Ang Schengen Visa ay ang entry visa na nagpapahintulot na makapaglakbay at mabisita ang European countries.
Ang Schengen Visa ay nagpapahintulot, kabilang ang mga Pilipino, na sa pamamagitan ng iisang entry visa ay makapasok sa 26 bansa ng Schengen Area Member States habang balido ang nasabing visa.
Ang Schengen Area Member States ay ang sumusunod:
Austria, Belgium, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Iceland, Italy, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Malta, Netherlands, Norway, Poland, Portugal, Slovakia, Slovenia, Spain, Sweden, Switzerland, Liechtenstein
Maaaring manatili hanggang maximum ng 90 araw sa loob ng 6 buwan na ang sinumang bibisita sa mga bansang nabanggit.
Ipinapaalala sa simunang mayroong schengen visa na ito ay hindi maaaring gamitn sa trabaho o pag-aaral sa bansang napili. Ito ay isang ‘visitor visa’ lamang at ito ay nakalaan sa layuning pang-turismo o pagne-negosyo lamang.
Ipinapayong mag-aplay ng schengen visa sa embassy ng bansang nais bisitahin ng una, ng huli o ng bansa kung saan nais manatili ng mas matagal.
Tips sa pag-aaplay ng Schengen Visa sa Pilipinas
Narito ang ilang tips sa pag-aaplay ng Schengen Visa sa Pilipinas.
Bago mag-aplay sa embahada ng napiling bansa, siguraduhin ang mga sumusunod:
- Kumpletuhin ang mga requirements at mga dokumento;
- Tapusin ang flight booking, itinerary, accommodation, tour schedule;
- I-double check ang lahat bago magpatuloy sa pag-aaplay ng visa;
- Mag-aplay ng visa nang mas maaga ng tatlong buwan bago ang European trip;
- Ipinapayo ang pag-aaplay sa Italian Embassy sa Manila dahil hindi ito nangangailangan ng personal interview habang ang dokumento ay hindi pa kumpleto. Ang French, Spain at ibang embahada ay nangangailangan agad ng interview.
Schengen Visa Requirements para sa mga Pilipino
Application form (pirmado at kumpleto sa hinihinging detalye)
- Balidong pasaporte (balido ng hindi bababa sa 6 na buwan mula sa petsa ng pagbi-biyahe)
- Kopya ng balidong passport at dating mga entry visas (inirerekomenda ang colored photocopy)
- Passport-sized na ID picture na puti ang background
- NSO Authenticated Birth Certificate
- NSO Authenticated Marriage Certificate (kung kasal)
- Invitation Letter na naka-address sa embassy kung isang kaibigan o kamag-anak ang nag-iimbita at dito mananatili. Gayunpaman, ang letter of invitation ay kailangang mula sa isang National, Citizen o Foreign resident sa bansang pupuntahan. Ito ay kailangang patunayan ng mga supported documents tulad ng permit to stay. Ito ay karaniwang may format at downlable sa website ng embassy o consulate ng bansang nais puntahan.
- Roundtrip ticket (opisyal na kumpirmado ng airline)
- Detalyadong itineraryo kabilang ang oras at petsa ng pag-alis at pagdating
- Hotel accommodation vouchers at booking receipts
- Katibayan ng Financial Capacity, Income and Sufficient Funds na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Bank Account SOA (Statement of Account ng huling 3 buwan)
- Bank Certification
- Update Passbook
- Recent ITR (Income Tax Return)
- Billing statement ng Credit card ng 3 huling magkakasunod na buwan
- Employment Certification na pirmado ng kumpanya kung saan nagtatrabaho
- Approved Leave of Absence
- Travel Order (kung nagtatrabaho sa gobyerno)
- Business Registration Certificate (kung self-employed)
- Travel Insurance mula Accredited Schengen insurance companies sa Pilipinas
- Visa processing fee
- Affidavit of Support ang Consent mula sa mga magulang (kung menor de edad)
- DSWD Clearance para sa mga menor de edad na hindi kasama ang mga magulang na magbi-biyahe
Ang mga nabanggit ay pawang mga general requirements. Ang bansang mapipili ay maaaring mayroong ibang dokumentong kailangan bukod pa sa mga nabanggit sa itaas.