Sa mga paghihigpit upang labanan ang pagkalat ng Covid19 sa bansa na nasasaad sa DPCM ng Dec 3 ay naglalaman din ng mga parusa na nasasaad sa artikulo 4 ng dl 19/2020.
Ito ang nasasaad sa Circular na ipinadala sa mga prefect ng head ng Gabinetto ng Ministry of Interior Bruno Frattasi ukol sa lahat ng mga pagbabawal na ipatutupad sa bansa simula Dec 21 hanggang January 6 at Dec.25-26 at Jan 1.
Ang buong artikulo 4 ay nakalaan sa pagbibigay ng mga parusa sa mga lalabag sa paghihigpit o restriksyon ng decreto Natale.
“Papatawan ng administrative sanctions o multa mula € 400 hanggng € 1,000 at mababawasan ng 1/3 kung ito ay babayaran sa loob ng 5 araw o € 280,00″.
Kahit ang pagbibigay ng false declaration sa Autocertificazione ay isang krimen at pangako ng Ministry ang pagsusuri sa katotohanan sa mga deklarasyon sa Autocertificazione. Sa kasong peke ay sasampahan ng kasong ‘falsa attestazione a un pubblico ufficiale’ at ayon sa artikolo 495 ng penal code ay pinaparusahan ng pagkakakulong mula 1 hanggang 6 na taon. (www.stranieriinitalia.it)
Basahin din:
- False declaration sa Autocertificazione, isang krimen
- DPCM Natale: Task Force, binubuo ng 70,000 ahente ng pulisya