in

Overtime sa domestic job, ano ang nasasaad sa batas?

Overtime sa domestic job, ano ang nasasaad sa batas?

Bilang colf o badante ay maaaring kailanganing magtrabaho nang higit sa napagkasunduang oras marahil dahil sa emerhensya o hindi inaasahang pagkakataon ng employer. Dahil dito, ang colf, caregiver o babysitter ay kinakailangang mag-over time. Ano ang nasasaad sa batas?

Ano ang tinutukoy na Overtime? 

Ang karagdagang oras ng trabaho ay tinutukoy na overtime kung:

  • Lampas sa maximum na oras ng trabaho na pinahihintulutan ng batas sa araw-araw o lingguhan,
  • sa panahon ng pista opisyal na kinikilala ng batas.

Ang oras ng trabaho kapag working days na lampas sa napagkasunduang oras, ay maituturing lamang na overtime kung lalampas sa maximum ng pinahihintulutang oras na itinalaga sa araw-araw at lingguhan. 

Samakatuwid, ang mga oras na ipinagtrabaho bukod sa napagkasunduang oras, ngunit nasa loob naman ng maximum na limitasyon, ay hindi maituturing na overtime

Maximum na oras ng Overtime

Ang maximum na oras ng overtime na maaaring hilingin ng employer sa colf ay:

  • Part-time job: Hindi lalampas sa 44 na oras ng trabaho bawat linggo (40 oras ng normal na trabaho + 4 na oras ng overtime);
  • Live-in: Hindi itinalaga ang maximum na oras ng overtime. Ngunit maaaring isaalang-alang ng employer ang mga sumusunod: a. ang karapatan ng colf sa 11 oras ng tuluy-tuloy na pahinga sa buong araw; b. ang karapatan sa 2 oras na pahinga, kung ang oras ng trabaho ay hindi buo sa pagitan ng 6-14 o 14-22; k. ang maximum na limitasyon ng lingguhang oras ng trabaho na pinahihintulutan (54 na oras o 30 oras, depende sa antas ng trabaho).

Tandaan: Ang oras ng trabaho na lampas sa maximum na pinahihintulutang oras kada linggo para sa mga naka-live in ay itinuturing na overtime at dapat bayaran ng higit.  

Ang oras ng trabaho na lampas sa napagkasunduang oras sa hiring ngunit nasa napapaloob sa limitasyong nabanggit ay babayaran ng regular na sweldo. 

Halimbawa:

Ang naka live-in na colf na nasa ilalim ng regular na kontrata: 

maximum na bilang ng oras ng trabaho na pinapahintulutan = 54 oras.

a) napagkasunduang oras ng trabaho kada linggo ay 40 oras.

Kung ang employer ay humiling sa colf na magtrabaho ng karagdagang 10 oras bukod sa napagkasunduan, kahit pa ito ay overtime dahil ito ay karagdagan sa napagkasunduang oras ng trabaho, ay hindi maituturing na overtime at hindi rin babayaran ng higit. Dahil ang sumatutal ng napagkasunduang oras ay 40 oras at dadagdagan ng 10 oras ay 50 oras na trabaho at ito ay hindi lampas sa itinakdang oras ng trabaho kada linggo na pinahihintulutan ng CCNL, na 54 oras. Samakatwid ang karagdagang 10 oras ay babayaran ng regular na sweldo. 

b) napagkasunduang oras ay 48 oras 

Kung ang napagkasunduang oras ng trabaho kada linggo ng colf ay 48 oras at ang employer ay humiling ng karagdagang 10 oras sa isang linggo. Ang kabuuang bilang ng oras ng trabaho ay 58 at ito ay lampas sa 54 hrs na itinakdang oras ng trabaho ng CCNL. Sa kasong ito, ang 54 hrs ay babayaran ng regular habang ang 4 na oras na natitira ay babayaran bilang overtime. 

Source: www.colf-badanti.it

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

anti-covid vaccine Ako ay Pilipino

Bakunang AstraZeneca, sinuspinde ng AIFA

Required salary 2021 sa pag-aaplay ng Permesso CE Soggiornanti di lungo periodo