in

Mga mahahalagang bagay ukol sa EXPO 2015

Ang pamamaraan ay katulad ng Decreto Flussi para sa mga magiging bahagi, magse- set up at magtatanggal ng pavilion ng Milan World Expo. Ang mga turista ay kailangang mayroong tourist visa. I-download ang Gabay sa wikang italyano, ingles at pranses. 

Rome, Mayo 19, 2014 – Halos isang taon na lamang at sisimulan ang Expo 2015, kung saan ang Milan ay magigng sentro ng buong mundo. Tatlumputwalong (38) mga bansa ang magiging bahagi nito para sa anim na buwan, simula May 1 hanggang October 31, 2015 kung saan magtatanghal rin ng mga palabas, conventions at mga conference ukol sa tema ng nasabing Expo: “Feeding the planet, energy of life”.
 
Ito ang itatanghal ng Expo 2015 kung saan inaasahan ang milyun-milyong mga bisita buhat sa ibang bansa, at libu-libo ring mga manggagawa ang maghahanda para sa katuparan nito, mula sa mga exhibitors hanggang sa mga magse-set up at magtatanggal ng mga stands. Sa kanilang pagpasok at pananatili sa Italya ay inilaan ang isang gabay na inilathala ng Ministry of Interior, Labor at Foreign affairs  kamakailan, na matatagpuan rin sa wikang ingles at pranses.

 
Para sa mas detalyadong mga impormasyon,sumangguni lamang sa gabay na matatagpuan sa ibaba. Gayunpaman, ang pamamaraan ay nagbabago batay sa magiging ‘role’ sa Expo 2015. Ang mga kinatawan ng iba’t ibang mga bansa at mga NGOs at kanilang mga pamilya, halimbawa, ay makakapasok sa bansa sa pamamagitan ng entry visa na “mission visa” at magkakaroon ng indentity card buhat sa Ministry of Foreign Affairs na hindi mangangailangan ng permit to stay. 
 
Nakalaan, gayunpaman, ang isang prosedura na katulad ng decreto flussi para sa mga manggagawang magiging bahagi sa pagse-set up, pagsasa-ayos at pagtatanggal nito. Ie-empleyo ng mga kumpanya ang mga manggagawa na magpapatunay ng pagiging bahagi ng Expo 2015. Sa katunayan, ay isusumite ang aplikasyon online sa Sportello unico per l’Immigrazione. 
 
Susuriin ng Questura ang mga posibleng hadlang sa kaligtasan sa pagpasok ng worker, ang Direzione Territoriale del lavoro naman ang magsusuri sa pagkakaroon ng available post (2000 ang pinahihintulutan). Kung lahat ay magiging ayos, ang konsulado ay magbibigay ng entry visa at ang worker ay makakapasok sa bansa at magkakaroon ng permit to stay. 
 
At ang mga foreign visitors? Para sa kanila ang aplikasyon para sa Expo 2015 ay dadaan sa Italian Consulate sa sariling bansa dahil kinakailangan ang entry visa sa pagpasok sa Italya bilang turista. Gayunpaman, walang anumang komunikasyon na nagpapahiwatig na sa mga bansa kung saan malakas ang presyon ng migrasyon, kung saan mahirap na ngayon ang makakuha ng tourist visa upang makapasok sa Italya bilang turista ay magiging mas madali ang lahat dahil sa nalalapit na Expo 2015. 
 

•    Linee guida Expo Milano 2015 in materia di ingresso e soggiorno degli stranieri

•    Expo Milano 2015 Guidelines in the matter of foreigners' entry and stay

•    Lignes directrices Expo Milano 2015 en matière d'entrée et de séjour des étrangers

 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MADZ, sa mga world class concerts sa Italya

Colf, babysitters at caregivers, dapat bang gumawa ng dichiarazione dei redditi?