Ang mga naturalized Italians o mga Pilipinong nagkaroon ng Italian citizenship gayun din ang mga Pilipinong ipinanganak sa Italya at naging ganap na Italyano sa pagsapit ng ika-18 taong gulang, ay kabilang na boboto sa nalalapit na local election. Narito kung paano.
Roma, Abril 12, 2016 – Ang 1300 Comune sa Italya, kabilang ang mga pangunahing lungsod tulad ng Rome, Milan, Turin, Naples at Bologna, ay magluluklok ng Alkalde at mga Konsehal nito.
Ang petsa para sa nalalapit na local election na itinalaga ni Interior Minister Angelino Alfano ay sa June 5 kung saan kabilang na pipili at boboto ang mga naturalized Italians o ang mga Pilipinong nagkaroon ng Italian citizenship by residency, marriage at iba pa, gayun din ang mga Pilipinong ipinanganak sa Italya at naging ganap na Italyano sa pagsapit ng ika-18 taong gulang, sa pagkakaroon ng tinatawag na tessera elettorale.
Ang tesserae elettorale ang nagpapahintulot sa mga ‘New Italians’ na bumoto. Ito ay nagtataglay ng mga sumusunod na datos:
- ang kinabibilangang sezione elettorale
- ang lugar kung saan boboto
- ang Comune o Munisipyo na kinabibilangan
- ang 18 boxes kung saan ilalagay ang timbro ng voting poll head
Ang mga naging Italian citizen ay awtomatikong napapabilang sa listahan ng ‘liste elettorali’ sa lungsod kung saan residente. Ang Ufficio Elettorale naman ang magpapadala ng tessera elettorale direkta sa tirahan ng mamamayan sa pamamagitan ng registered mail.
Kung sakaling hindi ito matanggap sa pamamagitan ng koreo ay maaaring magtungo sa Ufficio Elettorale at kunin ito ng personal at magdala lamang ng balidong dokumento. Maaari rin itong kuin ng miyembro ng pamilya na may dalang authorization letter at kopya ng dokumento.
Bukod dito, ang mga Pilipinong naturalized Italian na kabilang sa liste elettorali ay maaaring ihalal tulad ng mga Italians at nagtataglay ng parehong karapatan, obligasyon at proseso sa pagpi-prisinta ng kanilang kandidatura.
Saan maaaring kunin ang tessera elettorale:
Rome: –
- Sportello anagrafico ng Munisipyo na kinabibilangan
- U.R.P. Electoral Office – Via Luigi Petroselli 50, Rome
PGA