ng aplikasyon at nais malaman ang posisyon ng aplikasyon ay maaaring sumangguni dito.
Para naman sa mga ‘political refugees’ na nanirahan ng ayon sa batas sa Italya nang kahit limang taon, ay maari ding mag-apply ng citizenship. Para naman sa isang anak o ikalawang antas na lineal grandchild ng mga mamamayang Itayano sa pamamagitan ng pagkapanganak at paninirahan ng ayon sa batas ng Italya ng kahit na tatlon taon. Ang isang isang tao na nasa hustong gulang, na inampon ng isang mamamayan ng Italya, naninirahan ng ayon sa batas sa Italya nang kahit limang taon matapos ng pag-ampon ay may karapatan ding mag-apply ng citizenship. Ang mga nagtrabaho para sa Italya, kahit sa ibang bansa, nang kahit limang taon (sa kaso nang serbisyo sa ibang bansa, hindi kinakailangang ang lugar na tinitirhan ay sa Italya at ang dayuhan ay maaaring pagsumite ng kanyang aplikasyon sa nakatalagang Consular authority).
Ang aplikasyon para sa pagkamamamayan sa Italya ay maaring isumite sa Prefecture sa sumasakop sa lugar na tinitirhan ng aplikante, sa pamamagitan ng maayos na pag-accomplish ng application form na may kalakip na €14.62 revenue stamp. Kailangang magbayad ng halagang 200 euro sa pamamagitan ng conto corrente postale n. 809020 intestato a:Ministero dell’Interno, DLCI- cittadinanza. Kasama ang fully accomplished application form, at ang mga sumusunod na dokumento ay dapat ilakip: Bukod sa birth certificate kasama ang lahat ng personal na mga detalye (maliban lamang sa mga dayuhang nasyonal na ipinanganak sa Italya) na isinalin sa Italyanoat pinatunayan ayon sa mga kaugnay na panuto na nakasaad sa application form (na dapat isumite sa Prefecture); Sertipikato o katunayan ng walang kriminal na record na ipinagkaloob sa sariling bansa na translated sa Italian language at pinagtibay ayon sa mga kaugnay na panuto na nakasaad sa application form; Sa pagpuno sa maraming mahahalagang bahagi ng nasabing application form, ang dayuhan ay maaring magkaloob ng sariling deklarasyon tungkol sa lugar na tinitirhan, estado ng pamilya, legal na posisyon sa Italya, at ang sahod sa huling tatlong taon.
Ang panahon ng paghihintay para sa mga appointment ay maaring tumagal ng ilang buwan hanggang isang taon. Kapag nai-schedule na ang appointment on-line, mayroong ibibigay na isang dokumento na nagsasaad ng petsa ng appointment at ng appointment number.
Ang Opisina ng Pagkamamamayan at ng mga sanggunian: Ang namamahala ng mga ito ay si Viceprefetto Aggiunto Roberto Leone, ang oras ng bukas ng tanggapan ay 9:00-12:30 tuwing Martes at Huwebes (06/433621219/220).
Sa oras na maisumite ang mga kinakailangang dokumento, ang mga ito ay maaring mai-download mula sa website:
(http://www.prefettura.it/roma/index.php?f=Spages&nodo=8962). Maari din itong sundan sa site na:
http://www.interno.it/mininterno/export/sites/default/it/temi/cittadinanza/sottotema009.html. Para maisagawa ang mga ito, nararapat lamang na mayroong registration number 10K, kung saan ay ibinibigay sa pamamagitan ng sulat mula sa Prefettura. Huwag kakalimutan ang revenue stamp na nagkakahalaga ng €14.62. Mangyaring isama ang resibo para sa kabayarang €200.00 sa postal account No. 809020, Ministero dell’Interno, DLCI-cittadinanza. Ilakip na dalawang kopya ang mga sumusunod na dokumento:
1) Ang mga sertipiko ng kapanganakan, isinalin sa wikang Italyano at legalized sa Italian Consulate. Para sa mamamayang Pilipino na may asawa, kinakailangan ang sertipikato ng kapanganakan ay naglalaman ng kapwa apelyido sa pagkadalaga/pagkabinata;
2) Sertipikasyon na walang kriminal na record mula sa bansang pinanggalingan.
Ang dokumento ay dapat na legalisado sa pamamagitan ng konsulado ng Italyano o embahada ng Estado kung saan ito inisyu at isinalin sa wikang Italyano sa pamamagitan ng awtoridad o sa pamamagitan ng isang opisyal na tagasalin ng nakarehistro sa Hukuman ng Roma, Italya o ang mga diplomatikong misyon sa Pilipinas.
Sa kaso ng isang pulitikal na refugee, kung walang mga dokumentasyon ay maaari silang gumawa ng affidavit kapalit ng birth certificate at isang pahayag ng sertipikasyon na sertipikado ng hukuman ng kanyang bansa. Iba pang mga dokumento na kailangang isumite ay sertipiko sa kasaysayan ng paninirahan at iba pa.
(Filipino sa Italya: praktikal na gabay sa Roma handog ng ASLI – Associazione Stranieri Lavoratori in Italia)