Ang batas ng Italya ay nagsasaad na anumang pagbabago sa mga personal datas ng mga dayuhan na nakatala na sa Registry office sa Italya ay dapat na iulat sa mga nakatakdang tanggapan ng bansa para sa pagsasaayos ng mga ito. Ito ay mahalaga dahil ang permit to stay (para sa mga non-EU nationals) o ang Certificate of Permanency (para sa mga EU nationals) ay konektado sa mga personal datas na nasasaad sa pasaporte, ganoon din sa residence certificate at fiscal code.
Ang dayuhan, EU o non-EU national, halimbawang magpalit ng apelyido sa pamamagitan ng kasal o diborsyo, ay nararapat na humiling ng modification at/o ng updates upang maiwasan ang mga problema.
Kung ang modification ng apelyido ay naganap sa sariling bansa, ang mamamayan ay nararapat, na bigyan sa pamamagitan ng karampatang tanggapan ng sariling bansa ng isang pahayag o deklarasyon kung saan nasasaad na sa ilalim ng pinaiiral na batas ay napalitan ang mga personal datas (sapat na, sa kaso ng kasal, ang marriage certificate), isang sertipiko na dapat ay legalized at translated sa wikang italyano, o kaya’y nagtataglay ng Apostille kung ang sariling bansa ay bahagi ng Hague Convention (Ang Pilipinas ay hindi bahagi nito). Samantala kung ang modification ay naganap sa Italya (halimbawa, kasal sa pamamagitan ng embahada), ang deklarasyon ay manggagaling buhat sa embahada o konsulado sa Italya (matutunghayan sa ibaba – Change of Name due to Marriage, ang mga requirements), at legalized sa Prefettura.
Una sa lahat ay dapat baguhin ang datos sa permit to stay, pagkatapos, sa pamamagitan ng updated permit to stay, ay maaaring magtungo sa Munisipyo kung saan residente para sa karagdagang mga pagbabago.
Pag-a-update ng permit to stay
Sa kaso ng renewal ng pasaporte o anumang pagbabago ng personal datas sa pasaporte ng mga non-EU nationals na mga permit to stay holders, ay dapat mag-request ng aggiornamento (updates) sa Questura sa pamamagitan ng kit ng mga post office. Dahil mapapalitan lamang sa pamamagitan ng request ng aggiornamento ang tinataglay na datos ng lumang pasaporte, at ilalakip sa kit ang kopya ng bagong pasaporte. Kung bukod dito ay kinakailangang baguhin ang pangalan, apelyido, date at place of birth at citizenship, ay kailangang ilakip din ang angkop na dokumentasyon ukol dito.
Sa kaso ng kasal, ayon sa uri ng permit to stay at ng citizenship ng magiging kabiyak, ay maaaring mag-request ng panibagong permit to stay.
Pagbabago ng mga personal datas ng mga residente
Ang mamamayang residente sa Italya ay kinakailangan ding baguhin ang pagkakatala sa registry office sa munisipyo.Para sa pagwawasto ng mga personal datas, kailangan pa ring ilahad ang mga dokumentasyon ukol dito, translated, authenticated (o apostille), dipende sa kaso, lakip ang bagong pasaporte at ang updated permit to stay.
Kung kinakailangang gawin din ang pagbabago ng Civil status matapos ang pag-aasawa sa labas ng bansang Italya, kailangang ilahad ang marriage certificate, translated at legalized, o sworn translation sa karampatang hukuman ng Italya.
Ang mga karagdagang impormasyonay maaaring makuha mula sa mga tanggapan ng munisipyo na sumasakop sa tinitirahan, sa mga tanggapan ng Questura, sa mga embahada o konsulado ng sariling bansa.
Ayon sa GABAY – Filipino sa Italya ng ASLI (o Associazione Stranieri Lavoratori in Italia) sa pakikipagtulungan ng Embahada ng Pilipinas, narito ang mga requirements para sa deklarasyon ukol sa pagpalit ng apelyido dahil sa kasal.
CHANGE OF NAME DUE TO MARRIAGE Certificate
(Certificato di Matrimonio, as required by the comune or questura to determine civil status)
Requirements:
a. Application fee of €25.00
b. Passports of both spouses
c. Original and one photocopy of authenticated NSO Marriage
Certificate or Marriage Contract or Report of Marriage
d. Personal appearance by the applicant.
Note: Sometimes, Italian offices may require the Authenticated NSO marriage contract translated and legalized by the Italian Embassy.
When Italian offices, especially the Questura, require that the couple is married up to the present, an affidavit form (Affidavit of Family Composition for a married couple, Annex T) in Italian/English is available at the Embassy/Consulate.
All Comune offices require that certifications from the Embassy/ Consulate should first be legalized at the Prefettura before being submitted to them. For other Italian offices, the applicant is advised to inquire on other requirements directly from these offices.