in

Mga Pagbabago sa Batas sa Citizenship hatid ng Decreto Salvini

Ang bagong batas sa citizenship, na ipinatutupad ng decreto legge simula noong Oct 5, 2018 ay nagbigay susog sa pagpapatupad (pagbibigay at pagpapawalang-bisa) ng italian citizenship sa kasalukuyang umiiral na batas bilang 91 ng 1992.

Narito ang mga puntos na nilalaman ng reporma sa pagkamamamayan ni Salvini.

  1. Apat na taong proseso ng aplikasyon ng Italian citizenship by marriage at by residency.

Ang arikulo 9- ng batas 91/1992 ay nagpapahaba mula 2 taon sa 4 na taong proseso sa pagkilala sa citizenship by marriage at naturalization, mula sa petsa ng pagsusumite ng aplikasyon.

Simula sa araw ng pagpapatupad ng bagong decreto Salvini ay nasasakop din maging ang mga aplikasyong kasalukuyang sinusuri na.

2. Mula € 200 sa € 250 na halaga ng kontribusyon sa pagsusumite ng aplikasyon

Ang ‘kontribusyon’ ay nasasaad sa batas 94/2009, sa ‘pacchetto sicurezza’.

Lahat ng aplikante – marriage, residency, o pagsapit ng 18 anyos ng mga ipinanganak sa Italya ay kailangang bayaran ang kontribusyon maliban lamang ang mga kinikilala ng ‘ius sanguinis’ o lahat ng uri ng awtomatikong pagbibigay ng Italian citizenship na nasasaad sa batas 91 ng 1992.

3. Angkop na kaalaman sa wikang italyano

Ang pagkakaroon ng italian citizenship by marriage (artikulo 5) at by residency (artikulo 9) ay nangangailangan ng angkop na kaalaman sa wikang italyano na hindi bababa sa B1 level ng Common European Framework of Reference for Languages o CEFR.

Upang mapatunayan ang nabanggit na kaalaman, sa pagsusumite ng aplikasyon para sa Italian citizenship ay kailangang lakip nito ang anumang sertipiko mula sa isang public o private school na kinikilala ng Ministry of Education (MIUR) at Ministry of Foreign Affairs (MAECI).

Tanging ang mga pumirma lamang sa accordo di integrazione o integration agreement at mga EC long term residence permit holders ang exempted sa bagong requirement dahil ang dalawang nabanggit ang unang nag-required sa kaalaman sa wikang italyano sa pamamagitan ng pagsusulit.

4. Itinakda ang 6 na buwan para sa releasing ng mga statement o civil status certificate ukol sa pagkilala ng Italian citizenship.

5. Tinanggal ang ‘silenzio assenso’ o ‘silent approval’ sa pagbibigay sa Italian citizenship by marriage makalipas ang dalawang taon mula sa pagsusumite ng aplikayson.

Ang Italian citizenship by marriage ay nasasaad sa mga artikulo 5 at 8 ng batas 91 ng 1992.

Tinanggal ng decreto Salvini ang talata 2 ng artikulo 8 kung saan nasasaad ang pagbibigay ng Italian citizenship by marriage sa kawalan ng kasagutan mula sa awtoridad makalipas ang 2 taon mula sa petsa ng aplikasyon o ang tinatawag na ‘silenzio assenso’.

6. Pagpapawalang bisa sa Italian citizenship

Ang bagong artikulo 10-bis ay nagsasaad ng pagpapawalang bisa sa citizenship sa kasong mahatulan ng terorismo na nahahatulan ng pagkakakulong mula 5 hanggang 10 taon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Zumba Fitness Firenze, naitayo sa ritmo ng musika

Maituturing bang employment ang pag-aalaga sa isang miyembro ng pamilya?