Matapos ipatupad magmula noong Setyembre 17 ng taong kasalukuyan ang circular 13 ng August 2011 n. 138, ay nagkaroon ng mga pagbabago ukol sa pagpapadala ng pera palabas ng bansang Italya.
Ipinahahatid ng MoneyGram International – isa sa mga nangungunang international money transfer, mayroong 244,000 agents sa 192 bansa bukod sa makabuluhang partnership sa halos 11,000 post offices sa Italya, ang mga pagbabagong may kinalaman sa pagpapadala ng pera sa labas ng bansang Italya.
Ipinapaalam na walang anumang pagbabago sa sinumang magpapadala ng pera sa mga sumusunod na kategorya:
– EU nationals sa pagpapadala sa saan man parte ng mundo
– Lahat ng dayuhan sa pagpapadala sa mga bansa ng European Community
– Mga dayuhang nagtataglay ng Matricola Inps (o Inps code) o codice fiscale (o fiscal code) sa mga bansa ng EU countries at maging sa mga bansang di kabilang dito
Sa lahat ng mga hindi nabanggit, ay pinapatawan ng kaukulang ‘marca da bollo’ o stamp kahintulad ng 2% ng halagang ipapadala, na may minimum amount na 3 euro.
Citizenship ng magpapadala ng pera |
Bansang papadalhan ng pera | Mayroon bang Matricola Inps o codice fiscale? | stamp? |
EU nationals |
EU Countries at non EU countries |
NO/SI | Walang buwis o stamp na kakailanganin |
Non- EU nationals | EU countries | NO/SI | Walang buwis o stamp na kakailanganin |
Non-EU nationals | Non EU countries | NO |
– 3 euro para sa halagang mas mababa o hanggang 150 euros na ipapadala – 2% ng halagang ipapadala na mas mataas sa 150 euros. |
Paano gagamitin ang marca da bollo o stamp?
Maaaring bumili ng stamp sa alinmang tobacconist. Ang stamp ay dapat na buong ibibigay sa operator na syang gagawa ng transaksyon, ilalapat o ididikit sa resibo ng mga customer at mawawalan ng bisa kapag ito ay ginamit na. Inirerekumenda na ilapat o idkit lamang ang stamp kapag natapos na ang transaksyon.
Paano kakalkulahin ang marca da bollo o stamp?
Ang halaga ng stamp na ilalapat o ididikit sa resibo ay ang sumusunod:
– Para sa halagang ipapadala na mas mababa o hanggang 150,00, ay babayaran ang fix amount ng 3 euro.
– Para sa halagang mas mataas sa 150 euro, ay kakalkulahin ang 2% ng kabuuang halaga ng ipapadalang pera.
Hal: Nais ipadala ang 200 euro, ang halaga ng marca da bollo o stamp ay ang 2% ng 200 euro, samakatwid ay 4 euro.
Saan matatagpuan ang Matricola Inps o ang Inps code?
Ang Matricola Inps ay dapat na iprisinta ng mga non-EU nationals sa kanilang pagpapadala sa mga non- EU countries upang hindi magbayad ng 3 euro o ng 2% na remittance tax. Ito ay matatagpuan sa mga sumusuond na dokumento:
– Busta paga (o pay envelope)
– Liham buhat sa tanggapan ng Inps
– Liham ng mga employer
– Sa mga resibo ng binayarang kontribusyon sa post office
– CUD
– F24 sa parteng riserbado para sa Inps