in

Middle Name Issue: Nilinaw ng Circular n. 4 ng Ministry of Interior

Mga paglilinaw sa pagrerehistro ng pangalan ng mga Pilipino sa Italya

Kinumpirma sa Circular No. 4 na ang isang mamamayan ng Pilipinas ay i-rerehistro sa Italya na gamit lamang ang kanyang pangalan at apelyido, na hindi babanggitin ang gitnang pangalan (middle name).

Subalit, sa panahon ng transisyon bago ipatupad ang tuluyang pagbabago ng sistema at upang magbigay ng ginhawa sa mamamayang Pilipino sa implementasyon ng bagong regulasyon, ang nasabing Circular No. 4 ay nagbigay ng mga sumusunod na paglilinaw:

1. Para sa mga Pilipino na mag-a-apply sa Anagrafe sa unang pagkakataon (iscrizione anagrafica) o kaya sa magpapalit ng residensya (cambio domicilio/residenza) at sila ay may hawak nang permesso o carta di soggiorno na nakasulat ang kanilang middle name, ang operator ng Munisipyo ay dapat na irehistro ang aplikanteng Pilipino na mayroong middle name upang maging pare-pareho ang impormayson na nilalaman sa lahat ng kanyang dokumentong Italyano.

2. Para naman sa mga Pilipino na nagmamay-ari na ng permesso di soggiorno na merong middle name at ito ay kanilang ire-renew, siya ay bibigyan ng Questura nang panibagong permesso di soggiorno na hindi na nakasulat ang middle name (sa pagsunod sa Circular No. 29).  Magiging responsibilidad ngayon ng nasabing Pilipino na pumunta sa kanyang Munisipyo at ipabago ang personal data sa Anagrafe sa pamamagitan ng pagtatanggal ng kayang middle name upang maging pare-pareho ang kanyang dokumentong Italyano.

3. Pagkatapos nito, ang officer ng Anagrafe ay magbibigay ng isang komunikasyon sa Pilipino na nagsasaad na ang dating rehistro ng nasabing Pilipino (na may middle name) at ang kanyang bagong rehistro (na wala nang middle name) ay iisa at parehong tao lamang. Sa kahilingan ng Pilipino, ang officer ng Anagrafe ay maaaring mag-isyu ng sertipikasyon (attestazione), ayon sa Regulasyon ng Anagrafe art. 33 c.2, na nagsasaad ang dati at bagong impormasyon ng aplikante.

4. Sanhi sa mga pagbabagong ito, ang Munisipyo na ang magpapadala ng isang komunikasyon sa Agenzia delle Entrate na i-update ang codice fiscale ng nasabing Pilipino.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

‘PAHIRAPAN ANG NOMAD’ ISANG RASISTANG PALARO SA FACEBOOK

‘FUTURO E LIBERTA’ Italians din ang mga anak ng dayuhang dito sa ating bansa ipinanganak.